30/11/2025
๐๐๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ค๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง: ๐๐จ๐ง๐ข๐๐๐๐ข๐จ ๐๐๐ฒ ๐๐๐๐
Sa pagdiriwang ng Bonifacio Day, ginugunita ng mga Pilipino ang tapang at pagmamahal sa bayan na ipinamalas ni Andres Bonifacio, na kinilala bilang Ama ng Himagsikang Pilipino. Ang araw na ito ay isang paalala na siya ay tapat, makabayan, at tunay na tagapaglingkod ng bayang hirang.
Tuwing ika-30 ng Nobyembre, ating kinikilala ang kanyang kabayanihan at nagsisilbing paalala ito ng tunay na Pilipino โ Pilipinong lumalaban at hindi pasisiil laban sa mga mananakop. Hindi siya nagdalawang-isip na ialay ang kanyang buhay para sa layuning makalaya ang Inang Bayan sa kamay ng mananakop.
Ang tunay na kabayanihan ni Bonifacio ay hindi nagtatapos sa digmaan, sapagkat ito ay mananatiling nakaukit sa kasaysayan na mananatiling nakatatak sa puso't isipan ng bawat Pilipino. Ngunit higit pa sa pagdiriwang ng kanyang kabayanihan, siya ay nagsisilbing panawagan na ang bawat Pilipino ay dapat manindigan at tunay na mahalin ang lupang sinilangan.
โ Jecel Saldevia