07/08/2025
Pregnant in 3rd Trimester be like 🥹😔
1. Back Pain
Habang lumalaki si baby sa loob ng tiyan, nadadagdagan ang bigat na dinadala ng likod.
Madalas, ang lower back ang pinaka-apektado dahil sa shifting ng center of gravity.
Bukod pa rito, ang hormones tulad ng relaxin ay nagpapaluwag ng mga joints at ligaments para sa panganganak — kaya mas madaling sumakit ang likod.
✅ Tip: Gumamit ng pregnancy pillow, warm compress, at iwasan ang matagal na pagtayo o pag-upo.
2. Difficult to Sleep
Ang laki ng tiyan, madalas na pag-ihi, heartburn, leg cramps, at anxiety ay nagiging dahilan kung bakit hirap makatulog ang buntis.
Hirap din humanap ng komportableng posisyon lalo na’t hindi na puwedeng matulog ng nakatihaya.
✅ Tip: Matulog ng nakatagilid sa kaliwa, gumamit ng body pillow, at umiwas sa caffeine sa gabi.
3. Difficult to Breathe
Habang lumalaki ang matres, naiipit nito ang diaphragm — ang muscle na tumutulong sa paghinga.
Kaya kahit hindi gumagalaw, parang hinihingal o parang kulang ang hininga.
✅ Tip: Umupo ng tuwid, magpahinga kapag hinihingal, at iwasan ang sobrang sikip na damit o belt.
4. Heavy Belly
Normal lang na maramdaman na sobrang bigat ng tiyan sa third trimester.
Bukod sa timbang ng baby, may dagdag ding weight mula sa placenta, amniotic fluid, at uterus.
Dahil dito, puwedeng makaramdam ng pressure sa balakang, singit, at maging sa mga binti.
✅ Tip: Magsuot ng maternity support belt, umupo o humiga kapag pagod, at iangat ang paa paminsan-minsan.
Pero kunting tiis nalang mga preggy moms, malapit nyo na ding makasama si baby. ❤️