Nanay Ella

Nanay Ella Life’s simplicity and serenity

30/03/2026

8 money lessons

30/03/2026

Yung pinagdadasal mo… bakit hindi binigay?

May mga bagay na ilang beses mo nang ipinagdasal.

Paulit ulit.
Seryoso.
May luha pa minsan.

Pero hanggang ngayon, wala pa rin.

Kaya minsan napapatanong ka,

“Lord, bakit hindi Mo binigay?”

Hindi dahil hindi ka Niya narinig.

At lalong hindi dahil wala Siyang pakialam.

Minsan, hindi Niya binibigay…

kasi hindi pa tamang oras.

May mga bagay na kapag nakuha mo agad,

mas makakasira kaysa makakabuti.

May mga panalangin na hindi sinasagot agad

kasi may inaayos pa sa puso mo.

Kasi kung ibibigay Niya habang hindi ka pa handa,

baka mawala ka rin sa tamang path.

Hindi lahat ng “no” ay rejection.

Minsan protection.

Hindi lahat ng delay ay denial.

Minsan preparation.

Hindi mo pa nakikita yung buong picture.

Pero Siya, malinaw sa Kanya.

Kaya imbes na magtampo,
mas piliin mong magtiwala.

Kasi minsan ang sagot ng Diyos ay hindi “yes” agad…

kundi “wait, may mas maayos Akong plano para sayo.”

“Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding.” – Proverbs 3:5

Hindi mo kailangan maintindihan lahat ngayon.

Ang kailangan mo, magtiwala kahit hindi pa malinaw.

30/03/2026

"SA MUNDONG PUNO NG, KOMPETISYON INGAY AT GULO...ANG TAONG MAY KAPAYAPAAN NG ISIP ANG TUNAY NA MAYAMAN"

May mga bagay sa mundo na puwedeng bilhin, pag-ipunan, at ipagmalaki...
bahay, sasakyan, magagandang gamit,
at kahit anong materyal na bagay na kayang ibigay ng pera.

Pero may isang yaman na kahit gaano kalaki ang laman ng bulsa mo,
hindi mo basta mabibili…
Ang kapayapaan ng isip.

Sa totoo lang,
maraming tao ang may pera pero hindi matahimik sa gabi.
Kahit nasa komportableng k**a,
gising pa rin ang isip,
punong-puno ng alalahanin, takot, at pagod.

May mga taong kumikita nang malaki,
pero kapalit naman nito ay stress,
pag-aalala, at relasyon na unti-unting nasisira.

At may mga tao rin na simple lang ang buhay,
hindi marangya, hindi sagana sa luho,
pero mahimbing ang tulog sa gabi,
payapa ang puso, at panatag ang isip.

Doon mo maiintindihan na hindi talaga pera ang sukatan ng tunay na kayamanan.

Ang peace of mind ay hindi lang kawalan ng problema.
Ito ay yung kakayahan mong huminga nang maluwag kahit may pinagdadaanan ka.
Ito yung tahimik na pakiramdam na alam mong wala kang tinatapakang iba,
wala kang tinataguan,
at wala kang kinatatakutang bumalik sa’yo.

Ito yung hindi ka kinakain ng overthinking.
Hindi ka binabagabag ng guilt.
Hindi ka napupuno ng galit o inggit.

Pero ang tanong...
bakit maraming nawawalan nito?

Minsan, tayo rin ang dahilan.

Pinipilit natin ang mga bagay na alam nating hindi para sa atin.
Kumakapit tayo sa mga taong nagbibigay lang ng sakit.
Hinahayaan natin ang sarili nating malubog sa problema ng iba, kahit tayo mismo ay nahihirapan na.
Pinipili natin ang pera kahit kapalit nito ay konsensya, respeto, o katahimikan ng buhay.

Hanggang sa dumating ang punto na kahit may pera ka na…
hindi ka pa rin masaya.
Hindi ka pa rin mapakali.
Hindi ka pa rin buo.

Dahil ang totoo, ang peace of mind ay bunga ng tamang desisyon.

Desisyong umiwas sa gulo.
Desisyong piliin ang katahimikan kaysa sa pakikipagtalo.
Desisyong lumayo sa mga taong sumisira sa mental at emosyonal mong kalagayan.
Desisyong mamuhay nang naaayon sa konsensya mo.

Hindi ito laging madali.
Minsan, kailangan mong i-let go ang mga bagay na gusto mo.
Minsan, kailangan mong tumanggi kahit may mawawala sa’yo.
Minsan, kailangan mong mag-isa para lang maibalik ang sarili mo.

Pero sa huli, maiintindihan mo...
worth it ang lahat.

Kasi ano nga ba ang silbi ng pera kung gabi-gabi kang hindi mapakali?
Ano ang silbi ng tagumpay kung wala kang katahimikan sa puso?
Ano ang silbi ng maraming bagay kung ubos ka naman sa loob?

Mas mabuti nang simple ang buhay,
basta payapa ang isip…
kaysa marangya nga,
pero punong-puno naman ng gulo at bigat ang damdamin.

Kaya alagaan mo ang peace of mind mo.
Protektahan mo ito tulad ng isang kayamanang hindi mapapalitan.

Hindi lahat ng laban kailangang patulan.
Hindi lahat ng tao kailangang pagbigyan.
Hindi lahat ng oportunidad kailangang sunggaban.

Piliin mo kung saan ka magiging panatag.

Dahil sa mundong magulo,
maingay, at puno ng kompetisyon,
ang taong may kapayapaan ng isip…
ang tunay na mayaman.

‎✍️ FondaMotto




‎📖 KUNG TINAPOS MO ITONG BASAHIN AT NAGUSTUHAN MO...
‎👇👇👇
‎✅ FOLLOW FOR MORE

‎📌 Copyrighted Content is Under Intellectual Property Rights

30/03/2026

Life feels so much better when you start accepting the fact that it is, what it is.

When you stop forcing things that aren't aligned with you and allow things to flow naturally.

When you trust that whatever is meant for you, will find its way to you.

He Writes for Him.

All credit to the original author. These words are shared to inspire, no copyright infringement intended.

30/03/2026

Walang magbabago kung hindi ka magbabago

Simple lang pakinggan.

Pero ito yung pinaka ayaw harapin ng maraming tao.

Gusto ng better life.

Gusto ng mas malaking income.

Gusto ng mas maayos na future.

Pero ayaw baguhin ang sarili.

Same habits.
Same mindset.
Same excuses.

Tapos umaasa na may mag-iiba.

Real talk,
Hindi magbabago ang buhay mo

kung pareho ka pa rin ng ginagawa.

Kung lagi kang late,

kung madali kang sumuko,

kung konting hirap, atras agad,

hindi environment ang problema.

Ikaw muna.

Hindi mo kailangan maging perfect.

Ang kailangan mo lang,
maging willing mag-adjust.

Magising ng mas maaga kahit ayaw mo.

Gawin yung trabaho kahit wala kang gana.

Mag-aral kahit pagod ka.

Kasi doon nabubuo ang bagong version mo.

At tandaan mo,
hindi instant ang pagbabago.

Pero araw araw na small changes

yun ang nagiging malaking resulta sa dulo.

Kung gusto mong magbago ang buhay mo,

huwag mong hintayin ang tamang panahon.

Simulan mo sa sarili mo.

“If anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new is here.” – 2 Corinthians 5:17

May chance ka lagi magsimula ulit.

Pero kailangan mong piliin iwan yung dating ikaw

para maging bagong ikaw.

30/03/2026
30/03/2026

Our mind 🧠 is like a magnet

If you think of blessings, you attract blessings.
If you think of trouble, you attract troubles.

Always foster good thoughts and positive mindset.

Good Evening 🩵 Hiraya Manawari

25/03/2026

I've experienced one major crisis in my life (Covid19) and here's the 6 important things that helped me survive financially.

✅ Drastically cut unecessary expenses
✅ Focus spending on essentials
✅ Pile up cash for emergency fund while you can
✅ Avoid adding more debt / Clear off debt
✅ Think of another source of income
✅ Stay calm. It gives you the ability to think rationally.

If we're going to another crisis, this is the same things I would do today. Preparation is the key 🔑

But take note of DEBT.
DEBT becomes more dangerous during a crisis.

Debt slows down your cashflow.
A possible Interest rate hike can pressure you more with debt.
Debt payments consume a big portion of your budget.
Debt can be more dangerous if your work downsizes.

Cash is king during a Crisis 🩵 Hiraya Manawari

24/03/2026

Mabilis mauubos ang pera mo kapag
ginagawa mo itong 3 pagkak**ali na ito.

Hindi mo napapansin…
pero may mga habits na
tahimik na umuubos ng pera mo.

Hindi ito biglaan.
Paunti-unti.

Hanggang sa dumating ka sa point na
“Bakit parang wala na namang natira?”

May tatlong common na pagkak**ali.

1. Wala kang control bago pumasok ang pera.

Kapag sumahod ka,
doon ka pa lang nag-iisip kung saan mapupunta.

Kaya ang nangyayari,
react ka lang ng react.

Bills.
Gastos.
“Deserve ko to.”

Imbis na ikaw ang nagdidikta sa pera,
ikaw ang nadidikta.

2. Pinapantayan mo ang kita sa lifestyle.

Kapag tumaas ang kita,
tumataas din ang gastos.

Mas madalas kumain sa labas.
Mas mahal na binibili.
Mas maraming “reward.”

Walang mali sa pag-enjoy.

Pero kung sabay tumataas ang gastos at kita,
walang nangyayari.

3. Hindi mo binabantayan ang maliliit na gastos.

Hindi ito yung malalaking bili.

Ito yung paulit-ulit.

Delivery.
Online checkout.
Add to cart.

Maliit bawat isa…
pero kapag pinagsama, malaki ang nawawala.

Sabi sa Luke 16:10

“Whoever can be trusted with very little can also be trusted with much.”

Kung hindi mo kayang bantayan ang maliit,
mahihirapan kang palakihin ang hawak mo.

Hindi ka kulang sa kita.
Kulang lang sa sistema.
At doon nagsisimula ang pagbabago.

24/03/2026

Ito ang 3 habits ng taong
pinagpapala ang finances nila.

May mga tao na kahit hindi perfect,
parang mas gumagaan ang finances nila.

Hindi dahil maswerte sila.
May ginagawa lang silang tama.

Tatlong habits ang mapapansin mo.

1. Marunong silang magtabi bago gumastos.

Hindi “kung may matira.”
Kundi “magtabi muna.”
Kahit maliit.

Kasi para sa kanila,
priority ang future.

Hindi lang present.

2. May disiplina sila sa desisyon.

Hindi lahat ng gusto, ginagawa agad.
Kahit kaya nilang bumili,
iniisip pa rin nila kung kailangan ba.

Hindi sila controlled ng emotion.
Controlled sila ng purpose.

3. Patuloy silang nag-iimprove.

Hindi sila kuntento sa current level.

Nag-aaral sila.
Nagdadagdag ng skills.
Nag-aadjust ng strategy.

Kaya unti-unti,
lumalaki ang opportunity nila.

Sabi sa Deuteronomy 28:12

“The Lord will bless all the work of your hands.”

Pero tandaan
may work muna bago blessing.

Hindi magic ang pag-angat.

Pinagsamang disiplina,
tamang pag-iisip,
at consistent na kilos.

At doon nagsisimulang dumaloy
ang blessing sa finances.

24/03/2026

Earning money is not easy.

If someone in your family supports you, always appreciate them. Every peso you receive comes from hard work, late nights, and sacrifice.

Money doesn’t come for free; it's earned through effort and exhaustion.

So say thank you more often. Your comfort exists because someone else worked hard for it.

He Writes for Him.

All credit to the original author. These words are shared to inspire, no copyright infringement intended.

Address

Diliman

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nanay Ella posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share