Christ's Disciple-Makers Fellowship

Christ's Disciple-Makers Fellowship This was created to assist CDF in carrying out the Great Commission globally.

January 05,  2024Good Morning Po Sa Lahat!Emmanuel! Our Daily MAP with  Jesus Eccleciastes SeriesEcclesiastes 5:10"Those...
04/01/2024

January 05, 2024
Good Morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus

Eccleciastes Series

Ecclesiastes 5:10
"Those who love money will never have enough. How meaningless to think that wealth brings true happiness!

Do Not Love Money

Ang nagmamahal daw sa pera ay hindi makukuntento, at ang isipin na ang pera ay magdadala ng tunay na kasiyahan ay walang kabuluhan.

Ang pagyaman, kayamanan, at ang pera ay hindi masama, ito ay kailangan nating lahat.

Ngunit ang tanong, kailan ba nagiging masama ang pera?

Nagiging masama lamang ang pera kapag minahal natin ito. Lalo na kapag minahal natin ito ng higit sa pagmamahal natin sa Diyos

Mateo 6:24
[]“Walang aliping makakapaglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan."

1 Timoteo 6:10
"Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian"

Ang ugat ng lahat ng kasamaan ay ang pagibig sa salapi. Ang tao ay nandadaya, nang-gugulang, nagsisinungaling, di'' nagbabayad ng utang, pumamatay, nanlalamang at marami pang iba. Ito ang nagiging bunga kapag minahal ang salapi.

"May kasabihan na "money is a good servant but not a good master"

Kaya nga mga kapatid, huwag nating mahalin ang pera, gawin natin itong alipin, huwag natin gawing Pànginoon.

"Use money and love people. Don't love money and use people."
~ Joseph Prince

"Huwag mong mamahalin ang pera dahil pananampalataya at buhay mo ay masisira."
-----Jerome L. C

"The love of money destroys everything."
----- Corrientes Collection of Sayings

Happy New Year!

Dear Jesus, help us to avoid loving money, in Jesus name, amen!

10/06/2023

June 11, 2023

Good morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus

Psalm Series

"But then I recall all you have done, O lord; I remember your wonderful deeds of long ago.” ~Psalms 77:11

You Can't Count Your Blessings

Lahat ng tao ay nakakaranas ng pagpapala. Ang sabi ni Jesus," For he gives his sunlight to both the evil and the good, and he sends rain on the just and the unjust alike."
~Matthew 5:45

May mga pagkakataon kasi na dumarating sa buhay natin ang panghihina. Nangyayari ito kapag nananalangin tayo at pagkatapos tila hindi naririnig ng Diyos ang mga ito.
Ito ang sabi sa. Psalms 77:4 "You don’t let me sleep. I am too distressed even to pray! "

Sa panahon na tulad nito, ang payo ng mga experto ay bilangin natin ang blessings na natanggap natin sa Diyos. Dahil ito ang nagpapalakas sa atin. Ito rin ang nagbibigay sa atin ng katiyakan na ang sinimulan ng Diyos sa buhay natin ay tiyak na kanyang tatapusin.

Ngunit ang katotohanan, hindi natin kayang bilangin ang kabutihang ginawa ng Diyos sa ating buhay.
Sa totoo lang, mula noong ako'y maligtas hanggang ngayon, kung alalahanin ko ang mga pagpapalang ibinigay ng Diyos sa akin, hindi ko na kayang bilangin.

Kaya nga mga kapatid, dapat nating tandaan na hindi batayan ang kabutihan ng Diyos sa kanyang pagtugon o hindi ng ating mga pananalangin. Dapat nating tandaan na ang Diyos ay laging mabuti kahit ano man ang ating nararanasan. Hindi na magbabago ang Kanyang taglay na kabutihan.

" God is the same yesterday, today, and forever" ~Hebrews 13:8

"God is good all the time" ~Don Moen

"I believe that whatever comes at a particular time is a blessing from God." ~ A. R. Rahman

"Tulad ng ulan hindi natin kayang bilangin ang Kanyang pagpapala."
~Jerome L. C

"If the blessings of God is like a rain, who can stop it?."
----- Corrientes Collection of Sayings

Dear Jesus, Thank you for your unstoppabble blessings, in Jesus name, amen!

22/05/2023

May 23, 2023

Good morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus

Psalm Series

"The godly will rejoice in the lord and find shelter in him. And those who do what is right will praise him."
---Psalms 64:10

Find Shelter In God

Shelter means - a place giving temporary protection from bad weather or danger.

Ang masamang panahon o panganib ay kusang dumadating sa ating buhay. Dahil dito kailangan natin ng proteksyon, isang proteksyon na hindi pansamantala at kayang sirain masamang panahon o bagyo- at ang proteksyong ito ay matatagpuan lamang natin sa Diyos.

Ikaw kapatid, ano o sino ang iyong proteksyon? Hanggat hindi Diyos ang proteksyon natin, hindi tayo makakatiyak ng ating siguridad.

Kaya marapat lamang na Diyos ang gagawin nating proteksyon ng ating buhay.

"God is our refuge and strength, always ready to help in times of trouble."
~Psalms 46:1

"For you are my hiding place; you protect me from trouble. You surround me with songs of victory.Interlude"
~Psalms 32:7

"God sometimes removes a person from your life for your protection. Don't run after them."
~ Rick Warren

"Tiyak ang proteksyon ng Diyos."
---Jerome L. C

"Make sure that your protector is not temporary, make it permanently-ask God because He is more the willing."
----- Corrientes Collection of Sayings

Dear Jesus, thank you for being my protector, in Jesus name, amen!

16/05/2023

May 17, 2023

Good morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus

Psalm Series

"May your unfailing love and faithfulness watch over him."
----Psalms 61:7b

God Who Cares

Isa sa mga dahilan ng matagumpay na pamumuhay ay nakasalalay sa husay ng nagbabantay.

Ang tagumpay ng mga lingkod ng Diyos sa kanilang kapanahunan ay naganap dahil hindi tao ang nag-aaruga sa kanila kundi ang Diyos. Ito ang nagtitiyak ng kanilang tagumpay.

Kaya kung nais nating magtagumpay sa buhay na ito, hanapin natin ang pag-aaruga ng Diyos.

Ang sabi sa text natin, ""May your unfailing love and faithfulness watch over him."
----Psalms 61:7b

Ang sarap mamuhay kung araw-araw ay nararanasan natin ang pag÷ibig at katapatan ng Diyos dahil ito ang nagbabantay sa atin.
"The faithful love of the lord never ends! His mercies never cease.
Great is his faithfulness; his mercies begin afresh each morning."
-----Lamentations 3:23

Kung ang katapatan ng Diyos at ang kanyang pag-ibig ang nagbabantay sa atin, ano pa ang dahilan upang hindi tayo magtatagumpay?

"Sadyang kay buti ng ating Panginoon
Magtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila ng aking pagkukulang
Biyaya nya’y patuloy na laan
Katulad ng pagsinag ng gintong araw
Patuloy syang nagbibigay tanglaw
Kaya sa puso ko’t damdamin
Katapatan nya’y aking pupurihin
Dakila ka oh Dios tapat ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man
Maaasahan kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay"
--Papuri singers

"Ang buhay ay tiyak na matatagumpay kapag Diyos sa iyo'y nagbabantay."
---Jerome L. C

"When God's love and faithfulness watch over me who can be against me?."
----- Corrientes Collection of Sayings

Dear Jesus, thank you for your love and faithfulness in my life, in Jesus name, amen!

15/05/2023

May 16, 2023

Good morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus

Psalm Series

"With God’s help we will do mighty things, for he will trample down our foes.
----Psalm.60:12

God's Help

Ang tulong ng Diyos ay kailangan nating lahat lalong -lalo na sa panahon ng panganib o pangangailangan man.

Ang sabi sa text natin, "sa tulong ng Diyos, makagagawa tayo ng mga bagay na kamangha-mangha.

Hindi kaila sa atin ang ginawang himala ng Diyos noong tulungan Niya si Moises, gayon din si Joshua, si Samson, si Daniel at iba pa.

Kaya nga mas mahalaga na hanapin natin palagi ang tulong ng Diyos kung nais nating gumawa ang Diyos ng kamangha-manghang mga bagay sa ating buhay.

"Don’t be afraid, for I am with you. Don’t be discouraged, for I am your God. I will strengthen you and help you. I will hold you up with my victorious right hand."
----Isaiah 41:10

"Please, God. Help me. Take this pain away. Please fill this loneliness with your love. Help me, God, please, help me."
~ David

"Kamangha-manghang mga bagay ay kayang gawin kung ang tulong ng Diyos ay sumasaatin ."
---Jerome L. C

"When troubles come, ask God for help and you will never be dismay."
----- Corrientes Collection of Sayings

Dear Jesus, thank you for your help, in Jesus name, amen!

11/05/2023

May 12, 2023
Good morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus

Psalm Series

"I cry out to God Most High, to God who will fulfill his purpose for me."
~Psalms 57:2

God's Purpose

God Fulfill His Purpose

Nilikha tayo ng Diyos dahil meron Siyang Dakilang Layunin sa ating buhay.

Ang layuning ito ang dapat manaig sa ating buhay dahil ito ay perpekto at higit na mas mataas, higit na mabuti, at mas maganda kaysa sa ating mga sariling layunin.

" For I know the plans I have for you,” says the lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope."
---Jeremiah 29:11

"The thief’s purpose is to steal and kill and destroy. My purpose is to give them a rich and satisfying life. "
~John 10:10

Kaya nga mga kapatid sikapin nating matupad sa buhay natin ang layunin ng Diyos, hindi ang ating sariling layunin.

"Without God, life has no purpose, and without purpose, life has no meaning. Without meaning, life has no significance or hope." ~ ~Rick Warren

"But the plans of the LORD stand firm forever, the purposes of his heart through all generations."

----Psalms 33:11

"Ang layunin ng Diyos ang dapat matutupad sa ating buhay hindi ang sarili nating layunin".
-----Jerome. L. C

"The purpose of God is worth living for."
----- Corrientes Collection of Sayings

Dear Jesus, thank you for your purpose in our life, in Jesus name, amen!

28/03/2023

March 29, 2023
Good morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus

Psalm Series

"The lord is my strength and shield. I trust him with all my heart. He helps me, and my heart is filled with joy. I burst out in songs of thanksgiving."

----Psalms 28:7

Anti Weariedness

Lahat tayo ay nakakaranas ng panlupaypay. Ito ay normal na nangyayari sa atin. Kapag sobra na ang pagod nagdudulot ito ng fatique, at hindi magandang epekto sa katawan.

"Fatigue can be caused by a number of factors working in combination, such as medical conditions, unhealthy lifestyle choices, workplace problems and stress."
-teenhealth.vicigov.au

Dahil dito kailangan natin ng panlaban sa fatique. Ito ang sabi sa text natin, ""The lord is my strength and shield. I trust him with all my heart. He helps me, and my heart is filled with joy. I burst out in songs of thanksgiving."
----Psalms 28:7

Kaya nga kailangan natin ng lakas na hindi nauubos, ito ay lakas na nanggagaling sa Diyos.

Ikaw kapatid, saan ka ba humuhugot ng iyong lakas?

"But the Lord stood by me and strengthened me, so that through me the message might be fully proclaimed and all the Gentiles might hear it. So I was rescued from the lion’s mouth. The Lord will rescue me from every evil deed and bring me safely into his heavenly kingdom. To him be the glory forever and ever. Amen.
---2 Timothy 4:17

"Ang lakas na nanggagaling sa Diyos, ay lakas na di' nauubos."
----- Jerome L. C

"If God is the source of our strength, we can say goodbye to fatigue, tiredness, stress, and weariedness."
----- Corrientes Collection of Sayings

Dear Jesus, thank you for being the source of our strength , in Jesus name, amen!

25/03/2023

March 26, 2023
Good morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus

Psalm Series

"Who are those who fear the lord? He will show them the path they should choose. They will live in prosperity, and their children will inherit the land."
-----Psalms 25:12-13

Fear The Lord

Ang pagkakaroon ng takot sa Diyos ay hindi lamang pasimula ng karunungan, kundi punong-puno pa ito ng pangako.

Ang Diyos ay nàngako na ang mga taong may takot sa Kanya ay lalakad sa tamang landas, tatanggap ng pagpapala at mamanahin ng kanilang mga anak ang lupain.

Kaya nga doon sa mga wala pang takot sa Diyos, simulan na nating matakot sa Diyos, upang makamit natin ang mga pangakong ito.

"That’s the whole story. Here now is my final conclusion: Fear God and obey his commands, for this is everyone’s duty."
-----Ecclesiastes 12:13

"You will fear something or someone. The Bible says the wisest way to go about your life is to fear God." ~ Kevin DeYoung

"Ang paglakad sa tamang landas, pagtanggap ng pagpapala, at pag-mana ng kasaganaan ay nagmumula sa pagkatakot sa Diyos."
----- Jerome L. C

"Fear God is the key to obtain godly, and prosperous life. "
----- Corrientes Collection of Sayings

Dear Jesus, help us to have consistent fear in God, in Jesus name, amen!

22/03/2023

March 22, 2023
Good morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus

Psalm Series

"The lord is my shepherd; I have all that I need."
Psalms 23:1

Who Is Your Shepherd?

Ang kakulangan ng pangangailangan ay nakadepende kung sino ang pastol ng ating buhay.

Kung ang Diyos ang gagawin nating pastol ng ating buhay, hindi Niya tayo pagkukulanangin.

Ang sabi ni David,
[1]Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;
[2]pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.
[3]Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan.
[4]Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
[5]Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking ulo langis ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos.
[6]Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan."
------ Awit 23:1-6

"And this same God who takes care of me will supply all your needs from his glorious riches, which have been given to us in Christ Jesus."
-----Philippians 4:19

"The thief’s purpose is to steal and kill and destroy. My purpose is to give them a rich and satisfying life."
----John 10:10

Kaya nga kung tayo ay nagkukulang, baka hindi si Cristo ang ating Pastol. Panahon na upang gawin natin Siya na Pastol ng ating buhay.

Sabi sa sipi ng isang awitin,
"KAHIT KAILAN DI KA NAGKULANG

BIYAYA MO SA AKI'Y LAGING LAAN

PAG-IBIG MO SA AKI'Y WALANG HANGGAN

INIBIG MO AKO NOON PA MAN"

"Ang kakulangan at kasapatan ay nakasalalay kung sino ang Pastol ng ating buhay. "
----- Jerome L. C

"I have everything if Christ is my Shepherd."
----- Corrientes Collection of Sayings

Dear Jesus, thank you for shepherding us, in Jesus name, amen!

20/03/2023

March 21, 2023
Good morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus

Psalm Series

"I was thrust into your arms at my birth. You have been my God from the moment I was born."
-----Psalms 22:10

Unshakable Trust

May kanya-kanyang level mg pananampalataya ang tao. May pananampalataya na natitinag at meron din naman na kahit ano ang mangyayari , hindi natitinag.

Ang hindi natitinag na pagtitiwala sa Diyos ni Haring David ang dapat nating tularan, upang magtatagumpay tayo sa lahat ng ating mga lakad.

Maging ang anak niyang si Solomon ang nagsabi, "5 Trust in the lord with all your heart; do not depend on your own understanding. Seek his will in all you do, and he will show you which path to take."
-----Proverbs 3:6

Kaya nga kung magtitiwala tayo sa Diyos magtiwala tayo sa Kanya ng lubosan.

"We cannot always trace God's hand but we can always trust God's heart." ~ Charles Spurgeon

"Ang hindi natitinag na pananampalataya aynagbubunga ng limpak-limpak na pagpapala."
----- Jerome L. C

"To all believers of God, trusting Him is a must."
----- Corrientes Collection of Sayings

Dear Jesus, help us to trust you, in Jesus name, amen!

18/03/2023

March 19, 2023
Good morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus

Psalm Series

"You have endowed him with eternal blessings and given him the joy of your presence."
------Psalms 21:6

Endowed Eternal Blessings

Ang pagpapala na nais ng Diyos sa atin ay hindi pansamantala kundi pang walang-hanggan.

Maraming tao ang nagnanasa ng pansamantalang pagpapala, nagsisikap, at ang iba ay halos magpapakamatay makamit lamang ang pagpapalang ito.

Hindi ang pagpapalang ito ang nais ng Diyos, ang nais ng Diyos na pagpapala ay pagpapalang pang walang-hanggan.

"You have endowed him with eternal blessings and given him the joy of your presence."
-----Psalms 21:6

Nais ng Diyos na pagkaloo an tayo ng pagpapalang hindi pansamantala, kundi pang-walang hanggang.

Kaya kung nais nating ng mga pagpapalang ito, sa Diyos natin hanapin at hindi sa mundong ito.

"God bestows His blessings without discrimination. The followers of Jesus are children of God, and they should manifest the family likeness by doing good to all, even to those who deserve the opposite."
--- F.F. Bruce

"Ang pagpapala na sa Diyos nagmumula ay hindi pansamantala, ito ay pangwalang-hanggan, at hindi nawawala."
----- Jerome L. C

"Desire eternal blessings and you will be satisfied when you find it."
----- Corrientes Collection of Sayings

Dear Jesus, help us to find eternal blessing, in Jesus name, amen!

Address

Km 247, National Highway, Villa Libertad. El Nido. Palawan, Phillipines
El Nido
5313

Telephone

+639976339280

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ's Disciple-Makers Fellowship posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Christ's Disciple-Makers Fellowship:

Share

Category