
28/09/2025
Kaiba sa nakagawian nang taktika upang mamulitika, pinakinabangan nina Ferdinand Marcos Sr. at Imelda Romualdez Marcos, gayundin ang kanilang kahalili na sina Ferdinand Marcos Jr. at Liza Araneta Marcos, ang dulaan ng bulaang pag-ibig. Isang pag-iibigang ipinamana sa makabagong panlilinlang ng kasalukuyang rehimen; pag-iibigang pang-uusig ang siyang pakay sa masang nakaantabay.
Higit sa damdamin, hangarin ang puno’t dulo ng pagsasamang tinakdaan ng dalawang angkan. Minabuti ng kasakimang pinagitnaan ng mga henerasyon na ipagpatuloy ang pandodomina nang apelyido ang panangga. Hindi bali nang mapagod sa panliligaw, magastahan sa panunuyo, o mabawasan ng dangal sa pagpapakilala. Sa makinaryang pinaandar ng yaman, ugnayan, at kapangyarihan, patag na ang daraanan ng mga Romualdez, mga Araneta, at, higit sa lahat, mga Marcos tungo sa emperyong sila ang tinitingala.
Basahin ang buong istorya sa comment section.