21/09/2025
๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐| ๐ฆ๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฒ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐น๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ
Sa apat na sulok ng tahanan, hindi palaging karangyaan ang nakahain sa lamesa. May mga malalamig na gabi na toyo lamang ang ulam, mga umagang tuyo at kape ang katuwang. Bagama't, sa bawat pagsubo, sa bawat pagsasalo, may kasamang init na pagmamahal na mas higit pa sa anumang handa ang nanaisin. Ang hapag, gaano man kasimple ay nagiging sagradong dambana ng samahan.
Sa ibabaw ng mesa nagkikita ang iba't ibang tibok ng pusoโang halakhak ng bata, ang tinig ng ina, ang payo ng ama, at ang kwento ni ate't kuya. Sa tuwing tutunog ang pinggan at kakalansing ang kutsara, tila mayroong musika ang bumabalot sa masa. Ang pagkain ay nagiging wika; ito ang diyalektong naiintindihan ng lahat, anuman ang edad.
Hindi sa lasa ng ulam nakasandig ang tunay na ligaya, kundi sa ngiti ng bawat isa. Ang isang butil ng kanin, kung handog ng pawis at sakripisyo, ay nagiging binhi ng alaala. At kapag sabayang subo parang pinapanday ang bukas na may dangal at pag-asa.
Kung minsan, may alitan, tampuhan, katahimikan. Ngunit, ang mesa ay saksi sa paghilom. Sa sabayang pagkain, lumalambot ang matitigas na puso. Ang kutsara't tinidor ay nagsisilbing tulay at ang simpleng ulam ay nagiging tanda ng kapatawaran.
Sa harap ng hapag, nagiging pantay ang lahat. Walang laman at rangya, walang yabang at pagmamataas. Ang tanging mahalaga ay ang oras na inilalaanโang piling na hindi matutumbasan ng salapi kailanman. Sa ganitong sandali, ang pamilya ang tunay na kayamanan at ang mesa ang nagiging pugad ng pagmamahalan.
At ngayong ika-22 ng Setyembre ating ipinagdiriwang ang ๐๐ข๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฎ๐ช๐ญ๐บ๐ข ๐๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข ๐๐ข๐บ, nawa'y maalala natin na ang bawat pagsasalo ay paggunita ng pagkatao. Hindi lamang tayo kumakain upang mabusog, kundi para sariwain na tayo'y iisaโsa puso, pamilya, at salita.
Sa hapag ng pamilya, hindi lang gutom ang napapawi kundi dangal at pagmamahalan ang muling isinisilang. Higit pa ito sa mesaโito ang grupo ng alaala at ilaw ng kinabukasan. At habang nagsasalo sa bawat pagkaing inihahain, di baโt lasa nitoโy pag-ibig na walang hangganin?
๐๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช: Jhunel Morales
๐๐ช๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ฐ ๐ฏ๐ช: Kianna Chloe Flores