14/08/2026
📍 LAHAT AY AKING IBIBIGAY
Una Niyang inalay ang Kanyang buhay,
Ngayo'y buhay nati'y iaalay,
Lahat sa Kaniya'y ibibigay,
'Pagkat pag-ibig Niya'y totoo habang buhay.
Ito ang pagmamahal ng ating Dakilang Ama,
Sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak,
Na kahit tayo'y hindi karapat-dapat,
Pag-ibig Niya'y patuloy na sapat at tapat.