HFPGMA-Ministry on Biblical Apostolate

HFPGMA-Ministry on Biblical Apostolate Biblical Apostolate

UNANG PAGBASAHebreo 5, 7-9Pagbasa mula sa sulat sa mga HebreoNoong si Hesus ay namumuhay rito sa lupa, siya’y dumalangin...
14/09/2025

UNANG PAGBASA
Hebreo 5, 7-9

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Noong si Hesus ay namumuhay rito sa lupa, siya’y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba. Bagamat siya’y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. At nang maganap na niya ito, siya’y naging walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng sumusunod sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 15-16. 20

P**ng D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

Sa iyo, O P**n, ako’y lumalapit
upang ingatan mo, nang hindi malupig;
ang aking dalanging laging sinasambit:
“Iligtas mo ako, O Diyos na matuwid.”
ako ay pakinggan, ako ay sagipin!

P**ng D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

Tanging kublihan ko, ako ay ingatan;
tagapagtanggol ko’t aking kaligtasan.
Tagapagtanggol ko at aking kanlungan,
ayon sa sabi mo, ako’y patnubayan.

P**ng D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

O aking patnubay, ako ay iligtas,
sa patibong nila at umang na bitag;
sa mga kamay mo habilin ko’y buhay ko
tagapagligtas kong tapat at totoo.

P**ng D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

Subalit, O P**n, ang aking tiwala
ay nasasaiyo, Diyos na dakila!
Sa iyong kalinga, umaasa ako,
laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo;
at sa umuusig sa sinumang tao.

P**ng D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

Ang pagpapala mo’y iyong ilalaan
sa mga anak mong may takot na taglay;
kagila-gilalas malasin ninuman
ang pagkalinga mo sa mga hinirang
na nangagtiwala sa ‘yong pagmamahal.

P**ng D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA

Ang Inang nangungulila
sa Anak n’yang nagdurusa
ay nasa tabi ng krus.

Ang puso n’ya’y nasugatan
sa talim pinaglagusan
sa pagpanaw ni Hesus.

Sa lungkot, tigib ng luha
ang babaing pinagpala
na Ina ng D’yos Anak.

Puspos ng kapighatian
ang Inang maaasahan
ng kanyang nililingap.
Sino’ng hindi maaawa
sa Inang luha nang luha
sa Anak n’yang namatay?

Sino’ng hindi magsisisi
sa pagtunghay na mabuti
sa Inang nalulumbay?

Dahil sa pagkakasala
ng lahat kaya nagdusa
ang ating Manunubos.

Agaw-buhay na namalas
ng Ina ang nililingap
ng mahal n’yang si Hesus.

Ina naming iniibig,
karamay kami sa hapis
sa pagpanaw ni Hesus.

Puso nami’y dumaramay
sa taglay mong kalungkutan
sa aming Manunubos.

*Mahal naming Inang Birhen,
kami ay iyong akaying
damayan ang ‘yong Anak.

Sa sugat ni Hesukristo
gawin mo kaming kasalo
nang may pagsintang wagas.

Habang kami’y nabubuhay
gawin mo kaming karamay
sa tiniis ni Kristo.

Kami ay iyong isama
sa hirap at pagdurusa
kasama sa Kalbaryo.

Mahal na Birheng huwaran,
sa galak at kalungkutan
susunod kami sa’yo.

Sa tiisin at tagumpay,
sa krus at kaligayahan
ng P**ng Hesukristo.

Sa sugat ng Manunubos,
sa pagkapako n’ya sa krus
karamay n’ya kami.

Ang hirap sa sanlibutan
sa langit may kasiyahan
kapag si Kristo’y katabi.

Sa krus ni Hesus kasalo
kaya sa langit panalo
ang karamay n’yang tapat.

Sa pagpanaw sa daigdig
ipisan kami sa langit
upang laging magalak.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Magalak ka, Ina ng Diyos,
sa tabi ng krus ni Hesus
ikaw ay martir na lubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 19, 25-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Lucas 2, 33-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria. “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

UNANG PAGBASAMga Bilang 21, 4b-9Pagbasa mula sa aklat ng mga BilangNoong mga araw na iyon, nainip ang mga tao sa pasikut...
13/09/2025

UNANG PAGBASA
Mga Bilang 21, 4b-9

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Noong mga araw na iyon, nainip ang mga tao sa pasikut-sikot na paglalakbay. Nagreklamo sila kay Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.” Dahil dito, sila’y pinadalhan ng Panginoon ng makamandag na ahas at sinumang matuka nito ay namamatay. Kaya lumapit sila kay Moises. Sinabi nila, “Nagkasala kami sa Panginoon at sa iyo. Idalangin mo sa kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Dumalangin nga si Moises at ganito ang sagot sa kanya ng Panginoon, “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang tikin at sinumang natuklaw ng ahas na tumingin doon ay hindi mamamatay.” Gayun nga ang ginawa ni Moises. Mula noon, lahat ng matuklaw ng ahas ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi namamatay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Kaya ngayon ay makinig sa turo ko, mga anak,
inyong dinggi’t ulinigin, salita kong binibigkas;
itong aking sasabihin ay bagay na talinhaga,
nangyari pa noong una, kaya ito’y mahiwaga.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Datapwat noong sila’y lilipulin na ng Diyos,
nagsisi ang karamiha’t sa kanya’y nagbalik-loob.
Noon nila nagunitang ang sanggalang nila’y ang Diyos.
Ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Kaya’t siya ay pinuri, ng papuring hindi tapat,
pagkat yao’y pakunwari’t balat-kayong matatawag.
Sa kanilang mga puso, naghahari’y kataksilan,
hindi sila nagtatapat sa ginawa niyang tipan.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Gayun pa man, palibhasa’y Diyos siyang mahabagin
ang masamang gawa nila’y pinatawad niyang tambing;
dahilan sa pag-ibig n’ya’y hindi sila wawasakin,
kung siya ma’y nagagalit, ito’y kanyang pinipigil.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

IKALAWANG PAGBASA
Filipos 2, 6-11

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Filipos

Si Kristo Hesus, bagamat siya’y Diyos ay hindi nagpilit na mantiling kapantay ng Diyos.

Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.

Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan. Oo, hanggang kamatayan sa krus.

Kaya naman, siya’y itinampok ng diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.

Anupa’t ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya.

At ipapahayag ng lahat na si Hesukristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Kami’y sumasamba sa’yo
at gumagalang sa krus mo
na kaligtasan ng mundo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 13-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo, “Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit — ang Anak ng Tao.”

At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.🙏

UNANG PAGBASAColosas 2, 6-15Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-ColosasMga kapatid, yamang tinanggap ...
09/09/2025

UNANG PAGBASA
Colosas 2, 6-15

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid, yamang tinanggap ninyong Panginoon si Kristo Hesus, mamuhay kayo sa paraang karapat-dapat sa kanya. Manatili kayo sa kanya at isalig sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at laging magpasalamat sa Diyos.

Mag-ingat kayo upang hindi mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at magdarayang aral at hindi nasasalig kay Kristo kundi sa sabi-sabi ng matatanda at sa mga tuntunin ng sanlibutan. Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Kristo nang siya’y maging tao at dahil sa inyong pakikipag-isa sa kanya, naging ganap ang inyong buhay. Sakop niya ang lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan.

Dahil sa pakikipag-isa kay Kristo, kayo’y tinuli hindi sa laman kundi sa pagwawaksi ng masamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Kristo. Nang kayo’y binyagan, nalibing kayong kasama ni Kristo at muling nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya. Kayong mga Hentil na dating patay dahil sa kasalanan ay muling binuhay ng Diyos na kasama ni Kristo. Pinatawad niya tayo sa ating mga kasalanan at pinawalang-bisa ang lahat ng kasulatan laban sa atin, pati mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 1-2. 8-9. 10-11

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag,
di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,
aking pupurihi’t pasasalamatan siya araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

Magpupuring lahat sa iyo, O P**n, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 12-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.

Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Happy Birthday po Mama Mary
08/09/2025

Happy Birthday po Mama Mary

MAGANDANG BALITA NGAYON - KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA MATEO 1, 1-16. 18-23  Ito ang lahi ni Hesukr...
07/09/2025

MAGANDANG BALITA NGAYON - KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

MATEO 1, 1-16. 18-23 Ito ang lahi ni Hesukristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.

Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni Haring David.

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya namang ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama naman ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ang kanyang mga kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.

Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Joconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eluid ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo.

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria ang kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria'y natagpuang nagdadalang-tao. Ito'y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanyang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya'y naglighi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito'y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

"Maglilihi ang isang dalaga't manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel." Ang kahuluga'y "Kasama natin ang Diyos."

MAGANDANG BALITA NGAYON - SABADO NG IKA-22 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON / Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sab...
06/09/2025

MAGANDANG BALITA NGAYON - SABADO NG IKA-22 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON / Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

LUKAS 6: 1-5 Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Hesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad, ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay. "Bakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?" tanong ng ilang Pariseo. Sinagot sila ni Hesus, "Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasama, bagamat ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon." At sinabi pa niya sa kanila, "Ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao."

UNANG PAGBASAColosas 1, 21-23Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-ColosasMga kapatid, dati, kayo’y mal...
05/09/2025

UNANG PAGBASA
Colosas 1, 21-23

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid, dati, kayo’y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong kasamaan. Ngunit dahil sa kamatayan ni Kristo, ginawa niya kayong mga kaibigan upang makaharap sa kanya nang walang kapintasan, banal, at walang batik. Subalit kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig. Niloob ng Diyos na akong si Pablo ay maging tagapangaral ng Mabuting Balitang ito na ipinahayag sa lahat ng tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 53, 3-4. 6 at 8

Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

Makapangyarihang Diyos, ako ay iligtas,
ipagsanggalang mo ng iyong lakas;
dinggin mo, O Diyos, itong iyong anak,
sa aking dalanging ngayo’y binibigkas.

Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

Batid kong ang Diyos ang aking katulong,
tagapagsanggalang ko ang Panginoon.
buong galak naman akong maghahandog
ng pasasalamat sa Panginoong Diyos,
dahilan sa kanyang mabuting kaloob.

Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 1-5

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Hesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay. “Bakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?” tanong ng ilang Pariseo. Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasama, bagamat ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon.” At sinabi pa niya sa kanila, “Ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

UNANG PAGBASAColosas 1, 15-20Pagbasa mula sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-ColosasSi Kristo ang larawan ng Diyos n...
04/09/2025

UNANG PAGBASA
Colosas 1, 15-20

Pagbasa mula sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Si Kristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita, at siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. Siya’y una sa lahat, at sa kanya nasasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay. Siya ang ulo ng Simbahan na kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na Anak — ang unang nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay. Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatili rin sa Anak, at inibig niyang ang sandaigdigan ay makipagkasundo sa kanya sa pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan ng pagkamatay nito sa krus, nagkasundo nga ang Diyos at ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
Panginoo’y papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa!

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Ang Panginoo’y ating Diyos! Ito’y dapat malaman,
tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Pumasok ka sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang,
umaawit nagpupuri sa loob ng dakong banal,
purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan!

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Mabuti ang Panginoon, pag-ibig niya’y walang hanggan,
siya’y Diyos na mabuti’t laging tapat kailanman.

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

ALELUYA
Juan 8, 12

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 5, 33-39

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng mga Pariseo at mga eskriba kay Hesus: “Ang mga alagad ni Juan ay malimit mag-ayuno at manalangin, gayun din ang alagad ng mga Pariseo. Ngunit ang mga alagad mo’y patuloy ng pagkain at pag-inom.” Sumagot si Hesus, “Pag-aayunuhin ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno.”

Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga: “Walang pumipiraso sa bagong damit upang itagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit at ang tagping bago ay hindi babagay sa damit na luma. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayun ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang balat, matatapon ang alak, at masisira ang sisidlan. Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak. At walang magkakagustong uminom ng bagong alak kapag nakainom na ng inimbak, sapagkat sasabihin niya, ‘Masarap ang inimbak.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

MAGANDANG BALITA NGAYON - HUWEBES NG IKA-22 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON LUKAS 5:1-11 Noong panahong iyon, nakatayo si H...
03/09/2025

MAGANDANG BALITA NGAYON - HUWEBES NG IKA-22 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

LUKAS 5:1-11 Noong panahong iyon, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao na ibig makarinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin. Lumulan siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simong may-ari nito, na ilayo nang kaunti sa tabi. Naupo rita sa bangka at nangaral sa mga tao.

Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi niya kay Simon, "Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli." Sumagot si Simon, "G**o, magdamag po kaming napagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat." Gayun nga ang ginawa nila at sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang lambat. Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya'y nagpatirapa sa paanan ni Hesus at nagsabi, "Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagka't ako'y makasalanan." At sinabi ni Hesus kay Simon, "Huwag kang matakot. Mula ngayo'y mamamalakaya ka ng mga tao." Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.

UNANG PAGBASAColosas 1, 1-8Ang simula ng sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-ColosasMula kay Pablo, apostol ni Kristo...
02/09/2025

UNANG PAGBASA
Colosas 1, 1-8

Ang simula ng sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mula kay Pablo, apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa kapatid nating si Timoteo —

Sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na kapatid kay Kristo:

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama.

Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginong Hesukristo, tuwing ipananalangin namin kayo. Sapagkat nabalitaan namin ang tungkol sa inyong pananampalataya kay Kristo Hesus at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng hinirang ng Diyos, dahil sa pag-asang kakamtan ninyo ang mga inihanda para sa inyo roon sa langit. Nalaman ninyo ang tungkol sa inaasahan ninyong ito nang ang salita ng katotohanan, ang Mabuting Balita, ay ipangaral sa inyo. Ito’y lumaganap sa buong sanlibutan at nagdadala ng pagpapala, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig ninyo at maunawaan ang katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. Natutuhan ninyo ito kay Epafras, tapat na lingkod ni Kristo, mahal na kamanggagawa namin at kinatawan sa inyo. Sa kanya namin nalaman ang tungkol sa pag-ibig na ipinagkaloob sa inyo ng Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 51, 10. 11

Ako ay nagtitiwala
sa pag-ibig ng Lumikha.

Kahoy na olibo
sa tabi ng templo, ang aking katulad,
nagtiwala ako
sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas.

Ako ay nagtitiwala
sa pag-ibig ng Lumikha.

Di ako titigil
ng pasasalamat sa iyong ginawa,
ang kabutihan mo’y
ipahahayag ko, kasama ng magdla.

Ako ay nagtitiwala
sa pag-ibig ng Lumikha.

ALELUYA
Lucas 4, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo ay sinugo
upang sa dukha’y magturo,
magpalaya sa bilanggo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 4, 38-44

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa sinagoga at nagtungo sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyanan ni Simon, kaya’t ipinamanhik nila kay Hesus na pagalingin siya. Tumayo si Hesus sa tabi ng higaan ng babae at iniutos na maalis ang lagnat, at nawala nga ito. Noon di’y tumindig ang maysakit at naglingkod sa kanila.

Paglubog ng araw, ang lahat ng maysakit — anuman ang karamdaman — ay dinala ng kanilang mga kaibigan kay Hesus. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Nagsilabas sa marami ang mga demonyo, sabagay sigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit sinaway sila ni Hesus at hindi pinahintulutang magsalita, sapagkat nakikilala nila na siya ang Mesias.

Nang mag-umaga na, umalis si Hesus at nagpunta sa isang ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao, at nang matagpuan ay pinakiusapang huwag munang umalis. Subalit sinabi niya, “Dapat ko ring ipangaral sa ibang bayan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos; sapagkat iyan ang layunin ng pagkasugo sa akin.” At nangaral siya sa mga sinagoga sa Judea.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

UNANG PAGBASA1 Tesalonica 5, 1-6. 9-11Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablosa mga taga-TesalonicaMga kapatid,...
01/09/2025

UNANG PAGBASA
1 Tesalonica 5, 1-6. 9-11

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, hindi na kailangang isulat ko pa sa inyo kung kailan magaganap ang mga bagay na ito, sapagkat alam na ninyong ang pagdating ng Araw ng Panginoon ay tulad sa pagdating ng magnanakaw. Kapag sinasabi ng mga tao, “Tiwasay at panatag ang lahat,” biglang darating ang kapahamakan. Hindi sila makaiiwas sapagkat ang pagdating nito’y tulad ng pagsumpong ng pagdaramdam ng babaing manganganak. Ngunit hindi kayo nabubuhay sa kadiliman, mga kapatid, kaya’t hindi kayo mabibigla sa Araw na yaon na darating na parang magnanakaw. Kayong lahat ay kabilang sa panig ng kaliwanagan — sa panig ng araw — hindi sa panig ng kadiliman o ng gabi. Kaya nga, kailangang tayo’y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip — di tulad ng iba. Tinawag tayo ng Diyos hindi upang parusahan, kundi upang iligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo. Namatay siya para sa atin upang tayo’y mabuhay na kasama niya, buhay man tayo o patay sa kanyang muling pagparito. Dahil dito, patuloy kayong magpa-alalahanan at magtulungan, tulad ng ginagawa ninyo ngayon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 26, 1. 4. 13-14

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

Tanglaw ko’y ang P**n, aking kaligtasan,
kaya walang takot ako kaninuman;
sa mga panganib kanyang iingatan,
kaya naman ako’y walang agam-agam.

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

Isang bagay lamang ang aking mithiin,
isang bagay itong sa P**n hiniling:
ang ako’y lumagi sa banal na templo
upang kagandahan niya’y mamasdan ko
at yaong patnubauy niya ay matamo.

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

Ako’y nananalig na bago mamatay
masasaksihan ko ang ‘yong kabutihan
na igagawad mo sa mga hinirang.
Sa Panginoong Diyos tayo’y magtiwala!
Ating patatagin ang paniniwala;
tayo ay umasa sa kanyang kalinga!

Makikita ang Maykapal
sa kanyang lupang hinirang.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng Diyos sa bayan n’ya
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 4, 31-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nagpunta si Hesus sa Capernaum, Galilea. Nagturo siya sa mga tao nang Araw ng Pamamahinga at nagtaka sila sa kanyang pagtuturo, sapagkat may kapangyarihan kung siya’y magsalita. Naroon sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng demonyo o isang masamang espiritu. Sumigaw siya nang malakas: “Ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka ikaw ang Banal ng Diyos.” Subalit pinagwikaan siya ni Hesus, “Tumahimik ka! Lumayas ka sa taong iyan!” At sa harapan ng lahat, ang tao’y inilugmok ng demonyo at iniwan nang hindi man lamang sinaktan. Nanggilalas silang lahat at nagsabi sa isa’t isa, “Anong uri ng pangungusap ito? Makapangyarihan at mabisa! Pinalalayas niya ang masasamang espiritu, at sumusunod naman sila!” At kumalat ang balita tungkol kay Hesus sa buong lupaing iyon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

UNANG PAGBASA1 Tesalonica 4, 13-18Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablosa mga taga-TesalonicaMga kapatid, ibi...
01/09/2025

UNANG PAGBASA
1 Tesalonica 4, 13-18

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, ibig naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na, nang hindi kayo magdalamhati, tulad ng mga taong walang pag-asa. Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman, naniniwala tayong bubuhayin din ng Diyos ang lahat ng namatay na nananalig kay Hesus — upang isama sa kanya.

Ito ang aral ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: pagparito ng Panginoon, tayong mga buhay ay hindi maauna sa mga namatay na. Sa araw na yaon, kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababa ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Kristo. Pagkatapos, tayong mga buhay pa ay titipunin niya sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin sa papawirin ang Panginoon. Sa gayo’y makakapiling niya tayo magpakailanman. Kaya nga, mag-aliwan kayo sa pamamagitan ng mga aral na ito.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1 at 3. 4-5. 11-12. 13

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!
Kahit saa’y ipahayag na ang P**n ay dakila,
sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Ang P**n ay tunay na dakila, marapat na papurihan
higit sa sinumang diyos, siya’y dapat katakutan.
Ang diyos ng sanlibuta’y pawang mga diyus-diyosan;
ang P**n lang ang may likha ng buong sangkalangitan.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,
pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

Ang P**n ay pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.

Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.

ALELUYA
Lucas 4, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo ay sinugo
upang sa dukha’y magturo,
magpalaya sa bilanggo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 4, 16-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, umuwi si Jesus sa Nazaret na kanyang nilakhan. Gaya ng kanyang kinagawian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumindig siya upang bumasa; at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ang aklat sa dakong kinasusulatan ng ganito:

“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,
Sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.
Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya,
At sa mga bulag na sila’y makakikita;
Upang bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil,
At ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.”

Binalumbon niya ang kasulatan, at matapos isauli sa tagapaglingkod, siya’y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga. At sinabi niya sa kanila: “Natupad ngayon ang bahaging ito ng Kasulatan samantalang nakikinig kayo.” Pinuri siya ng lahat, at namangha sa kanyang napakahusay na pananalita. “Hindi ba ito ang anak ni Jose?” tanong nila. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Walang pagsalang babanggitin ninyo sa akin ang kawikaang ito: ‘Doktor, gamutin mo ang iyong sarili!’ Sasabihin din ninyo sa akin, ‘Gawin mo naman sa ‘yong sariling bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.’” At nagpatuloy ng pagsasalita si Hesus, “Tandaan ninyo: walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. Ngunit sinasabi ko sa inyo: maraming babaing balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlong tao’t kalahati at magkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Subalit hindi sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaing balo sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ni Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang pinagaling.” Galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. Nagtindigan sila, at pinagtabuyan siyang palabas, sa taluktok ng burol na kinatatayuan ng bayan, upang ibulid sa bangin. Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Congressional Road
General Mariano Alvarez
4117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HFPGMA-Ministry on Biblical Apostolate posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share