12/10/2025
JUSTICE ππ½ππ½ππ½ππ½
NEWS FLASH: Patay sa pamamaril ang dating legal officer ng Department of Education (DepEd) Palawan na si Atty. Joshua Abrina matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.
Nangyari ang krimen dakong alas-otso ng kagabi ng Miyerkules sa brgy.San Jose sa lungsod ng Puerto Princesa, habang papasok ang biktima ng kaniyang bahay ay biglang umalingangaw ang mga putok ng baril.
Dito ay napagtanto ng pamangkin ng biktima na binaril na ang abogado, agad namang isinugod sa ospital ang biktima subalit dineklara din itong dead on arrival.
Mabilis namang nakatakas ang hindi pa nakikilalang suspek sa pamamaril sa abogado.
Samantala, agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) β Palawan Chapter sa nangyaring insidente at kinondena ang pamamasalang sa abogado.
"The IBP Palawan Chapter calls on the Philippine National Police, the National Bureau of Investigation, and all relevant agencies to swiftly investigate this heinous crime and bring the perpetrators to justice. We likewise call on our leaders and institutions to take decisive and concrete action to ensure that such atrocities do not become the norm.
The IBP Palawan Chapter vows to exhaust all legal means to ensure that justice for Atty. Abrina is fully and uncompromisingly served. We will not rest. We will not be silent. We will not be cowed. For every lawyer killed is a blow to the pursuit of justiceβand we must never let injustice prevail.
Let this serve as both a memorial and a call to action: the blood of our fallen colleagues cries outβnot only for justice, but for the collective courage to defend the law against those who would seek to silence it through violence." - IBP-Palawan Chapter FB page.
Kaalinsabay nito ay kinondena din ni Konsehal Elgin Damasco ang pamamasalang kay Atty. Abrina at nanawagan sa kapulisan ng masusing imbestigasyon lalo't si Atty. Abrina siya ang may hawak ng mga ebidensya at witness ng 'Items for Sale' sa DepED Palawan na ikinasuspindi ng ilang opisyal nito.
"Ang Abogado na pinatay sa San Jose ay dating Abogado ng DepED Palawan. Siya ang may hawak ng mga ebedensya at witness sa Item for Sale, ayon sa aking very reliable source.
Nag-resign siya last July, 2025.Ayon sa aking source, hindi niya masikmura ang kurapsiyon sa loob ng DepEd.
Sa PNP, Please investigate properly para malaman ang katotohanan kung sino ang nasa likod ng pagpapatahimik kay Atty.
Bagamat yan ang aking nakuhang impormasyon, huwag muna tayo maghusga.
Antayin natin ang resulta ng imbestigasyon ng mga otoridad.
Aking taus-pusong pakikiramay sa pamilya." Ayon sa social media post ni Konsehal Elgin Damasco.
photo courtesy of Atty. Joshua Abrina