17/08/2025
Mula noon hanggang ngayon, UMALI pa rin!
Para kay Governor Aurelio โOyieโ Umali, ipinakita mo na ang tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa mga proyekto at patakaran, kundi sa kung paano mo naaabot at nahahaplos ang buhay ng iyong mga kababayan. Sa bawat sako ng bigas na iyong ipinagkaloob, hindi lamang pagkain ang dumating sa bawat tahanan, kundi pag-asa at katiyakan na may kasama ang bawat Novo Ecijano sa oras ng pangangailangan.
Ang inyong mga programaโkatulad ng Malasakit Para sa Novo Ecijano, mga proyektong pang-imprastraktura para sa ikauunlad ng mamamayan, farm-to-market roads, pagsasaayos ng kalsada, scholarship, burial assistance, at marami pang ibaโay higit na nakatulong upang umunlad ang buhay ng lahat.
Ang Bayan ng General Mamerto Natividad, kasama ng buong Nueva Ecija, ay buong pusong nakikiisa sa iyo. Sa ilalim ng iyong pamumuno, nasilayan namin ang tunay na kahulugan ng paglilingkod-bayanโisang serbisyong may puso, may direksyon, at may malasakit para sa lahat.
At sa kabila ng lahat ng pagsubok, nanatili kang matatag at patuloy na naglilingkod. Pinaalala mo sa amin na ang tunay na liderato ay hindi kailanman iniiwan ang kanyang bayan, kundi laging nagdadala ng pag-asa sa kanyang nasasakupan.
Governor Oyie, ikaw ay huwaran at mananatiling inspirasyon ng bawat isa. Sa bawat tulong na iyong naipamahagi, nakita namin ang pusong handang magbigayโhindi lamang ng pagkain, kundi ng tiwala at pag-asa para sa mas maliwanag na bukas. Kami ay kasama mo sa iyong laban; maninindigan at mananalangin kami para sa iyong kalakasan at katatagan.
Sa huli, ang katotohanan at hustisya pa rin ang mananaig.
Maraming salamat po! Mabuhay si Governor Aurelio Umali at Mabuhay ang Nueva Ecija!