11/03/2026
May bagong panukala sa Senado na gustong putulin ang posibleng conflict of interest sa gobyerno. Tinalakay sa Senate Subcommittee ang Senate Bill No. 783 na inihain ni Senator Chiz Escudero.
Sa ilalim ng panukala, hindi puwedeng makipagkontrata sa gobyerno ang mga kamag-anak ng opisyal hanggang ikaapat na antas ng pagkakamag-anak. Layunin nitong siguraduhin na malinis at patas ang proseso ng government procurement.
Suportado rin ito ng ilang ahensya ng pamahalaan at kabilang sa mga priority measures ng LEDAC. Para sa mga sumusuporta sa panukala, mahalaga ito para mapalakas ang integridad ng pamahalaan at maibalik ang tiwala ng publiko.