03/10/2026
πππππ πππππππ ππ ππππππππ? | πππππππππ ππππππππ πππ ππππππππ πππππ πππ πππ. ππππ | πππππππππ πππ ππππππππ: βππππ ππππππ-ππππ, πππππππ ππ ππ ππππππππβ
Pinuna ni dating Senador Antonio βSonnyβ Trillanes IV ang pamumuno ni Senate President at impeachment court presiding officer Francis βChizβ Escudero sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kasabay ng matapang na pahayag laban sa senador.
Sa isang panayam sa programang βSa Totoo Langβ ng One PH, sinabi ni Trillanes na dapat umanong managot si Escudero kung hindi nito gagampanan nang maayos ang kanyang tungkulin. Binanggit din niya ang isang nakabinbing plunder case laban sa senador.
βIpaalala ko lang sa mga kababayan natin, merong kasong plunder ito ah, na nakabinbin. Kaya pag paloko-loko ito, talagang kailangan i-diretso na ito sa kulungan, kasi ito na nga, binibigyan na siya ng redemption,β ani Trillanes.
Dagdag pa niya, dapat umanong gamitin ni Escudero ang pagkakataon upang maitama ang kanyang mga naging pagkukulang. βGumawa ka naman ng tama at maayos para makabawi-bawi ka sa utang mo sa lipunan,β aniya.
Kinuwestiyon din ni Trillanes ang naging pakikitungo nina Escudero at Senador Joel Villanueva kay Davao City Mayor Sebastian βBasteβ Duterte nang humarap ito sa impeachment court. Ayon kay Trillanes, βhalos nagmamanoβ umano ang dalawa nang makita si Baste sa Senado.
Ang mga pahayag ni Trillanes ay bahagi ng kanyang patuloy na pagpuna sa pamamahala ng impeachment proceedings. Wala pang inilalabas na tugon si Escudero kaugnay sa mga pahayag ni Trillanes.