SINAG

SINAG SINAG is the official student publication of the UP Diliman College of Social Sciences and Philosophy (CSSP).

In its 53rd year, SINAG is once again facing tumultuous times. Amid a raging pandemic and a deepening economic recession, the publication's online presence has been severely hampered by organized and sustained attacks from paid online trolls. SINAG's original page, which already had 12,000+ likes, began to suffer from low reach and impact as the unjustified reports took their toll. To ful

fill its mission of upholding the truth and defending press freedom, SINAG deemed it apt to begin anew on the platform. Unencumbered by past obstacles and with renewed zeal to serve the people, SINAG aims to fight back and deliver a radical, assertive, and mass-oriented brand of journalism.

09/08/2025

ALERT | Hinarang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) gamit ang mga matataas na kalibre ng baril ngayong gabi ang mga nagpuprotesta at kabilang sa Humanitarian Team na nag-iimbestiga sa isang armadong engkwentro noong Agosto 7, sa Barangay Happy Valley, Roxas, Mindoro.

Mula sa Facebook Live broadcast ng Karapatan Southern Tagalog, mga miyembro ng ika-203 na Infantry Brigade (IB) at ng PNP ang nag-iintimida at nanghaharass sa ikinasang mapayapang protesta ngayong araw sa harap ng Lordville Funeral Services sa Roxas. Kabilang sa bulto ang mga estudyante mula Unibersidad ng Pilipinas (UP) at si 40th Student Regent (SR) Nominee na si Nemo Yangco.

Dagdag ng Karapatan, may pulis na nagtangkang magpaputok ng baril sa mga nagpuprotesta. Samantala, bumuo naman ng barikada ang mga sundalo mula sa ika-203 na IB habang nakatutok din ang matataas na kalibre ng baril sa mga nagpuprotesta na hindi armado.

Nasawi ang dalawang kinikilala bilang miyembro ng New People's Army (NPA) sa armadong engkwentro noong Huwebes. Ang Humanitarian Team ng Karapatan Southern Tagalog ang idineploy upang imbestigahan ang insidente at ang naging epekto nito sa komunidad.

Natuklasan ng Humanitarian Team na ang mga labi ng mga nasawi ay nasa kustodiya ng AFP at PNP kung saan iginigiit ng mga nagpuprotesta na matinding paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) kung saan illegal ang pagtago ng mga puwersa ng estado sa mga bangkay at dapat maayos na maibalik ito sa mga pamilya ng nasawi sa madaling panahon.

Sa mga nakaraang taon, matindi ang mga naitalang abuso sa Timog Katagalugan at mas tumitindi pa lalo ang impunidad sa rehiyon.

BASAHIN: https://sinag.press/news/2023/09/08/walang-kapayapaan-sa-estadong-walang-katarungan-estado-ang-totoong-terorista-giit-ng-mga-tanggol-karapatan/

๐Ÿ“ฝ๏ธ Bidyo mula sa Karapatan Southern Tagalog



NGAYON: Kasalukuyang ginaganap sa University of the Philippines Los Baรฑos ang 2025 UP Solidaridad Bi-Annual Congress nga...
04/08/2025

NGAYON: Kasalukuyang ginaganap sa University of the Philippines Los Baรฑos ang 2025 UP Solidaridad Bi-Annual Congress ngayong Lunes, Agosto 4. Nag-umpisa ang programa sa maikling ice breaker at warm up, habang ibinahagi naman ng kasalukuyang National Executive Committee ng alyansa ang kanilang term report bilang pagtatapos ng kanilang termino.

Sa mga susunod na araw ay gaganapin naman ang General Assembly of Student Councils (GASC) kung saan tatalakayin ng iba't ibang konseho ang mga napapanahong isyu sa iba't ibang bahagi ng unibersidad. Kikilatisin din ng mga lider-estudyante ang mga nominado sa pagiging susunod na Opisyal na Rehente ng mga Mag-aaral.

Umantabay lamang para sa mga susunod na detalye.

๐Ÿ“ธ Mga larawang kuha ni AJ Binay


MGA LARAWAN: Dumagundong sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ang mga inirerehistrong panawagan ng pinagsanib-puwersa na m...
28/07/2025

MGA LARAWAN: Dumagundong sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ang mga inirerehistrong panawagan ng pinagsanib-puwersa na mga progresibong grupo at sektor ngayong araw sa magkasunod na programang inorganisa ng BAYAN at ng mas malawak na hanay na pinamagatang "People's SONA" ngayong araw, Hulyo 28 bago ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Batasang Pambansa.

Binatikos ng mga dumalo ang mga pangako ni Marcos Jr. sa taunang mga SONA niya na hindi naman ramdam sa kasalukuyan o hindi naman nagkatotoo. Patuloy pa rin ang paghahari ng mga political dynasty, korap na sistema, krisis sa kabuhayan, hindi nakabubuhay na sahod, palpak na flood infrastructure systems, kakarampot na ayuda para sa mga biktima ng kalamidad, komersalisasyon, at iba't ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatang pantao.

Dumulo ang kabuoang programa sa pagkuwestiyon sa kawalan ng pagbibigay-importansya ng gobyerno sa tuluyang paglilitis kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng kanyang bilyon-bilyong ninakaw na pondo ng taumbayan sa ngalan ng huwad na confidential at intellligence funds, palpak na programang pang-edukasyon, at pagkikibit-balikat sa mga krimen na pinangunahan ng kanyang pamilya.

Bagaman naging malabnaw ang mga naging pahayag ni Marcos Jr. sa kanyang pinakabagong SONA, mababakas sa pagkilos kanina ang nag-aalab na diwa ng sambayanang pagod na sa kasalukuyang umiiral na sistema ng lipunan at patuloy na nakikibaka para sa tunay na makabayang pagbabagong lapat sa reyalidad at danas ng maralitang Pilipino sa gitna ng tumitinding krisis panlipunan.

๐Ÿ“ธ kuha nila Adrianne Ermitanio at Jenelle Raganas


MGA LARAWAN: Idinaos ng komunidad ng UP Diliman ang "SONA ng Paniningil" upang ilantad sa publiko ang mga panawagan ng m...
28/07/2025

MGA LARAWAN: Idinaos ng komunidad ng UP Diliman ang "SONA ng Paniningil" upang ilantad sa publiko ang mga panawagan ng mga Iskolar ng Bayan bago ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ngayong araw, Hulyo 28.

Nag-umpisa ang educational discussions (EDs) at local actions sa iba't ibang cluster. Itinampok sa AS Steps ang pagrerehistro ng iba't ibang panawagan mula pagratsada ng budget cuts sa state universities and colleges (SUCs) hanggang pagkundena sa lantarang pagbulsa ni Sara Duterte bilang dating Department of Education (DepEd) Secretary sa mga pondong pang-edukasyon at patuloy pa rin ang delay sa kanyang impeachment trial.

Ani kasalukuyang CSSP Student Council Councilor Merylene Belen, "[Sabi ni] Sonny Angara, 300,000 pesos raw kada UP student, nararamdaman ba?" Giit niya, buwis ng masang Pilipino ang pinagkukuhanan ng pondo para pag-aralin ang mga Iskolar ng Bayan, ngunit hanggang ngayon, patuloy pa rin ang agawan sa units, slots sa dorm, at kulang ang suporta sa field work na importante sa mga kursong agham panlipunan at pilosopiya. Nagtapos ang programa sa AS Steps matapos ang isang kultural na pagtatanghal ng "Hindi Namin Kayo Titigilan."

Mula AS Steps, dinala ng mga Iskolar ang paniningil sa administrasyong Marcos-Duterte sa Quezon Hall. "[May] 2.8 billion budget cut sa UP habang sa militar ay may 25 billion guaranteed sila for modernization," giit ni EJ Escototo mula sa League of Filipino Students - CSSP. Sa kabila nito, kinundena rin nila ang patuloy na sabwatan ng kasalukuyang rehimen kasama ang imperyalistang US, kung saan mas lalong lumalawak ang Balikatan exercises, pagpapaigting sa importansya ng EDCA bilang disaster response, at ang pakikipagkasundo ni Marcos Jr. kay U.S. president Donald Trump kamakailan lamang upang mas paluwagin ang palitan ng produkto sa pagitan nila at ng Pilipinas.

Bukod dito, kinundena rin ng bulto ang tuloy-tuloy na General Education (GE) subjects reform, na makakaapekto sa kritikal na pundasyon ng karunungan ng mga estudyante upang suriin ang lipunan. Dagdag nila, habang ang edukasyon ay nanatiling represibo at komersyalisado, patuloy na magiging alipin ng kapitalismo ang mga manggagawa.

Hamon nila sa mga kapwa Iskolar na patuloy pang ilantad ang totoong reyalidad ng mga maralitang Pilipino, sa kabila ng mga napakong pangako ni Marcos Jr sa taunang SONA. Bukod dito, itinatambol din nila ang panawagang litisin na si Sara Duterte at managot ang kanyang pamilya sa kabila ng kaliwa't kanang katiwalian at pang-aabuso na kanilang inutos at pinahintulutan.

๐Ÿ“ธ kuha nila Princess Sacendoncillo at Maureen Dellosa


NGAYON: Pinangunahan ng mga pesante sa pamumuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang martsa tungo sa Tandang So...
28/07/2025

NGAYON: Pinangunahan ng mga pesante sa pamumuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang martsa tungo sa Tandang Sora ngayong araw, bilang umpisa ng programang โ€œSONA ng Paniningil.โ€

Bitbit ng ibaโ€™t ibang progresibong grupo at sektor ang mga panawagan tulad ng paggiit sa tunay na reporma sa lupa at pagtutol sa reklamasyon.

Ani Funa-ay Claver mula sa KATRIBU, bukod kina Marcos Jr. at Sara Duterte, dapat ding singilin ang imperyalistang US sa kabila ng plano nitong gawing ammunition production zone ang U.S. Dagdag niya, dapat ding kundenahin ang pagiging papet ni Marcos Jr. matapos ang kasunduan nila ni U.S. President Donald Trump kamakailan lamang na paluwagin ang palitan sa pagitan nila at ng Pilipinas, habang malaking singil na taripa ang hinihinging kapalit ng U.S.


28/07/2025

PANOORIN: Bilang kultural na pagtatanghal, inawit ng mga Iskolar ng Bayan ang โ€œHindi Namin Kayo Titigilan.โ€

Giit nila, kailangan na singilin ang rehimeng Marcos sa kapabayaan nito sa sambayanan at panagutin naman ang mga Duterte sa kanilang mga krimen.


JUST IN: Senator Chiz Escudero has been elected Senate president of the 20th Congress with 19 out of 24 total votes. The...
28/07/2025

JUST IN: Senator Chiz Escudero has been elected Senate president of the 20th Congress with 19 out of 24 total votes. The other five senators voted for his opponent, Senator Tito Sotto who was Senate president during former President Rodrigo Duterte's term.

Meanwhile, Sen. Joel Villanueva is the new Senate majority leader. This is followed by the anticipated decision of Sen. Kiko Pangilinan and Sen. Bam Aquino to join the majority bloc as well.


NGAYON: Kasalukuyang nagkakaroon ng mga pag-aaral o educational discussions (EDs) sa AS Lobby tungkol sa kasalukuyang si...
28/07/2025

NGAYON: Kasalukuyang nagkakaroon ng mga pag-aaral o educational discussions (EDs) sa AS Lobby tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas at tipo ng pulitika na umiiral sa gitna ng pamumuno ni Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.

Sumunod dito, magkakaroon ng sunod-sunod na pagkilos sa AS Steps at Quezon Hall. Tutungo rin ang bulto sa Commonwealth Avenue mamaya upang irehistro ang iba't ibang panawagan mula sa mga sektor bago ikasa ni Marcos Jr. ang kanyang ika- apat na State of the Nation Address (SONA) mamayang 4 n.h.

Inaanyayahan din ng mga lumahok at nag-organisa ng mga programa ang lahat na dumalo o humabol upang mas itambol ang tinig ng taumbayan.


final_gradpub_.png๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜†, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ถ๐—ฑ๐˜†๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š!!! ๐ŸŒฆ๏ธBinabati ng SINAG ang mga nagsipagtapos na   at   n...
26/07/2025

final_gradpub_.png

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜†, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ถ๐—ฑ๐˜†๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š!!! ๐ŸŒฆ๏ธ

Binabati ng SINAG ang mga nagsipagtapos na at ng Bayan ngayong 2025!

Maraming salamat sa inyong dedikasyon sa pagsulong at pagtataguyod ng malaya at mapagpalayang pamamahayag sa kabila ng kaliwa't kanang banta sa akademikong kalayaan at krisis sa lipunan!

Tuloy-tuloy pa ring isusulong ng opisyal na pahayagan ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) ang diwa ng pagsusulat, pagmumulat, paglilingkod, at pakikibaka, at taos-pusong nagpapasalamat ang mga miyembro nito sa iniwan niyong mga aral โค๏ธโ€๐Ÿฉน

Buhay pa rin ang mga kuwento't mga likha, mula sa masa at sa mga kumatha man, parito't paroon. ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐ŸŒž

NOTE: Tanging mga staffer ng SINAG na nagbigay ng pahintulot lamang ang isinali sa post na ito.



  | General Weather Advisory Nagdeklara na ng state of calamity ang Quezon City city council dahil sa matinding ulan dul...
22/07/2025

| General Weather Advisory

Nagdeklara na ng state of calamity ang Quezon City city council dahil sa matinding ulan dulot ng Habagat.

Hinihikayat ang lahat na sagutin at i-update ang mga sensing message na ipinapasa ng mga kinatawan ng departamento.

โ˜Ž๏ธ EMERGENCY HOTLINES โ˜Ž๏ธ
Para sa mga emergency, tumawag sa Quezon City Helpline 122 o sa National Emergency Hotline 911. Para sa mga dormers sa loob ng campus, mangyaring sumangguni sa trunkline na (02) 8981-8500 local 111 para sa emergency situations.

๐Ÿ“ŒLocations Open for Shelter (via UPD USC)
๐Ÿ˜๏ธ Evacuation Centers
โ€“ Old Capitol Site Gymnasium
โ€“ Old Capitol Site Masaya Rillo Building
โ€“ San Vicente Multipurpose Hall

๐Ÿซ Temporary Shelters
โ€“ Room 411, Student Union Building
โ€“ CAL New Building, 2nd to 3rd Floor Atrium (College of Arts and Letters)
โ€“ Melchor Hall (College of Engineering):
โ€ข 2nd Floor Lobby
โ€ข 1st Floor 24/7 Study Area
โ€ข 4th Floor Thinking Space
(Drinking water available at the 1st Floor water fountain)
โ€“ Student Center (College of Science)
โ€“ CS Library Study Nook (with drinking water supply)

For UP Diliman students only:
- National Institute of Geological Sciences (NIGS)
โ€“ Institute of Mathematics (IMath)
โ€“ CMC Lobby (College of Mass Communication)
โ€“ AIT Archipelago and Dance Area (Asian Institute of Tourism)
- Acacia Residence Hall
โ€“ Ilang-Ilang Residence Hall
โ€“ Kamia Residence Hall
โ€“ Molave Residence Hall

IskoOps

Ang UPD USC naman ay nananawagan ng mga donasyon para sa mga komunidad sa UP na apektado. Maaaring ibigay ang in-kind na donasyon sa site na ito: RM 411, Student Union Building, UP Diliman

Para sa mga monetary na donasyon ay maaring i-scan ang mga QR Code.

Para sa in-kind na donasyon makipag-ugnayan sa USC Councilor-elect, Emi Alfonso:
๐Ÿ“ž 09060227221
๐Ÿ”— fb.com/janinamoira.alfonso

Mangyaring tandaan na isumite ang lahat ng patunay ng mga donasyon sa link na ito: https://bit.ly/IskoOpsDonations

Maaari namang ma-access ang transparency report para sa Donations sa pamamagitan ng link na ito: https://bit.ly/IskoOpsDonations

Stay safe and dry, mga kapwa Konsensya ng Bayan!


Address

3/F Palma Hall Mezzanine, University Of The Philippines Diliman
Diliman
1101

Website

http://sinag.press/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SINAG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to SINAG:

Share