Reyvin gwapo

Reyvin gwapo digital creator

02/05/2026

Spreading Fake News is a Crime

02/05/2026

Maraya-rayaw nga paddattal ta PRO 2, PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ.

The PRO 2 joins your leadership to strengthen the commitment to serve and protect the entire Cagayan Valley to grow, collaborate, and make a meaningful impact in the community.

Through unity, dedication, and proactive service, we aim to create a lasting and positive impact that uplifts the lives of every citizen in the region.

02/05/2026

PNP MESSAGE FOR LABOR DAY 2026
(ARAW NG MGA MANGGAGAWA)

Sa paggunita ng Araw ng mga Manggagawa, kinikilala ng Philippine National Police ang mahalagang ambag ng bawat Pilipinong manggagawa—ang tunay na lakas na nagpapatakbo sa ating ekonomiya at humuhubog sa kinabukasan ng ating bansa.

Ang paggawa ay hindi lamang hanapbuhay; ito ay dangal, sakripisyo, at pag-asa. Mula sa mga pabrika, opisina, lansangan, hanggang sa mga tahanan, ang bawat patak ng pawis ay pundasyon ng isang mas matatag at mas maunlad na Pilipinas.

Kasabay nito, nirerespeto at pinangangalagaan ng PNP ang karapatan ng mga manggagawa na magpahayag at magtipon nang mapayapa. Ang kapulisan ay nariyan hindi upang hadlangan ang tinig ng mamamayan, kundi upang tiyakin na ang bawat pagkilos ay ligtas, maayos, at may paggalang sa kapwa.Sa patuloy na pagharap sa mga hamon ng buhay, kaisa ninyo ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad—upang makapagtrabaho kayo nang may kapanatagan ng loob.

Ang Araw ng mga Manggagawa ay paalala na ang lakas ng Pilipinas ay nagmumula sa marangal na paggawa at pagkakaisa ng bawat Pilipino.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino!

PGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ, JR.
Chief, Philippine National Police

02/05/2026
02/05/2026
02/05/2026

PRO2 News Brief 05-01-01
May 1, 2026

Suspek Arestado sa Isinagawang Buy-Bust ng PNP Cagayan sa Lungsod ng Tuguegarao

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan— Arestado ang isang 43-anyos na lalaki matapos makuhanan ng droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Cagayan PPO (PIU-CPPO) sa Barangay Annafunan West, Tuguegarao City, Cagayan ngayong araw.

Kinilala ng PIU-CPPO, katuwang ang ibang himpilan, ang suspek na si alyas “Sherwin”, residente ng nasabing lungsod.

Narekober sa operasyon ang limang (5) pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 31 gramo at tinatayang halagang Php210,000.00, kasama ang drug paraphernalia, cellphone, at iba pang gamit.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, pinuri ni PRO2 Regional Director PBGEN Mariano C. Rodriguez ang mga kapulisan at operatiba sa matagumpay na operasyon.

“Magsilbi sana itong babala sa mga lumalabag sa batas na hindi titigil ang PNP sa mga operasyon laban sa ilegal na droga. Titiyakin natin na mananatiling ligtas, payapa, at maayos ang ating rehiyon alinsunod sa pinapairal na batas,” dagdag ni PBGEN Rodriguez.
# # #

PRO2 News Brief No. 05-01-01
Authority: PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ
Regional Director
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
page: Police Regional Office 2


02/05/2026

PRO2 News Brief 05-01-02
May 1, 2026

Akusado sa Kasong Syndicated Estafa, Arestado ng PNP Bagabag

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan— Naaresto ng kapulisan ang ika-sampu sa listahan ng Most Wanted Persons sa Cagayan Valley dahil sa kasong four counts of syndicated estafa sa Bagabag, Nueva Vizcaya ngayong araw, Mayo 1, 2026.

Kinilala ang akusado na si alyas Clyde, 35 taong gulang, walang asawa, at residente ng nasabing lugar.

Matagumpay na isinilbi ang warrant of arrest sa pangunguna ng Bagabag Police Station katuwang ang iba’t ibang unit ng Nueva Vizcaya PPO. Ang warrant laban sa akusado ay inilabas noong April 28, 2026 ng Regional Trial Court, Branch 27, Bayombong, Nueva Vizcaya, at walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay PBGEN Mariano C. Rodriguez, bagong talagang Acting Regional Director ng PRO2, ang pagkakaaresto sa akusado ay patunay ng walang humpay na kampanya ng kapulisan para sa hustisya ng mga biktima ng kriminalidad sa rehiyon.

“Ito ay malinaw na patunay ng ating matatag na paninindigan sa pagbibigay hustisya sa mga biktima ng kriminalidad. Asahan ninyo na patuloy ang operasyon ng kapulisan upang masakote ang mga lumalabag sa batas, alinsunod sa Focused Agenda ng PNP,” ani PBGEN Rodriguez.
# # #

PRO2 News Brief No. 05-01-02
Authority: PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ
Regional Director
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
page: Police Regional Office 2


02/05/2026

PNP MESSAGE FOR LABOR DAY 2026
(ARAW NG MGA MANGGAGAWA)

Sa paggunita ng Araw ng mga Manggagawa, kinikilala ng Philippine National Police ang mahalagang ambag ng bawat Pilipinong manggagawa—ang tunay na lakas na nagpapatakbo sa ating ekonomiya at humuhubog sa kinabukasan ng ating bansa.

Ang paggawa ay hindi lamang hanapbuhay; ito ay dangal, sakripisyo, at pag-asa. Mula sa mga pabrika, opisina, lansangan, hanggang sa mga tahanan, ang bawat patak ng pawis ay pundasyon ng isang mas matatag at mas maunlad na Pilipinas.

Kasabay nito, nirerespeto at pinangangalagaan ng PNP ang karapatan ng mga manggagawa na magpahayag at magtipon nang mapayapa. Ang kapulisan ay nariyan hindi upang hadlangan ang tinig ng mamamayan, kundi upang tiyakin na ang bawat pagkilos ay ligtas, maayos, at may paggalang sa kapwa.

Sa patuloy na pagharap sa mga hamon ng buhay, kaisa ninyo ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad—upang makapagtrabaho kayo nang may kapanatagan ng loob.

Ang Araw ng mga Manggagawa ay paalala na ang lakas ng Pilipinas ay nagmumula sa marangal na paggawa at pagkakaisa ng bawat Pilipino.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino!

PGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ, JR.
Chief, Philippine National Police

Address

Maligaya
Echague
3309

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Reyvin gwapo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Reyvin gwapo:

Share