
08/09/2025
Francisco F. Fajarit Jr.
🚨17-anyos na Estudyanteng Panay Puyat, Pumanaw Dahil sa ‘Severe Immune System Failure‼️
Marikina – Isang 17-anyos na estudyante mula sa isang paaralan sa lungsod ang idineklarang patay matapos makaranas ng matinding epekto ng panay puyat. Ayon sa mga doktor, ang kabataan ay nagkaroon ng severe immune system failure dulot ng tuloy-tuloy na kakulangan sa tulog.
Ayon sa ulat, ilang linggo nang nagpupuyat ang estudyante hindi lamang dahil sa dami ng academic requirements at projects kundi dahil sa panay palipas ng gutom at isinisingit ang paglalaro ng Mobile Legends sa gabi. Bagamat nakaranas siya ng matinding pagod at sakit, hindi niya ito pinansin hanggang sa humantong sa kritikal na kondisyon.
Sa isang panayam, sinabi ng ina ng biktima: “Hindi ko akalain na ang puyat at sobrang paglalaro ng anak ko ang magiging dahilan ng pagkawala niya. Sana ay maging aral ito sa lahat ng magulang at estudyante na huwag balewalain ang kalusugan.”
Pinayuhan ng mga eksperto ang mga estudyante na huwag ipagsawalang-bahala ang tulog at kalusugan. Ayon kay Dr. Miguel Fredencio, “Ang tuloy-tuloy na kakulangan sa tulog ay puwedeng magdulot ng matinding komplikasyon sa immune system at iba pang organs. Maglaan ng oras para sa sapat na pahinga, tamang pagkain, at limitahan ang labis na oras sa online games. Huwag hayaang maapektuhan ang kalusugan ng sobrang puyat at stress.”
Tip para sa mga estudyante at magulang: Maglaan ng regular na oras sa tulog, huwag palampasin ang pagkain, at i-manage ang oras sa online games upang mapanatiling malusog ang katawan at isip.