
28/08/2025
PONDO NG MUNISIPYO SA PANGASINAN, GINAMIT NG CONTRACTOR NA MAYOR PAMBILI NG HEAVY EQUIPMENT PARA SA SARILING KUMPANYA!
Mainit na pinag-uusapan ngayon ng netizens ang eskandalong kinasasangkutan ni Sta. Barbara, Pangasinan Mayor Carlito Zaplan, matapos mabunyag ang paggamit nito sa pondo ng munisipyo upang ipambili ng heavy equipment para sa sariling construction company.
Ang naturang isyu ay nag-ugat sa mga larawang kuha ng isang residente kung saan makikitang ginagamit ng kumpanya ni Zaplan ang mga backhoe ng Sta. Barbara MDRRMO sa itinatayong flood control project sa Brgy. Erfe ng nasabing bayan.
Ang contractor ng nasabing proyekto ay ang construction company ng alkalde. Gayunpaman, itinanggi ni Zaplan ang paratang at sinabing βpinopolitikaβ lamang umano siya ng kaniyang mga kalaban.
Sa ilalim ng Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit sa pondo at rekurso ng pamahalaan para sa pansariling interes ng isang nakaupong opisyal.
Kung sakaling mapatunayan ang reklamo, posibleng kumaharap si Zaplan sa patong-patong na kasong kriminal, pagkakabilanggo nang hanggang 10 taon, at habambuhay na diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.