24/12/2022
COOL AND GLOOMY CHRISTMAS WEEKEND AHEAD! π₯Άπ§οΈ
Malamig at medyo makulimlim ang inaasahang panahon sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa tuluy-tuloy na surge ng amihan. May pag-ulan naman sa gitnang bahagi ng bansa dahil sa shearline.
AMIHAN: Inaasahang lalakas pa ang pagbugso ng malamig na amihan na makakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon ngayong weekend. Pinakaramdam ang lamig nito sa Northern Luzon, kung saan posibleng mas mababa sa 20Β°C ang maitala sa maraming lugar, samantalang hanggang sa 11Β°C sa Benguet.
Ang amihan ay patuloy na nagdudulot ng makulimlim na panahon at ilang mga pag-ulan sa silangang bahagi ng Luzon, samantalang pangkalahatang maayos na panahon at ilang mahihinang pag-ulan lang naman sa nalalabing bahagi ng Luzon (kasama ang Metro Manila).
SHEAR LINE: Ang shear line ay inaasahang mananatili sa gitnang bahagi ng bansa sa weekend. Dahil dito, posibleng magkaroon ng mga kalat-kalat hanggang sa malawakang mga pag-ulan sa Bicol Region, Visayas, at Palawan. Mag-ingat sa posibleng mga pagbaha at pagguho ng lupa!
Bahagyang mararamdaman rin ang pagbaba ng mga temperatura sa Mindanao, lalo na sa mga kabundukan nito, ngunit mananatiling pangkalahatang maayos ang lagay ng panahon sa weekend. May tiyansa pa rin ng mga localized thunderstorm.
LOOKING AHEAD: Walang inaasahang bagyo na makakaapekto sa bansa sa susunod na 3 araw, at posibleng mas lumakas pa ang surge ng amihan sa mga susunod na araw na posibleng magdulot ng paglamig pa ng panahon at mga pag-ulan sa ilang lugar.
Patuloy na pinapaalalahanan ang lahat na maging maingat at manatiling nakaantabay sa inaasahang lagay ng panahon ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ingat po at Maligayang Pasko!
7:00 PM PhST | 23 December 2022