Sad Song

Sad Song

01/06/2026

tandaan mo, aware siyang mali at makakasakit siya, pero tinuloy niya pa rin.

hindi yan basta nagkataon lang, kundi choice niyang saktan ka.

31/05/2026

Pagod na yung utak ko
sa kakaisip.💭

31/05/2026
At kung marami pa akong hindi alam, hindi ko na 'yun gustong pang alamin-dahil hindi lahat ng katotohanan ay kayang hilu...
31/05/2026

At kung marami pa akong hindi alam, hindi ko na 'yun gustong pang alamin-dahil hindi lahat ng katotohanan ay kayang hilumin ang damdamin.

May mga sagot na mas lalong sumasakit, mga lihim na mas mabuting hindi na mabuksan; kaya pinipili kong manahimik, at ang puso ko'y unti-unting pakalmahin.

Hindi na ako maghahanap ng kulang, hindi na ako hahabol sa paliwanag; dahil sa natitira kong lakas, sarili ko naman ang uunahin ko sa wakas.

At kung may mga bagay mang hindi ko na malalaman, hahayaan ko na lang silang lumipas-dahil sa bawat pagtanggap ng hindi ko kontrolado, doon ako unti-unting nagiging payapa.

Ito yata yung klase ng sakit na tahimik lang...pero unti-unti kang inuubos.Kasi hindi naman talaga nawawala yung pagmama...
31/05/2026

Ito yata yung klase ng sakit na tahimik lang...

pero unti-unti kang inuubos.

Kasi hindi naman talaga nawawala yung pagmamahal agad eh. Araw-araw mo lang siyang tinatago. Araw-araw mong pinipilit mabuhay nang wala yung taong dati mong kasama sa lahat.

Ang hirap pala no? Yung gusto mo lang siyang kamustahin... pero alam mong bawal na.

Yung ilang beses mong tinitigan pangalan niya sa search bar... pero hanggang tingin ka na lang.

Yung bawat notification, umaasa kang baka siya. Pero kapag hindi... parang may maliit na parte na naman ng puso mo yung nadudurog.

At ang pinaka masakit? Yung alam mong kaya mo pa siyang mahalin... pero siya, parang okay na kahit wala ka.

Habang ikaw, gabi-gabi mong kinakausap sarili mo para lang hindi mag message.

Habang ikaw, umiiyak nang tahimik kasi kailangan mong tanggapin na tapos na.

No contact daw para mag-heal. Pero bakit habang tumatagal... mas lalo kong nami-miss yung taong unti-unti nang nawawala sakin?

Siguro ganito talaga kapag ikaw yung naiwan. Ikaw yung kailangang mag move on... kahit puso mo ayaw pa bumitaw.

31/05/2026

Para akong babagsak sa lungkot, sa sakit, sa awa sa sarili, sa galit, sa pagod ewan basta ang alam ko nalang gusto ko na magpahinga.

31/05/2026

balangaraw marerealize mo
rin kung sino yungmatiyagang umunawa at umintindi sa ugaling
meron ka.

30/05/2026

Alam mo yung masakit?
yung gustong gusto mong
kausap yung isang tao, pero sya mismo ramdam mong di
interesado sayo:>😥

30/05/2026

Ang isdang marunong magtikom
ng bibig, -- hindi nahuhuli.
hindi ito tungkol sa isda.

Address

Dinalongan

Telephone

+639302630293

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sad Song posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Sad Song:

Share

Category