03/10/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            A World Teachers' Day Special
"Sisi" ni Jogel Alfanta
Sa opisina akoây napahinto,
magulang at anak, lumabas na parang nanalo ng ginto.
âMaâam, ayusin mo ang pagtuturo, baka mataggal lisenya't di na makapagturo.
Mga salitang parang patalim na sa dibdib tumusok, dumuro.
Sa henerasyong abala sa cellphone at laro,
ML, K-drama, TikTok ang inuuna bago ang leksyong tinuro,
Pagdating sa marka, kapag mababa ito,
ikaw ang may sala, mental health raw ay nasira.
Ngunit tanong ko lang, kasalanan ba talaga ng g**o?
Ikaw na nagbubuhos ng pawis, ng pagod, ng dugo.
Ikaw na sa halip na pamilya moây makasama,
mga anak ng iba ang iniintindiât inaalala.
Sino ang nakakaalam ng iyak mong palihim?
Na kapag gabi, hawak ang lesson plan, nagigising.
Sino ang nakakaintindi ng bigat na pasan,
na kahit kulang ang kita, patuloy ka pa ring lumalaban?
Hindi baât mas tama na tanungin ka,
âMaâam, Sir, kumusta ka? Kaya mo pa ba?â
Hindi baât mas tama na ikaây yakapin,
sapagkat sa bawat aral mo, kaluluwa namin ay pinapanday mo rin?
G**o, ikaw ang unang bumabangon bago pa ang araw,
naglalakad sa dilim, dala ang pag-asa ng kabataan, araw-araw.
Ikaw ang ilaw sa silid na madilim,
ang tinig na nagsasabing, âAnak, kaya mo âyan, magtiwala ka sa âyong mithiin.â
At kahit ikaw ay sugatan, pinipiling ngumiti,
kahit ikaw ay pagod, pipiliing magturo muli.
Dahil sa puso mo, hindi ito trabaho lang,
itoây tawag ng Diyos, misyon na walang hanggan.
Hindi basta tungkulin na sinusuklian,
kundi panatang habambuhay na laging pinanghahawakan.
Kung kami man ay sisikat sa bukas na kay taas,
kung kami man ay makarating sa rurok ng pangarap at galak,
unang pangalan na isisigaw ng aming pusoât galak,
ay ang g**ong nagbigay ng liwanag sa landas na aming tinahak.
Salamat, G**o, sa iyong pagtitiis,
sa pag-unawa sa amin kahit kamiây malikot at makulit pa minsan, walang kaparis.
Salamat sa paniniwala na kamiây may saysay,
kahit kami mismoây sumusuko, naliligaw, nagtatago sa buhay.
Ikaw ang bayani na di nakasuot ng kapa,
kundi mandirigmang may hawak na pen at pisara.
At sa bawat patak ng luha mo tuwing gabi,
nawaây Diyos ang magpahid, magpalakas, magbawi.
Sapagkat bawat sakripisyo moây hindi nasasayang,
bungaây pangarap naming unti-unting natutupad, salamat sa iyong paglinang.
At sa iyong pagtuturo, daigdig ay nagiging maliwanag,
sa puso ng bawat bataâalaala moây mananatiling gabay at walang hanggang liwanag.
Kayaât sa lahat ng g**o, saludoât pagpupugay,
dakilang bayani, inspirasyon ng buhay.
Pag-ibig at gabay ninyoây walang kapantay,
Happy Teacherâs Day poâilaw naming gabay, magpakailanman sa aming buhay.
     
 **C
 **C  **C