08/08/2025
𝐌𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐃𝐀𝐀𝐍, 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀!
Sa gitna po ng tirik ng napakagandang araw ay isinagawa natin ngayong araw ang 𝐒𝐢𝐭𝐞 𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 ng mga 𝐅𝐚𝐫𝐦-𝐭𝐨-𝐌𝐚𝐫𝐤𝐞𝐭 𝐑𝐨𝐚𝐝 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭𝐬, kasama ang 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐅𝐢𝐞𝐥𝐝 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐈𝐈 at ang 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞.
🎯 Layunin po ng aktibidad na ito ang masusing pag-aaral sa mga lugar na isinusulong na mapondohan para sa road improvement, bilang bahagi ng atin pong 𝐅𝐮𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐥𝐨𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐞𝐪𝐮𝐞𝐬𝐭.
Pinuntahan po natin ang mga sumusunod na lugar upang personal na makita ang kalagayan ng mga daan:
-𝐌𝐢𝐬𝐞𝐫𝐞𝐨𝐫 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐠𝐞, 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠
-𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐜𝐬𝐚𝐜
-𝐒𝐢𝐭𝐢𝐨 𝐁𝐚𝐥𝐮𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧, 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐏𝐢ñ𝐚𝐡𝐚𝐧
-𝐏𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐥𝐚𝐜𝐚𝐧, 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐫𝐞 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞
-𝐒𝐢𝐭𝐢𝐨 𝐏𝐮𝐥𝐚, 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐫𝐨𝐠
-𝐏𝐮𝐫𝐨𝐤 7, 𝐒𝐢𝐭𝐢𝐨 𝐀𝐜𝐚𝐜𝐢𝐚, 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐍𝐚 𝐊𝐚𝐡𝐨𝐲
Sa proyektong ito, layuning:
✔️ Mapadali ang biyahe ng mga magsasaka
✔️ Mabawasan ang gastos sa paghahatid ng ani
✔️ Suportahan ang patuloy na pag-unlad ng ating mga komunidad
💚 Isang hakbang tungo sa mas maayos, ligtas, at maaliwalas na daan para sa bawat Nativideñong nasa bukid ang buhay at kabuhayan.