13/01/2026
Nanguna ang Camarines Sur sa tourist arrivals sa Bicol Region sa taong 2025, ayon sa Department of Tourism (DOT) Region V.
Naitala sa probinsya ang may pinakamaraming bilang ng mga turistang dumating sa bilang na 721,631 kung saan 708,367 ang mula sa lokal habang 13,264 naman ang mula sa foreign tourist.
Pumangalawa ang Albay sa tourist arrivals sa Bicol Region noong 2025 na may naitalang 601,407 na turista. Sumunod ang Camarines Norte na may 468,574 tourist arrivals.
Nasa ikaapat ang Sorsogon na nakapagtala ng 255,129 turista, kasunod ang Masbate na may 209,912 tourist arrivals, habang ang Catanduanes ay may 152,222 na turista. | DZRH News