01/08/2025
π πππππ£ππ§ππ π¦π¨πππ§ππ‘ π¦π π¦π¨π‘π’π π¦π π©ππππ‘ππ¨πππ, π΄ π£ππ πππ¬π ππ£πππ§πππ’
Sugatan ang magkapatid na 13-anyos na lalaki at 10-anyos na babae sa sunog na sumiklab sa residential area sa F. Bautista, Barangay Marulas, Valenzuela City, Huwebes ng gabi, ika-31 ng Hulyo, 2025.
Walong bahay ang natupok at walong pamilya ang apektado na katumbas ng 40 indibidwal.
Ayon sa Bureau of Fire Protection Valenzuela, bandang 11 pm ng Huwebes nagsimula ang sunog na itinaas sa ikalawang alarma ng 11:22 pm. Naging hamon sa mga bumbero ang makitid na daan sa lugar. May 45 na firetrucks ang rumesponde sa sunog.
Naideklara ang fireout ng 12:18 ng madaling araw ng Biyernes, ika-1 ng Agosto.
βIto po ay nakatamo ng second degree burn at isa po ay minor injury po. βYung isa 13 years old, βyung isa 10 years old,β sabi ni Fire Senior Inspector Jezreel Malapit, Operations Chief ng BFP-Valenzuela.
Halos isang milyong piso ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog.
Problemado ang mga nasunugan dahil hindi pa sila lubos na nakabangon mula sa baha.
βGinising ako nung asawa ko makapal na βyung usok. Eh di lumabas na kami sa pinto, nakita ko βyung bata tumatalon na roon sa mismong bintana. Pumasok pa ako sa bahay namin, kumuha ako ng mga timba, pinilit pa rin naming buhusan nang buhusan, wala na,β sabi ni Jonathan Balolong, isa sa mga nasunugan.
βNaalimpungatan po ako, nakakaamoy po ako ng usok, tapos may sumisigaw na po na may sunog. Pagtingin ko po nasa likod na po namin βyung sunog, nanggaling po sa likod-bahay, lumikas na po kami agad wala na po kaming isinalba. Sunog po talaga lahatβ¦ tatanggapin na lang tsaka bawi na lang ulit,β sabi ng isa pang nasunugan na si Adonis Macedonio.
Ayon sa BFP, naiwang kandila ang tinitingnan nilang sanhi ng sunog.
βMga bata po kasi βyung naiwan eh. Most likely po ay napaglaruan nila βyung mga kandila,β dagdag ni Fire Senior Inspector Malapit.
Inilikas muna sa barangay hall ng Barangay Marulas ang mga apektadong residente na binigyan ng paunang tulong ng City Social Welfare and Development Office
Source: ABS-CBN News