29/07/2025
Mula po sa Pamahalaang Bayan ng Dinalupihan, sa pangunguna ng aming butihing Mayor Tong Santos Jr.., at ng MDRRMO - Dinalupihan sa pamumuno ni Ms. Catherine Montemayor, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng ahensya, organisasyon, at indibidwal na tumugon at nakiisa sa Search, Rescue, and Retrieval Operation kaugnay ng insidente ng pagkalunod sa Barangay Torres at Barangay Pentor.
Lubos ang aming pasasalamat sa:
Dinalupihan Fire Station BFP R3
PCG - Coast Guard Station Bataan
PDRRMO Bataan
Balanga City CDRRMO
MDRRMO Hermosa
BDRRMC β Torres at Pentor
Philippine Red Cross
DPWH
NIA
TPSO
ABC President Ruben Julongbayan
At lahat ng Volunteer Groups
Ang inyong ipinmalas na dedikasyon, malasakit, at mabilis na pagresponde ay tunay na kahanga-hanga at nagsilbing liwanag sa gitna ng trahedya. Kayo po ay naging huwaran ng tunay na BAYANIHAN at malasakit sa kapwa.
Maraming salamat po sa inyong lahat.
MDRRMO - Dinalupihan