24/07/2026
KALAGAYAN NG BAHA SA BARANGAY AMBOLODTO
Hulyo 24, 2026 | 11:04PM
Batay sa isinagawang pagmomonitor ngayong umaga, nananatiling nakararanas ng pagbaha ang ilang bahagi ng Barangay Ambolodto dulot ng patuloy na pag-ulan.
Sa kasalukuyan, ilang kabahayan ang napapasok na ng tubig-baha, habang ang iba ay lubog na ang mga bakuran, daanan, at paligid ng kanilang tahanan. May mga lugar ding nananatiling hindi madaling madaanan dahil sa mataas na tubig, na nagdudulot ng panganib at hirap sa paggalaw ng ating mga residente.
Patuloy naming minomonitor ang sitwasyon at hinihikayat ang lahat ng mamamayan, lalo na ang mga nasa mabababang lugar, na manatiling alerto, mag-ingat, at unahin ang kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya.
Paalala sa ating mga kabarangay:
- Iwasang tumawid sa mga lugar na may malalim o malakas ang agos ng tubig.
- Ilipat sa ligtas na lugar ang mahahalagang dokumento, kagamitan, at mga alagang hayop kung kinakailangan.
- Agad ipagbigay-alam sa inyong mga opisyal ng barangay kung may mga pamilyang nangangailangan ng agarang tulong o paglikas.
Kasabay nito, ipinapaabot din namin ang kasalukuyang sitwasyon sa mga kinauukulang ahensya, kabilang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Tanggapan ng Punong Bayan ng Datu Odin Sinsuat, Provincial DRRMO, at Ministry of Social Services and Development (MSSD-BARMM), upang mabigyang-pansin ang kalagayan ng mga residenteng apektado at maisagawa ang kinakailangang assessment at agarang pagtugon.
Patuloy po kaming magbibigay ng mga opisyal na update habang minomonitor ang sitwasyon.
Maraming salamat po at manatiling ligtas ang lahat.