
31/03/2025
๐ ๐๐๐๐จ๐ก๐ฌ๐!
Nakamit ng The Buds Publication ang matamis na tagumpay matapos makamtan ng mga manunulat ng pahayagang pampaaralan ang ikawalong lugal sa pagsulat ng agham at teknolohiya at ikasampung lugal naman sa Sports Writing (English) sa ginanap na 2025 Regional Schools Press Conference (RSPC) noong Marso 29, 2025, sa Iloilo Grand Hotel, Iloilo City.
Sa likod ng abot-taingang ngiti ay ang walang katumbas na sakripisyo ng mga kabataang manunulatโna sa wakas, matapos ang ilang araw ng nag-uumapaw na pagpatak ng tinta at walang pakundangang pagpunit sa pirasong sulatang papel, kasama ang iba pang mga manunulat na sumabak sa labanan ng utak sa ibaโt ibang kategorya, matagumpay na napasakamay nina Hanna Mae Espina at Anna Lea Macahilo ang puwestong bunga ng kanilang masaganang pagtanim ng kaalaman sa pamamagitan ng masidhing pag-eensayo.
Mabuhay ang mga kabataang manunulat!
Padayon, The Buds Publication!