Wattpad fantasy

Wattpad fantasy Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Wattpad fantasy, Digital creator, Barotuan, El Nido.

Title: Innocent Girl Reincarnated become a Demon Goddess.   ✅ CHAPTER TWO ✅    ✴️ SACRIFICE ✴️Sobrang natutuwa ako, sapa...
07/09/2023

Title: Innocent Girl Reincarnated become a Demon Goddess.

✅ CHAPTER TWO ✅
✴️ SACRIFICE ✴️

Sobrang natutuwa ako, sapagkat tinupad nga ni daddy ang mga hiling ko.
Sana nga lang habang buhay ko syang makasama kaso nga lang parang hindi na mangyayari pa iyon.

Naalala ko pa ang sambit ni daddy kaganina sa akin.

🔶Flashback 🔶
At nakita kong dahan dahang napaangat ng ulo si daddy habang May pilit na ngiti at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nito habang nangigilid sa luha.

Daddy... Pede mo na po ba akong ipasyal sa amusement park na lagi kong naririnig kay Shaine na lagi n'yo po daw pinupuntahan.. gusto ko rin Pong maranasang makapunta roon na ikaw ang kasama ko... cguradong magiging happy si mommy sa akin kasi natupad narin ang wish kong makasama ka po. Nakangiti kong saad habang pilit kong pinipigilan ang mga luha kong gusto ng dumaloy sa aking mga pisngi.

Napakaswerte ko naman kasi meron akong anak na napakabait at maunawain...ahmmmp pwedeng pwede...ano tara?..saan mo gustong unahin natin. Nakangiti saad ni dad sa akin.

Labis akong natutuwa sapagkat sa wakas napansin rin ako ni daddy at nabigyan ng pagkakataong makasama ko sya kahit na alam kong May hangganan ang lahat ng kaligayahan na nararamdaman ko ngayon.

Pero kahit ganun labis labis na saya ng kalooban ko kasi sa wakas makikita ko narin kung anong mundo sa labas na hindi ko pa nararanasan.
Sana nga lang makasama ko pa ng matagal si daddy pero hindi ko naman kaya ng kalooban kong nakikitang nahihirapan ang kalooban ni daddy.

Daddy... Una ko Pong gustong puntahan Yong amusement park at gusto ko rin ng Teddy bear dad at cotton candy... masayang sambit ko habang nangingislap ang mga mata ko sa tuwa at kaexcitingan.
Napatawa nalang si daddy at tinapik tapik ni daddy ang ulo ko ng dahan dahan.

Ano tara?!... nakangiting saad ni daddy sa akin.
Wait lang po dad... gusto ko ring makakita ng sunset at dagat narin po at ung favorite kong food po... puppy eyes kong sambit kay dad.
At napatawa nalang si dad sa inasta ko.

Daddy naman ehh... tinatawanan mo na ako nyan ehhh...nakapout kong sambit sa kanya.
Okey..okey!.. hindi na.. napaka-cute kasi ng baby ko at natutuwa akong hindi mo ako kinamumuhian pagkatapos mong malaman kung anong dahilan ko Kung bakit di kita pinapayagang lumabas.... mahinahong saad ni dad sa akin.
Daddy... Ayoko n Pong makita kang malungkot at nahihirapan...kung ito lang ang paraan...Para naman ako'y makatulong po sayo ay labis labis pong matutuwa ang kalooban kong makabawas man lang sa dinadala mo Pong proplema at hindi ko po kayang magalit sa iyo daddy kasi alam kong ginagawa mo lang iyon kasi kailangan pero..Ang ngayon po ang mahalaga daddy Kasi sa wakas makakabonding rin po kita at makakasama hindi nga lang matagalan pero babaunin kopo itong... isang magandang karanasan na Nakasama kitat nakabonding.

🔶END OF FLASHBACK 🔶

Labis ang tuwa ko ng nakasakay na kami ni daddy sa ferris wheel at habang kumakain ako papaitaas na naman ang sinasakyan naming ferris wheel, nakatutuwa talaga ang reaksyon ng mukha ni daddy.
Ehh.. kasi naman namumutla na sya at talagang hindi kumikilos sa kinauupuan.
Daddy..okey ka lang po ba?... Pinipigilan kong ngiti habang nagtatanong kay daddy.
At nakita kong tumingin si daddy sa akin ng nakangiti habang nakatumps Up ang k**ay na nagpapahiwatig na okey lang sya.
Pero kitang kita ko na parang naduduwal na siya sa kanyang kinalalagyan... kaya hindi ko na napigilang tumawa sapagkat napakaprice less ng face ni dad.
Na akala mo'y uminom ng s**a sapagkat namumutla na ito at kapag tinatanong mo kung okey lang sya...mag tutumps up lang ito sa iyo kasi.. I know kapag nagsalita pa si daddy baka s**a na ang lumabas sa bibig nya at hindi salita.

Continuation:

Title: Innocent Girl Reincarnated become A Demon Goddess ✅ CHAPTER ONE ✅      🔵 HOPE 🔵Bigla akong napabangon dahil sa ma...
06/09/2023

Title: Innocent Girl Reincarnated become A Demon Goddess

✅ CHAPTER ONE ✅
🔵 HOPE 🔵

Bigla akong napabangon dahil sa malakas na kulob.
At naalala ko naman ang nangyari sa akin kagabi habang ako'y nagwi-wish sa lucky star ko.
Ay bigla bigla nalang naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit...
At nakakalungkot mang isipin na hindi man lang ako dalawin ni daddy.
Minsan iniisip ko kung Mahal nya ba ako o d kaya nakalimutan na nyang May anak syang nangungulila sa pagmamahal at aruga niya.
At dahan dahan akong bumaba sa k**a upang magsindi sa munti kong lampara na syang nagiging dahilan kung bakit nakakakita parin ako kahit papaano ng liwanag sa madilim na sulok ng aking silid.

At pagkasindi ko sa munti kong lampara ay sumilay ang magaganda kong ngiti sapagkat sa wakas, naramdaman ko rin kahit papaano ang liwanag at init na nagmumula sa lampara ko.

At bigla nalang akong nagulat ng May malakas na bumukas ng kinalalagyan kong silid at labis ang tuwa ko ng nakita ko si daddy na bumungad sa aking pinto.

Tumakbo ako sa kanya at talagang yinakap ko sya ng mahigpit.

Daddy... please wag mo na po akong iiwan!...Nalulungkot po si Jane kung Iiwan po mo ako ulit dito... lumuluhang saad ko kay daddy.
At bahagyang tinapik tapik ni daddy ang ulo ko ng dahan dahan at talagang natutuwa ako kapag nandito si daddy sa tabi ko.

Jane...Sana maintindihan mong mahal na mahal ka ni daddy...okey!.... narinig kong sambit ni dad sa akin at nagtataka ako dahil unti-unti nyang hinihiwalay ang mga k**ay kong nakayakap sa kanya.
Daddy... Bakit po? inosenteng sambit ko rito.
Jane..alam kong nagtataka ka kung bakit.. hindi kita pinapayagang lumabas hindi ba? Dahil kailangan ng magandang pangangatawan at pagiging healthy narin para sa ganon ay maging handa ang pagtratransflant ng kapatid mo mahinahong saad ni daddy sa akin.
At napamaang nalang ako kung bakit sinasabi ni daddy sa akin ang kalagayan ng step sister ko.

Daddy..May sakit po ba si Shaine?.. nagtatanong na sambit ko kay daddy.
At nakita ko kung paano dumaan ang sakit at kalungkutan sa mga mata ni daddy.
Patawarin mo ako Jane anak..kung sa pamamagitan mo gagaling ang kapatid mo kaya.. pinakaiingatan kita na dito ka lang sa kwarto at kapag handa na ung kalusugan mot katawan ay maisasalin ng maayos at walang komplikasyon ang puso na kailangan ng kapatid mo..Jane anak patawarin mo si daddy kung May ibang paraan LNG na iba ang magbigay ng puso sa kapatid mo ay gagawin ko... pero talagang sa lahat ng naging donor ng kapatid mo ay walang nag-match na pedeng madugtungan ang buhay nya, tanging dugo mo at puso ang nag-match sa kapatid mo... tanging ikaw lamang ang makakatulong sa kanya anak!.. mahinahong saad ni daddy sa akin habang lumuluha ang kanyang mga mata.

At bahagyang napayuko ako, dahil akala ko magiging masaya na ako, kapag nakita ko na si daddy at madalaw niya ako rito sa silid na kung tawagin ko, ay kulungan na sapagkat ni wala akong kalayaang makalabas at makapaglibang man lang.
Daddy..kapag ba pumayag ako..sa pagtratransflant maipapangako mo bang ililibing mo ako katabi ng puntod ni mommy.. daddy kahit yon lang.... pagbigyan mo na po ako...daddy pede mo bang sabihing mahal mo rin ako, kasi ako kahit minsan hindi po ako nagalit sa iyo, patuloy po akong umaasa na makakasama po kitat makakabonding... daddy wala po akong ibang hinihiling kundi ang makasama ka..at napakasaya kopo kasi tinupad ni lucky star ang hiling ko.... lumuluhang sambit ko habang nakayuko.

At napaangat ako ng ulo ng nakita ko si daddy na napahagulgol at napasalampak sa sahig habang nakayuko.
Patawarin mo ako anak... naiiyak na sambit ni daddy sa akin.
Daddy pede po ba tayong mamasyal nakangiti kong saad habang dumadaloy ang masagana kong luha saking mga mata.

At unti-unti kong hinawakan ang k**ay ni daddy at nakangiti ko syang pinagmasdan.

Daddy dreams ko Pong makapag-picture ng kasama ka at makakain ng icecream na kasama parin kita at sabay po tayong manonood ng movie...kaya daddy sana kahit ngayon lang pede ba kitang maka-bonding. Masayang sambit ko habang nakahawak sa mga k**ay nya.

At nakita kong dahan dahang napaangat ng ulo si daddy sa akin habang May pilit na ngiti at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nito habang nangigilid sa luha.

Continuation:

Title: INNOCENT GIRL REINCARNATED BECOME A DEMON GODDESS.Genre: Action, comedy, Romance, SPG, etc.Author:Rose Ann Franci...
05/09/2023

Title: INNOCENT GIRL REINCARNATED BECOME A DEMON GODDESS.
Genre: Action, comedy, Romance, SPG, etc.
Author:Rose Ann Francisco

PROLOGUE:

Sa buong buhay ko, lagi nalang ako nakakulong dito sa isang madilim na kwarto.
Sabik ako sa kung ano ba talaga ang mundo sa labas.
Lagi nalang akong ikinukulong at pinagbabawalan ng step mother ko na lumabas.
Naiingit nalang ako sa step sister ko na pinapayagan niya itong pumasok sa school at maglibang samantalang ako'y namulat sa mundo na ni kahit pumasok sa paaralan ay di ko naranasan marunong po akong bumasa at magsulat sapagkat noong nabubuhay pa si mommy sya ang nagturo sa akin ng lahat ng dapat kong matutunan para advanced daw ang galing ko pagpasok ko ng school un nga lang...
May hindi inaasahang pangyayari ang Dumating sa buhay ko.
Naaksidente si mommy at yun ang naging dahilan upang tuluyan na akong maulila at iyon din ang dahilan kung bakit nasa puder ako ng madrasta ko..
Si daddy naghiwalay na talaga sila ni mommy kahit noong nabubuhay pa si mommy.
Kaya kahit na ganito ang sinasapit ko gusto ko parin magpakatatag.

At yun ang naging dahilan kung bakit ako hanggang ngayon nangungulila sa pagmamahal at aruga at higit sa lahat ang kalayaang hinahangad ko....

Naalala ko pa noong nagkwekwento si mommy ng isang nobela patungkol ito sa isang babaeng naghihiganti at at paggawa ng di maganda sa kapwa at yun ang naging dahilan upang kamuhian siya ng lahat at higit sa lahat ng dahil doon ikinulong siya't at di na pinayagang makalabas pa ng kulungan...
At dahil sa mga kasamaang ginawa nya ay tinanggalan din sya ng kapangyarihan at un ang naging dahilan upang maging isang ordinaryong nilalang nalang ang dating kinatatakutang dyosa ng digmaan at mula noon di na nakilala at d nakita ang sinasabing dyosa na naging mortal at higit sa lahat naglaho nalang ito bigla at di na nakita pa.

At napangiti ako ng mapait dahil kagaya ng sa kwento ni mommy ay parang wala akong pinagkaiba ng dyosa na iyon sapagkat kaya naging masama lang naman sya ay dahil sa mga taong naging dahilan kung bakit nya naisipang gumawa ng di maganda.
Mali man ang pamamaraan nya, ay nandon parin yung pagiging uhaw niya sa pagmamahal at atensyon.
Hindi ko kayang magalit kay daddy sapagkat umaasa parin akong balang araw mabibigyan nya rin ako ng atensyon at pagmamahal.
Un nga lang parang malabo na, sapagkat habang tumatagal hindi nya na ako pinupuntahan dito sa kwarto ko.
Kung saan namulat ako sa liwanag ng siwang ng bintana tanging maliit na lampara ang syang nagbibigay ng kaunting liwanag sa madilim na sulok ng silid na ito.

At napatingin ako sa maliit na siwang ng bintana sapagkat magga-gabi na naman cguradong May mga bituin na naman akong makikita kahit hindi ko sya makita ng husto at klaro masaya parin akong sa pamamagitan nito sumasaya ako't gumiginhawa ang pakiramdam ko...

Mommy sana totoo po yong sabi mo na kapag nag-wish ako gabi gabi sa mga star ay matutupad ang wish ko.

Simpleng wish lang naman ang tanging hinihiling ko, un ay ang makalaya ako't makapasok sa school at gusto ko ring maranasang mahalin at alagaan kaso nga lang.
Wala na si mommy pero Nanjan pa naman si daddy kaya May pag asa pakong maranasan ang mga hinahangad ko.

Dear Lucky star Sana na naman, matupad na po ang simpleng hinihiling ko, sapagkat sabik na po KC akong makalaya at maalagaan ni daddy at higit sa lahat sana wag na Pong magagalit sa akin ang step mother ko at ituring na sana po ako bilang anak para sa ganon kahit wala na si mommy maramdaman ko paring buhay sya.
Masayang sambit ko habang nakasilip sa siwang ng bintana ko.
Alam ko sa sarili ko na hindi sapat ang siwang na ito upang makita ko ng malinaw ang mga nagagandahang bituin sa langit pero umaasa parin akong maririnig ng mga lucky star ang hinihiling ko.

Continuation:

Address

Barotuan
El Nido

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wattpad fantasy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share