25/09/2025
๐๐๐ง๐๐ | ๐ ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐ต๐ถ๐บ ๐ป๐ฎ ๐ฆ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฑ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป
Sa bawat ngiti na ating nasisilayan, may pusong tahimik na lumuluha. Sa mundong kung saan ang tagumpay ay sinusukat sa dami ng likes, ang mental health ay madalas na naiiwan sa likod ng ingay.
Ayon sa World Health Organization, mahigit 970 milyong tao sa buong mundo ang nakakaranas ng mental health disorder, at tinatayang 3.6 milyong Pilipino ang apektado ng depression at anxiety. Marami ang pinipiling manahimik kaysa humingi ng tulong, at dito nagsisimula ang panghihina ng loob.
Ang mga sanhi ng mental health issues ay hindi palaging nakikita. Maaaring ito ay bunga ng trauma ng nakaraan o kayaโy labis na pressure sa pag-aaral o trabaho. Sa mundong kung saan ang lahat ay tila kailangang perpekto, marami ang natatakot magpakita ng kahinaan.
Hindi kailanman kahinaan ang pag-amin na may pinagdadaanan, ito ang unang hakbang patungo sa paggaling. Maraming organisasyon at linya ng tulong sa Pilipinas, gaya ng National Center for Mental Health Crisis Hotline (1553), ang handang makinig at tumulong sa mga nangangailangan.
Habang patuloy ang pag-unlad ng agham at teknolohiya, kailangang isabay din natin ang pag-aalaga sa ating mental na kalusugan. Ang tunay na progreso ay hindi nasusukat sa bulis ng internet, kundi sa pag-aalaga sa ating mental health.
Higit pa sa mga gamot at paggamot, mahalagang alalahanin ang kapangyarihan ng malasakit. Ang simpleng pagtanong ng โAyos ka lang ba?โ o ang pagbibigay ng oras upang makinig ay maaaring maging daan upang maramdaman ng isang tao na s hindi siya nag-iisa.
Mahalaga ring tandaan na ang mental health ay hindi dapat ikumpara sa pisikal na sakit. Ang paglalaan ng oras para sa sarili at pagawa ng mga bagay na nagpapatayan ay mga hakbang patungo sa mas payapang isipan.
Ang bawat isa sa atin ay may laban na hindi nakikita, at sa bawat pagbangon sa gitna ng pagod at bawat ngiti sa kabila ng mga luha, naroon ang patunay na may pag-asa pa. Sapagkat ang tunay na lakas ay hindi ang pagiging perpekto, kundi ang patuloy na pagpiling magpatuloy kahit mabigat na.
Salita ni Lumina Quill
Pag-aanyo ni La Lente