
01/08/2025
Panalangin para sa Unang Biyernes ng Buwan:
O Kabanal-banalang Puso ni Hesus, bukal ng lahat ng biyaya,
Iniibig Kita, sinasamba, at buong pagsisisi kong iniaalay sa Iyo ang abang puso kong ito.
Gawin Mo akong mapagpakumbaba, matiisin, malinis ang puso, at masunurin sa Iyong kalooban.
Panginoong Hesus, pagkalooban Mo akong mamuhay na kapiling Ka at para sa Iyo.
Amen.
Ngayong Unang Biyernes ng Buwan, nawaโy maging sandali ito ng panalangin, paghilom, at pagbabalik-loob sa Puso ni Hesusโpinagmumulan ng tunay na pag-ibig at kapayapaan.
๐ Hesus, maamo at mapagpakumbaba ang puso, gawin Mong tulad ng Iyo ang aming mga puso.