17/06/2025
REALISASYON
Habang lumilipas ang mga taon, habang palapit ng palapit ako sa aking pagtanda, dumadami din ang realisasyon.
Una na dito ay ang katotohanan na matagal na pala tayong pinagloloko ng mundo sa paniniwala na kapag daw hindi ka umasenso sa buhay, kapag hindi ka yumaman...you are a failure in life. That is absulutely a devil's lie. Why? Kasi kapag buumbuhay mo ay wala kang ibang pinagkaabalahan kundi ang yumaman, sa madaling sabi, panalo si satanas! Bakit? Dahil naibaling nya ang atensyon mo at buong oras mo sa ibang bagay...Papalayo sa Diyos.
Pangalawa ay ang katotohanan na masyado pala tayong na-brainwashed ng mundo na ang paniniwala lang daw sa Diyos ay sapat na, ang sumunod lang daw sa mga patakaran at alituntunin ng ating relihiyon ay kaligtasan na. Kaso sabi sa Proverbs - “Maaaring sa tingin mo ang daang tinatahak mo ay matuwid, ngunit kamatayan pala ang dulo nito."
Kaya kung masyado kang relax sa paniniwala mo sa Diyos, alalahanin mo, maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan at marami ang pumapasok doon, ngunit makipot ang pintuan at mahirap ang daan tungo sa buhay na walang hanggan.
Ang pangatlo ay ang katotohanan na dati din pala akong brainwashed noon dahil paniwalang-paniwala ako na silang mga naniniwala sa Diyos ang mga sarado ang isip, pero ang totoo, ako pala ang nakakulong noon sa kasinungalingan ng demonyo dahil paniwalang-paniwala ako na walang Diyos...na walang lumikha ng lahat ng ito, na walang Creator, na ang kalawakan ay nabuo lamang mula sa bilyon-bilyong tyansa at swerte, walang nag-design, walang dahilan, walang pinagmulan. Walang purpose. Walang plano. Na bilib na bilib ako noon bilang katalinuhan, pero isa palang kamangmangan!
Dahil ang totoo, nakasulat pala sa kwento ng ating kasaysayan si Jesukristo. At dahil totoo si Jesukristo, samakatuwid, totoo rin ang mga pangako n'ya.
At dahil totoo si Jesus, totoo rin na may Diyos. At dahil totoo na may Diyos, totoo at posible din ang himala. Kung ganon, totoo din ang muling pagkabuhay. Totoo ang langit at totoo din ang impyerno.
Therefore, narito tayo sa mundo hindi para magpaanod-anod lang sa pattern ng buhay o sa anumang tyansa at swerte natin dito. Ang purpose ng buhay ay ang luwalhatiin ang Diyos at ang magpakasaya sa Kanya dito sa lupa tungo sa kabilang buhay.
At ang kawalan ng paniniwala ng sinuman ay hindi na magpapabago sa katotohanang ito gaano man nila baliin o baliktarin ang mga nakasulat na.
Maaari nilang subukan, pero sa huli, oras lang nila ang kanilang sinasayang.
“Dumating na ang takdang panahon! Malapit na ang paghahari ng Dios. Pagsisihan na ninyo ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Magandang Balita!” -Marcos 1:15
+++