26/08/2026
13 RPPP, HANDA SA UNANG BANGSAMORO ELECTION DEBATE!
Kinumpirma ng lahat ng 13 Regional Parliamentary Political Parties (RPPPs) ang kanilang paglahok sa kauna-unahang Bangsamoro election debate sa Huwebes, Agosto 27, sa Notre Dame University sa Cotabato City.
Tatalakayin sa debate ang tatlong pangunahing usapin na haharapin ng 80-member Bangsamoro Parliament: ekonomiya at human development, kapayapaan at seguridad, at mabuting pamamahala.
Magsisimula ang termino ng mga bagong halal na parliamentarians sa Oktubre 30, kasabay ng pagtatapos ng halos walong taong transition period ng BARMM.