30/10/2025
                                            ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Arestado ang dalawang suspect sa pagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Bacoor Component City Police Station noong Oktubre 30, 2025 sa Brgy. Queens Row East, Bacoor City.
Kinilala ang mga suspek sa kanilang mga alyas na โ๐๐โ at โ๐๐๐,โ kapwa residente ng nasabing barangay.
Batay sa ulat ng pulisya, nasamsam mula sa mga suspek ang limang (5) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting kristal na substansiya na hinihinalang shabu, tinatayang may kabuuang timbang na dalawang (2) gramo at may standard drug price na 13,600.00 pesos.
Narekober din sa mga suspek ang isang limang-daang piso na ginamit bilang buy-bust money at isang kulay itim na pitaka.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Provincial Forensic Unit sa Imus City para sa kaukulang pagsusuri.
Samantala, inihahanda na ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek sa Office of the City Prosecutor dahil sa paglabag sa ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐๐ฐ๐ ๐ต๐ญ๐ฒ๐ฑ ๐ผ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ๐ผ๐๐ ๐๐ฟ๐๐ด๐ ๐๐ฐ๐ ๐ผ๐ณ ๐ฎ๐ฌ๐ฌ๐ฎ.
Balitang hatid ni Edwin "KUYA EDD" Irinco, ng UGNAYAN BAYAN INTERNET TELEVISION BROADCATING ang  Himpilang Makatotohanan, MAKA-DIYOS, MAKA-BAYAN, Balitang online.