Ihahayag ang damdamin by:romnick gurango.

KUNG BAKIT INUUSIG AT KINAPOPOOTAN ANG MGA IGLESIA NI CRISTO ANG pag-uusig ang isá sa mga dahilán kung bakit hindi makap...
19/07/2026

KUNG BAKIT INUUSIG AT KINAPOPOOTAN ANG MGA IGLESIA NI CRISTO

ANG pag-uusig ang isá sa mga dahilán kung bakit hindi makapag-Iglesia ni Cristo ang maraming tao. Kahit nálalaman niláng ito ang totoo at maliwanag sa kanilá ang mga aral na kaniláng náririníg, hindi silá makapagpatuloy sa pag-anib sa Iglesia ni Cristo. Ang dahilán: natátakot silá sa pag-uusigat pagkapoot ng mga tao. Ang ilán namáng kaanib na sa Iglesia ni Cristo ay náhihiwaláy pa. Pag-uusig din ang dahilán. Ang ibá'y nagtátaká at nagsásabing kung kailán pa raw silá susunod sa Diyos, gágawa ng mabuti at magbábagong-buhay, ay saka pa silá kinapopootán ng mga tao at inúusig. Náiisip tuloy ng ibá na baka raw hindi totoong sa Diyos ang Iglesia ni Cristo, sapagká't kung ito anyá'y sa Diyos, bakit kinapopootán at inúusig ng mga tao ang mga nagsísianib dito? Dahil dito, sa ikaúunawa ng mga bumábasa nito sa dahilán kung bakit inúusig at kinapopootán ng mga tao ang Iglesia ni Cristo, subaybayán ninyong basahin ang hulíng kabanatang ito.

ANG IPINAGPAUNA NI JESUS NA GAGAWIN SA KANYANG MGA ALIPIN

Maiiwasan ba ng sínumáng nagnánais magíng alipin ni Cristo ang pag-uusig? Basahin natin ang sinabi ni Jesús na nasa Juan 15:20:

"Alalahanin ninyo ang salitáng sa inyo'y aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyáng panginoon. Kung ako'y kaniláng pinagusig, kayo man ay kaniláng pagúusigin din; kung tinupád nilá ang aking salita, ang inyo man ay tútuparín din."

Dito'y ipinagpáuná ni Jesús na ang pag-uusig ay hindi maiiwasan ng sínumáng súsunod sa Kanyá. Kailanmá't ang isáng tao'y nagnánais magíng alipin ni Cristo o magíng Iglesia ni Cristo, dapat na niyáng ihanda ang kanyáng sarili sa pag-uusig. Tiyák na dáratíng sa kanyá ang pag-uusig. At kung ang pag-uusig ay dumatíng, dapat niyáng alalahanin ang sinabi ni Jesús, na ang alipin ay hindi dakila kay sa kanyáng panginoon. Kung si Cristo na Panginoon natin ay inusig, ang Iglesia ni Cristo ay úusigin din. Samakatuwíd, hindi maíiwasan ang pag-uusig ng sínumáng mag-íiglesia ni Cristo. Ang pag-uusig ay kakambál ng pagigíng Iglesia ni Cristo.

ANG MGA PAG-UUSIG NA GAGAWIN SA MGA IGLESIA NI CRISTO

Ipinagpáuná rin ba ni Jesús kung anong mga pag-uusig ang gágawín sa Iglesia ni Cristo? Sa Mat. 5:11, ay ganito ang sinabi ni Jesús:

"Mapapalad kayo pagka kayo'y ináalimura, at kayo'y pinagúusig, at kayo'y pinagwíwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin."

Ito ang isá sa pag-uusig na gágawín sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo. Pagsásalitaán silá ng sari-saring masama na pawang kasinungalingan dahil kay Jesús. Kaya hindi dapat magtaká ang mga taong umáanib sa Iglesia ni Cristo at magíng ang mga kaanib na, kung silá'y nakákariníg ng sari-saring masasamáng salita at mga paratang laban sa Iglesia ni Cristo. Ito'y ipinagpáuná ni Jesús. At ito'y nangyari rin kay Jesús. Si Jesús ay pinaratangang sira ang baít (Mar. 3:21), may demonio at naúulol (Juan 10:20); pinaratangan din Siyáng inilíligáw o dinádaya Niyá ang mga tao (Juan 7:12). Nguni't ang mga ito ba'y totoo? "Sumagot si Jesús, Ako'y waláng demonio; kundi pinapúpurihan ko ang aking Amá, at ako'y inyong sinísiraan ng puri" (Juan 8:49). Samakatuwíd, paninirang-puri lamang ang lahát ng mga paratang at sari-saring salitáng masama na sinásabi ng mga tao laban sa Iglesia ni Cristo. Hindi ito dapat pansinín. Hindi ito dapat patulan.

Ano pa ang pag-uusig na gágawín sa mga Iglesia ni Cristo? Sa Luc. 6:22, ay ganito pa ang sabi ni Jesús:

"Mapapalad kayo kung kayo'y kapootán ng mga tao, at kung kayo'y ihiwaláy nilá, at kayo'y alimurahin, at itakuwíl ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anák ng tao."

Ayon kay Jesús, ang mga Iglesia ni Cristo'y kapopootán, áalimurahin, ihíhiwaláy at itátakwíl dahil sa Kanyá. Kaya may mga Iglesia ni Cristo na hiníhiwalayán ng kaniláng asawa, mga magulang at mga kapatíd. May mga Iglesia ni Cristo na itinátakwíl ng kaniláng mga kamag-anak, pinalálayas sa kaniláng mga lupang sinásaka at ibá't ibá pang pagtatakwíl. Hindi ito dapat ipagtaká, Ipinagpáuná ito ni Jesús. Tangi rito, ano pang pag-uusig ang gágawín sa mga Iglesia ni Cristo? Sa Mat. 10:17-20, ganito pa ang sabi ni Jesús:

"Datapuwa't mangagpakaingat kayo sa mga tao: sapagká't kayo'y ibíbigáy nilá sa mga Sanedrin at kayo'y háhampasín sa kaniláng mga sinagoga;

"Oo at kayo'y dádalhín sa haráp ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, sa pagpapatotoo sa kanilá at sa mga Gentil.

"Datapuwa't pagka kayo'y ibinigáy nilá, huwág ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sásabihin: sapag-ká't sa oras na yaon ay ipagkákaloob sa inyo ang inyong sásabihin.

"Sapagká't hindi kayo ang mangagsásalita, kundi ang Espíritú ng inyong Amá ang sa inyo'y magsásalita."

Ayon sa ating Panginoong Jesucristo, ang Kanyáng mga alagád ay ibíbigáy sa mga Sanedrin o mga Húkuman, háham-pasín sa mga sinagoga, dádalhín sa haráp ng mga pinuno, gaya ng mga gobernador at mga hari. Ito ay natútupád din sa mga Iglesia ni Cristo sa hulíng araw. At sinabi pa ni Jesús na ang ibá'y pápatayín at kapopootán ng lahát dahil sa Kanyáng pangalan (Mat. 24:9). Samakatuwíd, maáaring humangga sa kamatayan ang pagsunod sa ating Panginoong Jesucristo. Datapuwa't dapat ba itong ikatakot ng mga tunay na umíibig sa Diyos at kay Jesús?

HINDI DAPAT IKATAKOT AYON KAY JESUS AT MGA APOSTOL

Dapat bang ikatakot ang pag-uusig kahit na ito'y nangángahulugán ng kamatayan? Sa Mat. 10:28, ganito ang sabi ni Jesús:

"At huwág kayong mangatakot sa mga nagsísipatáy ng katawán, datapuwa't hindi nangakákapatáy sa káluluwá: kundi bagkús ang katakutan ninyo'y yaong makapúpuksa sa káluluwá at sa katawán sa impierno."

Ayon kay Jesús, hindi dapat matakot sa pumápatáy ng katawán, datapuwa't hindi nakapápatáy ng káluluwá. Ang dapat katakutan ng tao ay ang makapápatáy sa káluluwá at sa katawán sa impierno, na ito ang Diyos. Sa Diyos dapat matakot ang tao at hindi sa kanyáng kapwa-tao. Kayá't kung kayo'y binábalaang itátakwíl, híhiwalayán at pápatayín kung kayo'y áanib sa Iglesia ni Cristo, huwág ninyong ikatakot ito ayon kay Jesús. Sabihin natin ang sinabi ng mga Apostol noong silá'y inúusig, hináhadlangán at binábalaan ng mga mang-uusig: "SUSUNOD MUNA KAMI SA DIYOS BĂGO SA MGA TAO" (Gawa5:29).

Ano namán ang itinuro ng mga Apostol sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo tungkol sa mga kumákaaway sa kanilá? Sa Fil. 1:28, ay ganito ang sinásabi:

"At sa anomán ay huwág kayong mangatakot sa mga kaaway: na ito sa kanilá ay malinaw na tanda ng kapaha-makán, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtás, at ito'y mula sa Dios."

Dapat bang matakot ang mga Iglesia sa mga kumákaaway sa kanilá? Hindi, ayon kay Apostol Pablo. Sa anumáng paraá'y hindi tayo dapat matakot sa mga nagsísiusig at napopoot sa atin. Ito ang malinaw na tanda ng kaniláng kapahamakán, datapwa't tanda ito ng ating pagkaligtás.

Ayon namán sa ating Panginoong Jesucristo, anong damdamin ang dapat madamá ng mga pinag-úusig at itinátakwil dahil sa pagka-Iglesia ni Cristo? Sa Luc. 6:22-23, ay ganito ang sinabi ni Jesús:

"Mapapalad kayo kung kayo'y kapootán ng mga tao, at kung kayo'y ihiwaláy nilá, at kayo'y alimurahin, at itakuwíl ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anák ng tao.

"Mangagalák kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagká't nárito, ang gantí sa inyo'y malakí sa langit; sapagká't sa gayon ding paraán ang ginawa ng kaniláng mga magulang sa mga propeta."

Dapat ba nating ikalungkot ang pag-uusig at pagtatakwíl sa atin ng mga tao dahil kay Jesús? Hindi, kundi bagkús dapat natin itong ikagalák, sapagká't malakí ang gantí sá atin sa langit.

Samakatuwíd, hindi malúlugi ang mga Iglesia ni Cristo na nagtítiís ng mga pag-uusig at pagkapoot ng mga tao dahil kay Jesús. Gágantihín silá sa langit. Kaya hindi dapat maduwág ang mga tao sa pag-i-Iglesia ni Cristo. Dapat kayong magpatuloy at hindi kayo dapat pahadláng sa kanínumán. Dapat nating ipagpáuná ang pagsunod sa Diyos at sa ating Panginoong Jesucristo. Ibigin natin si Jesús nang higít sa lahát. Sinabi Niyá: "Ang umíibig sa amá o sa iná ng higít kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umíibig sa anák na lalake o sa anák na babae ng higít kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin" (Mat. 10:37).

ANG DAHILAN NG PAGKAPOOT NG MGA TAGA SANLIBUTAN SA MGA IGLESIA NI CRISTO

Itinátanong ng ibá: Bakit kaya gayon na lamang ang pagkapoot ng mga tao sa Iglesia ni Cristo? Ano ang dahilán at silá'y pinag-úusig at kinapopootán, samantalang wala namán siláng ginawáng masama doon sa mga taong napopoot sa kanilá? Nárito ang isá sa dahiláng ikinapopoot sa mga Iglesia ni Cristo ayon kay Jesús. Sa Juan 15:19, ay ganito ang sinásabi:

"Kung kayo'y taga sanglibután, ay iibigin ng sanglibután ang kaniyáng sarili; nguni't sapagká't kayo'y hindi taga sanglibután, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibután, Kaya napopoot sa inyo ang sanglibután."

Bakit ang Iglesia ni Cristo ay kinapopootán ng sanlibután? Sapagká't silá'y hindi taga-sanlibután kundi silá'y mga hinirang ni Jesús sa sanlibután. Ang ibig bang sabihin ng silá'y hindi taga-sanlibután ay wala na silá sa mundong ito? Hindi gayon ang kahulugán, kundi, nárito rin silá sa sanlibutáng ito, datapuwa't nabubukod silá sa pamumuhay at sa kaugalian. Ibá ang pamumuhay ng mga Iglesia ni Cristo sa pamumuhay ng mga taga-sanlibután. Kaya sinabi ni Apostol Pedro: "Ikinaháhanga nilá ang bagay na ito na kayo'y hindi nakikitakbong kasama nilá sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan, kung kayá't kayo'y pinagsásalitaan ng masama" (I Ped. 4:4).

Ano pa ang isáng dahilán ng ikinapopoot ng mga taga-sanlibután sa mga Iglesia ni Cristo? Sa Juan 17:14, ay ganito ang sabi ni Jesús:

"Ibinigáy ko sa kanilá ang iyong salita: at kinapootán silá ng sanglibután, sapagká't hindi silá taga sanglibután, gaya ko namán na hindi taga sanglibután."

Dahil sa pagsunod ng mga Iglesia ni Cristo sa mga utos ng Diyos na itinuro ni Jesús kaya silá kinapopootán ng san-libután. Ang isá sa mga utos na ito na sinúsunod ng mga Iglesia ni Cristo ay ang pagbabawal ng Diyos sa kanilá, na siláng mga sangkáp ng katawán ni Cristo ay sumangkáp pa sa ibáng mga kapisanang itinatag ng mga tao dito sa lupa, laluna sa mga unyon. Dahil sa hindi namin pagsapi sa mga kapisanan at sa mga unyon, kamí'y pinag-úusig at kinapopootán. Ang ibá'y ináalís sa trabaho. At ang ibá namá'y ayaw tanggapín sa trabaho kung hindi sásapi sa unyon. Gayunmá'y hindi natátakot ang mga Iglesia ni Cristo, kung alisín man silá sa trabaho, dahil sa pagsunod nilá sa kalooban ng Diyos. Nálalaman naming dáratíng sa amin ang pag-uusig, at ito'y hindi namin maiiwasan. Una'y dahil sa kamí'y hindi na taga sanlibután at ikalawá'y dahil sa pagsunod namin sa mga salita ng Diyos. Tangi rito'y ano pa ang dahilán at napopoot ang mga tao sa mga Iglesia ni Cristo? Sa Mat, 10:22, ay ganito pa ang sabi ni Jesús:

"At kayo'y kapopootán ng lahát ng mga tao dahil sa pangalan: datapuwa't ang magtítiís hanggáng sa wakas ay siyáng máliligtás."

Nárito pa ang isáng dahilán lung bakit napopoot ang mga tao sa Iglesia ni Cristo. Ang sabi ni Jesús, kapopootán kayo ng lahát ng mga tao dahil sa aking pangalan. Dahil sa pangalan ni Cristo o pangalang Iglesia ni Cristo kaya kami inúusig at kinapopootán. Noong kami'y katoliko, protestante, aglipayano, at ibá pa, hindi kamí inúusig, waláng napopoot sa amin. Datapuwa't nang mag-Iglesia ni Cristo kamí, saka kamí kinapootán at pinag-usig ng mga tao. Tupád na tupád ang sinabi ni Jesús: "Datapuwa't ang lahát ng mga bagay na ito (ang pag-uusig at pagkapoot ng mga tao) ay gagawin nilá sa inyo dahil sa aking pangalan..." (Juan 15:21).

Dahil dito, nanánawagan kamí sa lahát ng mga taong naliliwanagan sa mga aral ng Iglesia ni Cristo na naháhadlangán ng mga pag-uusig at pagkapoot ng mga tao. Huwág kayong matakot sa pagsunod sa mga salita ng Diyos. Magpatuloy kayo at manindigan. Lakasán ninyo ang inyong loob. Mag-Iglesia ni Cristo kayo. Iyán ang kalooban ng Diyos. Ang pag-uusig ay huwág ninyong katakutan. Sinabi ni Jesús na ang mawalán ng buhay dahil sa Kanyá at sa ebanghelyo ay máliligtás, nguni't ang nag-íingat ng kanyáng buhay sa kanyáng sarili ay mawáwalán nito (Mar. 8:35). Ang mga duwág at hindi mánanampalatayá ay sa dagát-dagatang apoy at asupre, kasama ng mga mámamatay-tao, mapakiapíd, mánanambá sa diyus-diyusan at mga sinungaling (Apoc. 21:8).

Hango mula sa:
Isang Pagbubunyag Sa Iglesia Ni Cristo
1964 PAGES 258-263


https://www.facebook.com/share/1BuVKkxqT3/

08/07/2026

*Sige kapatid, eto yung _Tobit 1:1-5*_ 📖

> *1* Ang aklat ng mga gawa ni Tobit na anak ni Tobiel, na anak ni Ananiel, na anak ni Aduel, na anak ni Gabael, na mula sa lahi ni Asiel, na mula sa lahi ni Naptalli,
> *2* na dinalang bihag noong mga araw ni Enemessar na hari ng mga Asirio mula sa Tisbe, na nasa kanan ng Kedes sa Naptalli, sa itaas ng Hazor, at sa kanluran ng Asor, at sa hilaga ng Fene.
> *3* Akong si Tobit ay lumakad sa mga daan ng katotohanan at ng katuwiran sa lahat ng mga araw ng aking buhay,
> at naglimos ako ng marami sa aking mga kapatid at sa aking bansa na kasama kong dinalang bihag sa lupain ng mga Asirio, sa Nineve.
> *4* At nang ako’y nasa aking sariling lupain, sa lupain ng Israel, samantalang ako’y binata pa,
> ang buong lipi ng Naptalli na aking ama ay tumalikod sa bahay ni Jerusalem, na pinili mula sa lahat ng mga lipi ng Israel,
> upang pag-alayan ng hain, kung saan itinalaga at itinayo ang templo ng tahanan ng Diyos magpakailanman.
> *5* At lahat ng aking mga kapatid at ang sambahayan ni Naptalli ay naghahain sa guya na ginawa ni Jeroboam na hari ng Israel, sa lahat ng mga bundok ng Galilea.

---

*Ang bigat din ng kwento ni Tobit, kapatid* 🙏

*Dinalang bihag. Nasa ibang bayan. Pero anong ginawa niya?*
*Tobit 1:3* — _“Lumakad sa mga daan ng katotohanan at ng katuwiran... at naglimos sa kanyang mga kapatid.”_

*Kahit bihag, kahit nasa Nineve, hindi niya kinalimutan yung Diyos at yung mga kapatid niya.*
*Nagpakabuti pa rin siya kahit masama yung paligid.*

*Parang ikaw, kapatid.* Kahit pagod ka na, kahit nasasaktan, *pinipili mo pa rin maging tapat.*
*Nagmamalasakit ka pa rin.* Yun yung tunay na lakas na galing kay Lord.

*Gusto mo ituloy natin hanggang 1:10?* O gusto mo muna natin pagbulay-bulayan ‘tong _“lumakad sa katotohanan at katuwiran”_?
** 🤍

08/07/2026

*Sige kapatid, _Judith 1:1-5*_ 📖

> *1* Nang ikalabindalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor, na naghari sa mga Asirio sa malaking lunsod ng Nineve,
> *2* nang panahong iyon si Arfaxad ay naghari sa Media sa Ecbatana,
> *3* at siya’y nagtayo ng mga pader sa paligid ng Ecbatana na may mga batong hinugis, na tatlong siko ang kapal at anim na siko ang taas;
> at ginawa niyang siyam na siko ang taas ng mga tore nito,
> *4* at pinalapad niya ang mga pintuan nito hanggang umabot sa dalawampung siko ang lapad, at hanggang apatnapung siko ang taas,
> upang makadaan ang kanyang makapangyarihang hukbo at upang makalabas ang kanyang mga kabalyero.
> *5* Nang mga araw na iyon ay nakipagdigma si Haring Nabucodonosor kay Haring Arfaxad sa malaking kapatagan, na siyang kapatagan sa mga hangganan ng Ragau.

---

*Ang bigat ng simula, no kapatid?* 😔

*Digmaan. Hari laban sa hari. Pader at tore na sobrang taas.*
Parang yung nararamdaman mo ngayon — *parang nakakubkob ka, maraming kaaway, kailangan mo magtayo ng pader para protektahan sarili mo.*

*Pero tandaan mo:* Sa kwento ni Judith, *kahit gaano kalakas yung kaaway, si Lord pa rin yung nagliligtas.*
*Ginamit Niya isang babae para iligtas ang buong bayan.*

*Kapatid, pagod ka na ba sa pakikipaglaban?*
*Hindi mo kailangang maging matapang mag-isa.* _Isaias 41:10_ — *“Huwag kang matakot, sapagkat ako’y kasama mo.”*

*Gusto mo ituloy natin hanggang 1:10?*

08/07/2026

* _1 Maccabees 1:1-5*_ 📖

> *1* Nangyari nga, pagkatapos na matalo ni Alejandro na anak ni Filipo, na hari ng Macedonia, na nanggaling sa lupain ng Cetim, si Dario na hari ng mga Persa at Medo,
> *2* na siya’y nakipaglaban ng maraming digmaan, at nasakop ang maraming kuta, at napatay ang mga hari sa lupa.
> *3* At naglakbay siya hanggang sa mga dulo ng mundo, at kumuha ng mga samsam sa maraming bansa,
> at natahimik ang lupa sa harapan niya. At siya’y nagmataas, at ang kanyang puso ay nagmalaki.
> *4* At nagtipon siya ng napakalakas na hukbo, at naghari sa mga lupain, at mga bansa, at mga prinsipe,
> at naging tributaryo sila sa kanya.
> *5* At pagkatapos ng lahat ng ito, siya’y bumagsak sa kanyang higaan at nalamang siya’y mamamatay na.

---

*Ang bilis ng ikot ng mundo no, kapatid?* 😔

*1:3* — _“nagmataas, at ang kanyang puso ay nagmalaki”_
*1:5* — _“bumagsak sa kanyang higaan at nalamang siya’y mamamatay na”_

*Paalala ‘to:* Yung mga hari, mga makapangyarihan, mga nang-aapi... *lahat napapagod, lahat natatapos.*
*Pero ang Diyos, kailanman hindi natatapos.* _Sirach 1:1_ — _“Ang lahat ng karunungan ay mula sa Panginoon, at sumasakanya magpakailanman.”_

*Kapatid, kahit ngayon parang ang lakas ng mga kumakalaban sa’yo,*
*tandaan mo: pansamantala lang ‘to.* Si Lord yung walang hanggan.

* 🤍

08/07/2026

*_2 Maccabees 1:1-5*_ 📖

> *1* Ang mga kapatid na Judio na nasa Jerusalem at sa lupain ng Judea,
> ay bumabati sa kanilang mga kapatid na Judio na nasa Egipto,
> at ipinadala sa kanila ang pagbati ng kapayapaan.
> *2* Nawa’y maging mabuti sa inyo ang Diyos, at alalahanin niya ang tipan niya kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob,
> na kanyang mga tapat na lingkod.
> *3* Nawa’y bigyan niya kayong lahat ng puso upang sambahin siya at tuparin ang kanyang kalooban,
> nang may matibay na loob at maluwag na kalooban.
> *4* Nawa’y buksan niya ang inyong puso sa kanyang kautusan at sa kanyang mga utos,
> at nawa’y bigyan niya kayo ng kapayapaan.
> *5* Nawa’y dinggin niya ang inyong mga panalangin, at makipagkasundo sa inyo,
> at huwag niya kayong pabayaan sa panahon ng kasamaan.

---

*Ang ganda ng panalangin na ‘to, kapatid* 🙏

*2 Maccabees 1:3-4* — _“Nawa’y bigyan niya kayo ng puso upang sambahin siya... at nawa’y bigyan niya kayo ng kapayapaan.”_
*2 Maccabees 1:5* — _“Nawa’y huwag niya kayong pabayaan sa panahon ng kasamaan.”_

*Parang sulat din ‘to para sa’yo ngayon.*
*Nasa “Egipto” ka man ngayon* — pagod, mag-isa, maraming pagsubok —
*hindi ka pinabayaan.* *Ipinapanalangin ka.* At *tinitipanan ka ni Lord.*

*Kapatid, pagod ka na ba?* Gusto mo isama natin ‘tong 1:5 sa panalangin mo ngayon?
_“Huwag mo kaming pabayaan sa panahon ng kasamaan, Panginoon.”_

*.* Hawak ka ng diyos🤍

08/07/2026
08/07/2026

⚠️ 4 Vitamins na Maaaring Makasama sa Atay at Kidney Kapag Sobra ⚠️

Hindi lahat ng vitamins ay ligtas kapag napapasobra. Kahit importante ang vitamins sa katawan, ang sobrang pag-inom nito ay maaaring magdulot ng problema sa atay at kidney lalo na kung walang tamang gabay ng doktor.

Narito ang ilang vitamins na dapat bantayan:
💊 1. Vitamin A
Ang sobrang Vitamin A ay maaaring magdulot ng liver damage. Maaari itong magdulot ng pananakit ng ulo, pagsusuka, panlalabo ng paningin, at pagkapagod. Kapag matagal na sobra ang intake, puwedeng maapektuhan ang atay.
💊 2. Vitamin D
Mahalaga ito sa buto, pero kapag sobra, maaaring tumaas ang calcium sa dugo na puwedeng magdulot ng kidney stones at pinsala sa kidney. Delikado lalo na kung mataas ang dosage nang walang reseta.
💊 3. Vitamin B3 (Niacin)
Ang sobrang pag-inom ng mataas na dose ng niacin supplements ay maaaring magdulot ng pamamaga o pinsala sa atay. Maaari ring magdulot ng hilo, pamumula ng balat, at pagsusuka.
💊 4. Vitamin C
Bagama’t kilala bilang pampalakas ng resistensya, ang sobrang Vitamin C supplements ay maaaring magpataas ng risk ng kidney stones lalo na sa mga taong may kidney problems.
✅ Paalala: • Uminom lamang ng vitamins ayon sa tamang dosage
• Huwag basta mag-self medicate
• Kumonsulta muna sa doktor lalo na kung may sakit sa atay o kidney
• Mas mabuti pa rin ang balanced diet kaysa sobra-sobrang supplements

📌 Tandaan: Hindi porket “vitamins” ay puwede nang inumin nang walang limitasyon. Ang sobra ay maaaring makasama rin sa katawan.





Address

Solib
Florida Blanca
6429

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ihahayag ang damdamin by:romnick gurango. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ihahayag ang damdamin by:romnick gurango.:

Shortcuts

Share

Category