01/11/2025
Alam mo mare, bago pa kami magkakilala ng asawa ko, may sarili na akong mga negosyo milk tea, chili oil, at iba pa. Na-vlog pa nga noon ng isang sikat na vlogger ‘yung Madre Café ko!
Pero nung nabuntis ako, kahit gusto kong ipagpatuloy lahat, hindi na naging madali. Nagpatuloy pa rin kami mag-asawa sa negosyo kahit buntis ako, pero nung nanganak na ako, doon ko naramdaman ‘yung totoong hirap. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin naibabalik ‘yung mga business ko. Una, dahil wala pang puhunan. Pangalawa, dahil full-time akong nag-aalaga sa anak namin habang nagtatrabaho ang asawa ko.
Minsan nakakalungkot, kasi dati sanay akong may sariling pera, sanay akong kumikilos at nagnenegosyo. Ngayon, parang biglang nagbago lahat. Pero kahit ganon, nangangarap pa rin ako na balang araw, maibabalik ko ulit lahat. Kasi nasa puso ko talaga ang pagnenegosyo.
Sa mga nanay na nakaka-experience din ng ganito, alam ko mahirap. Lalo na tayong mga dating independent, tapos biglang nakadepende na lang. Pero mare, normal lang ‘yan. May mga araw talagang mabigat, pero may pag-asa pa rin araw-araw.
Darating din ‘yung panahon na makakaahon tayo ulit. Makakatulong din tayo sa mga asawa natin. Makakabangon tayo.
Alam ko stressful, alam ko ‘yung pakiramdam ng pagod at minsan parang nawawala ka na sa sarili mo. Pero tandaan mo, may postpartum man tayo, huwag nating hayaan na maging hadlang ‘yon para bumagsak tayo. Kasi may asawa at anak tayong umaasa sa atin.
Kaya laban lang. Kapit lang, mare. 💪💖