
22/08/2025
Magalong Ibinulgar ang maruming Modus Operandi at maanomalyang sistema na Matagal nang Umiiral sa Loob ng Kongreso
Isiniwalat ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang bilyon-bilyong pondo ng imprastruktura ng bansa ang napupunta lamang sa bulsa ng mga makapangyarihang politiko.
Aniya 30% hanggang 55% ng infrastructure budget ang nawawala sa pamamagitan ng kickback system bago pa man masimulan ang mismong proyekto.
Samantala, 10% naman ang nakukuha ng mga contractor, 5% sa DPWH, 5% sa district congressman, at 5% pa sa iba pang kasabwat. Dahil dito, 45% na lamang ng pondo ang nagagamit sa aktwal na proyekto.
Sa sistemang ito, 30% ng pondo ang napupunta umano kina House Speaker Martin Romualdez at sa tinaguriang “Big 6” ng 19th Congress.
Binigyang-diin ni Magalong na dahil sa modus na ito, ang mga proyektong dapat sana’y para sa mamamayan—gaya ng flood control at iba pang imprastruktura—ay nagiging mabagal, kulang sa kalidad, o hindi natatapos.
May ilan nang panukalang imbitahan si Magalong bilang resource person sa gagawing imbestigasyon sa Kongreso. Nanawagan din siya upang tuluyang mailantad ang katotohanan at mapanagot ang mga sangkot sa maanomalyang sistema.