20/08/2026
Alam mo ba?
Noong 1972, halos lumubog ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa isang pambihirang serye ng mga bagyo.
Noong 1972, naranasan ng Pilipinas ang isa sa pinakamalulubhang pagbaha sa ating kasaysayan, ang tinatawag na “Great Philippine Floods.”
Hindi lamang ito dahil sa isang bagyo. Apat na bagyo ang sunod-sunod na tumama sa bansa: Edeng, Gloring, Isang, at Huaning. Sa loob ng mahigit anim na linggo, halos walang tigil ang pag-ulan, na nagdulot ng malawak at matagal na pagbaha sa Luzon at iba pang bahagi ng Pilipinas.
Maraming bayan at lungsod ang naparalisa. Nalubog ang malalawak na sakahan, nasira ang mga kabahayan at kabuhayan, at daan-daang libong Pilipino ang napilitang lumikas.
Isa ito sa mga sakunang hindi madaling makalimutan ng mga nakaranas nito isang panahon kung kailan tila walang katapusan ang ulan at baha. 🌧️🌊
Para sa mga nakatatanda na nakaranas o nakarinig ng kuwento tungkol dito—naaalala niyo pa ba ang Great Philippine Floods noong 1972?
📸 Mga larawan para sa pag-alala at pagdodokumento ng kasaysayan ng ating bansa.