08/06/2026
SEN. RISA HONTIVEROS: “EBIDENSYA ANG DAPAT MANGIBABAW, HINDI KUWENTO LAMANG”
Binigyang-diin ni Sen. Risa Hontiveros na sa anumang imbestigasyon, mahalagang nakabatay sa matibay na ebidensya ang paghahanap ng katotohanan. Ayon sa senador, isang pagkakataon sana ang pagdalo ng 18 dating bodyguards sa pagdinig ng Senado upang malinawan ang publiko sa mga usaping kanilang kinasasangkutan. Gayunman, dahil sa kanilang hindi pagsipot, nananatili pa ring bukas ang maraming tanong na nangangailangan ng malinaw at mapapatunayang sagot. Aniya, ang katotohanan ay dapat nakasalig sa ebidensya at hindi sa mga pahayag lamang.