
02/08/2025
𝗦𝗜𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔!
Abangan ang mga tampok na gawain para sa makulay na pagdiriwang ng "Mother of all Festivals" sa lalawigan, ang SINGKABAN FESTIVAL 2025, na may temang "Sining at Kalinangan ng Bulacan, Pamanang Babalik-balikan!"
Sa pamumuno nina Gob. Daniel R. Fernando at VG Alex Castro, sa pagsisikhay at suporta ng lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura, at Turismo at Panlalawigang Tagapangasiwa, samahan n'yo kaming balikan ang mayamang kasaysayan, sining, at kultura ng lalawigan, dahilan upang ang Bulacan ay iyong babalik-balikan.