30/11/2025
Ang sarap sana ng gising ko kanina bwena manong may aayusin agad akong phone. Pero pag buka ko pa lang, may something na agad na off. Nakailang bukas na rin ako ng ganitong model, pero iba talaga ’to… sobrang hirap buksan, as in hindi normal.
Pag alis ko ng back cover, napamura talaga ako sa loob-loob ko. Jusko, glass back pala, eh yung mga nahawakan ko lately puro plastic. Ayun… crack agad. Sabi ko, “Paktay. Abuno ako sa back cover neto.” Pero go lang, trabaho eh tuloy pa rin ako.
Pagbukas ko fully, mas lalo akong napa-“HA?!”
Ang sabi sa’kin, mahal daw bili nila sa phone na ’to… pero yung battery walang kahit anong logo, walang branding blankong blanko. Yung mga wirings? Ang weird. Dapat flex cables ’yan, maayos pagkakabit… pero dito parang pinagpilitan. At grabe, ang hirap tanggalin ng components, hindi siya yung standard build na alam ko.
Tinawag ko pa mga co-tech ko, pinakita ko.
Boss? Fake. Clone. Peke.
Ang nakakalungkot lang, ang dami pa rin palang ganitong phone na kumakalat, at ang sakit din sa bulsa pag ikaw ang naloko. Kaya ayun, share ko lang para maging awareness sa iba lalo na sa mga nagpaplanong bumili.
Kung bibili kayo ng phone, lalo na medyo high-end, sa official store na kayo. Sure legit, less problema, less sakit ng ulo.