09/03/2017
GALACIA 5.16
ANG ESPIRITU AT ANG LAMAN
16Sinasabi ko sainyo,mamuhay kayo ayon sa espiritu at hindi ninyo pagbibigyan ang mga pag nanasa ng laman17sapagkat ang mga pagnanasa ng laman ay laban sa kagustuhan ng espiritu,at ang kagustuhan ng espiritu ay laban sa mga pag nanasa ng laman.magkalaban ang dalawang ito kaya napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin.18kung pinatnubayan kayo ng espiritu,wala na kayo sa ilalim ng kautusan.
19hindi maikakaila ang mga gawa ng laman:pakikiapid,kahalayan at kalaswaan;20pagsamba sa diyus-diyosan,pangkukulam,pagkapoot pag-aaway-away,pagseselos pagkakagalit at kasakiman,pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,21pagkaingit,[pagpatay]paglalasing,walanghabas na pagsasaya,at iba pang katulad nito.muli ko kayong binabalaan:ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng diyos
22subalit ang bunga ng espiritu ay pag ibig,kagalakan,kapayapaan,pagtitiyaga,kabaitan,kabutihan katapatan23kahinahunan at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito24at ipinako na sa krus ng mga nakipag kaisa kay cristo jesus ang kanilan laman at ang masamang hilig nito25kung binigyan tayo ng buhay ng espiritu ,mamahay rin tayo sa espiritu. 26huwag tayong maging palalo,huwag natin galitin ang isat isa,at huwag rin tayo mainggit sa isat isa.