12/06/2025
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง! ๐ต๐ญโค๏ธ
Ngayong araw, ating ginugunita ang ika-127 na taon ng kasarinlan ng Pilipinas, isang mahalagang paalala ng tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani. Sa bawat watawat na iwinawagayway at sa bawat pusong Pilipino na patuloy na lumalaban para sa katarungan, kapayapaan, at kaunlaran, naipapakita natin ang tunay na diwa ng kalayaan.
Bilang kabataang Pilipino, tungkulin nating ipagpatuloy ang kanilang sinimulan maging boses ng katotohanan, tagapagtaguyod ng karapatan, at instrumento ng positibong pagbabago. Huwag tayong magsawang magmahal sa bayan sa salita, sa gawa, at sa paninindigan.
Mabuhay ang kabataang Pilipino. Mabuhay ang ating bayan.
Mabuhay ang malayang Pilipinas!๐ต๐ญ