Delete feelings

Delete feelings Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Delete feelings, Digital creator, General Mariano Alvarez.

22/12/2024

Babe?.....ang tawag ko..
Whaaaat?....
Ang pasigaw nyang sabi...
Pwede mo ba akong samahan sa mall? I ask....
Pwede bang ikaw na lang,malaki ka na kion,
Nakikita mo namang busy ako diba...Your disturbing....ang sigaw nya....
Ok im sorry ako na lang pupunta mag-isa...i said before i leave

------

Sorry!im really sorry if i hurt you...he said to me....
Nahh its ok....ang sabi ko
Baka pwede pang ibalik yung dati...dating masaya tayo at magkasama't nagmamahalan...ang sabi nya
I chuckled......
Its to late.....sana dati mo pa ginawa yan bago ako tuloyang nawala sayo.... i said to him.....
Forgive me for what I've done......sabay yuko
I forgive you but.....Di ibigsabihin nun nakalimutan ko na yung sakit na dulot mo sakin noon...sabay alis

Digital creator

sometimes when you know you're getting hurt, stop what you feel because if you keep pushing yourself against him, the on...
13/06/2024

sometimes when you know you're getting hurt, stop what you feel because if you keep pushing yourself against him, the only person who will get hurt is you and not him

BAGBy. Ms.BAng sarap sa feeling kapag lagi ka nyang dalaYung tipong kahit saan sya pumunta,Nandoon kaKase nga lagi ka ny...
23/04/2024

BAG

By. Ms.B

Ang sarap sa feeling kapag lagi ka nyang dala
Yung tipong kahit saan sya pumunta,
Nandoon ka
Kase nga lagi ka nyang dala....
Sana bag na lang ako,
Para kahit nasaan sya,ako ay kasama,
At higit sa lahat nababantayan ko sya.
Hindi kase ako kampante,
Kapag hindi nya ako dala.
Hindi nya kasama,parang ganun ba.
Ngunit isa lang naman akong bagay,
Itatapon kapag nasira na,
Iiwan kapag hindi na kailangan,
Ilalagay sa iisang sulok kapag tapos nang mapakinabangan....
Hindi naman masakit,sapagkat ako'y sanay na,
Sana'y nang iwan at ipagpalit sa iba

BISEXUAL,BOYISHBy: Ms BBisexual,Dalawa ang katauhan,Minsan babae minsan naman lalaki.Dalawang katauhan kase,Minsan suot ...
06/08/2023

BISEXUAL,BOYISH

By: Ms B

Bisexual,
Dalawa ang katauhan,
Minsan babae minsan naman lalaki.
Dalawang katauhan kase,
Minsan suot pansexy pero minsan suot panlalaki.
Pero para saakin mas gusto ko ang damit lalaki,
Wala namang problema,pero sa paningin nang iba ay maraming malisya.....
Mas gusto ko ang suotang astig at maporma,
Malalaking damit at katamtamang short ang laki,
Parang badjao sa kalye.
Pero para saakin wala akong pake.
Kase mas gusto ko ang cool at pa-chill-chill lang pare.
Mas gusto ko ang larong panlalaki,
Basketball at biker ay sapat na saakin.

Maka three point shots lang ako sa puso nya,
Saakin ay sapat na.
Kapag foul syemre kailangan nang pahinga.
Pero syempre ayan ay linyahan lamang nila.
At ito pa,
Di ko maiwasang ma-attract sa iba,
Lalo't kung ito ay nakakabighani saking mga mata.
Matang nakasunod sa aking paningin,
Habang hinihintay na sya ay mawala.
Oo ganun ako kahumaling kung ganun naman sya kaganda sa aking paningin.
Tingin,
Di ko namamalayan na ako na pala ay nakangiti na rin.

Oo ganyan mainlove ang bisexual,
At yan,
Yan ang bagay na di maiiwasan.
Natural at wala naman talagang halong kemikal,
Yan ang aming nararamdaman.
Imbes na pampaganda ang dala,
Mas gusto pa namin dalhin ang aming gitara.
Gitara na sa pagtulog mo haharanahin ka,
Haharanahin na madalang lang namin gawin sa iba....

Wala namang masama kung ika'y iibig saamin lalo't kami ay pangit...
Pero sana matanggap nyo ang katauhan namin....
At Hindi naman namin iyon ipipilit.

Maganda kaBy:Ms B.Sa panahon ngayon marami nang mapanghusga,Tipong di ka pa nila kilala,pero sa paningin nila,Nilalait k...
07/06/2023

Maganda ka

By:Ms B.

Sa panahon ngayon marami nang mapanghusga,
Tipong di ka pa nila kilala,pero sa paningin nila,
Nilalait ka na nila,

"Kesyo pangit ka,"
"Maitim ka"
"kesyo pandak ka"
"kulot ka"
At iba pa ba.

Pero wag kang magpaapekto sa kanila,

"Kase pangit ka lang pero try mo mag-ayos at pumorma",
At talagang magiging maganda/gwapo ka.
"Maitim ka,pero ang totoo,morena/moreno ka"
"Kesyo pandak ka daw,inggit lang sila"
Kase dahil cute ka.
"Oo kulot ka,pero may kasabihan nga",
"Na kapag kulot ka,mabait ka"

Hayaan mo sila na husgahan ka,
"Be confident in your self"
Ika nga nila.

Maganda ka,
"Di ka lang marunong mag-ayos"
Pero ako na nagsasabi sayo,
"Always trust your self"
And "always love your self"

31/05/2023

K,s,K

By:Ms.B

Kay gandang pagmasdan ang kulay asul na kalangitan.. ☁☁☁
Na para bang isa itong dalaga na may dalang halimuyakπŸ’ƒ
Na talaga namang di mo maiiwasan 🀚
O kalangitan na di ka magsasawang titigan...
Kahit san ka magpunta πŸƒβ€β™€οΈ
Parang lagi mo syang kasama β˜πŸƒβ€β™€οΈ
Oo sabihin na nating hindi ka Nakaka-relate
Pero maraming tumititig πŸ‘€
Hindi nakakasawang titigan kase gawa nga ito nang maykapal πŸ™
Minsan ka na rin nyang dinamayan habang ika'y nasasaktan 😭
Alam kong hindi ka relate kase hindi mo pa naman nararanasan 🀣

Kaibigan.....By:MsBTipong andyan lang sa tabi moTipong lagi mong karamay sa lahat nang problema mo...Kaibigan, Oo ikaw n...
13/05/2023

Kaibigan.....

By:MsB

Tipong andyan lang sa tabi mo
Tipong lagi mong karamay sa lahat nang problema mo...
Kaibigan,
Oo ikaw nga kaibigan,
Pasensya ka na at kung sagad ang aking pag-aalala
Ayoko lamang na ika'y mapahamak sa kanya,
Pasensya ka na at over-protective akong kaibigan,
Ang akin lang naman,iyong sarili ay iyong alagaan at iyong ingatan,
Mga biro ko sana'y wag mong seryosohin.
Ang sakit lang kase mas pinili mong intindihin sya at makinig sa kanya,
Ako itong kaibigan mo,
Ay oo nga pala, bat ko ba nakalimutan iyon,
Kaibigan mo nga lang pala ako,
At sya, sya lang naman ang jowa mo,
Ako ang nauna kaya mas kilala kita,
Pero bakit sya pa ang mas kilala ka....
Lagi kitang iniintindi at inuunawa,
Kahit pa sabihin nila na hayaan na kita
Oo ganun ako mag-alala,pero sana makita mo at pahalagahan ang ginagawa ko,
Iyon ay para rin sayo at huwag sanang maging masama ang dating nun saiyo
Mahal kita kaibigan, higit pa sa iyong inaasam,
Ika'y tinuring ko nnag pangalawang kapatid, sa labas man o sa loob nang lansangan.
Nagpapasalamat ako at ika'y aking naging kaibigan,
Nagsisisi akong ika'y aking iniyakan....
At nagpakumbaba kahit alam kong ako'y tama pa,
Di kita masisisi kung iyong isip ay nadumihan na,sa mga sabi-sabi na di naman nila alam ang istorya..
Kaibigan ako'y hanggang dito na lamang, pagkat ayoko na maabala pa kita sa kung anong gusto mo pang magawa,
Sana isipin mo iyong ama't ina na laging nag-alala sayo sa tuwina
Kaibigan,oo ikaw nga kaibigan
Sana mag-ingat ka sa kung anumang daan,
At Ikay mag-iingat kung san mo man gustong pumasok,
Sa daang maluwag o sa daang makipot....

I love you, By:Ms.BMasarap pakinggan pero masakit kapag nasaktan, Teka,I love you nga ei,means mahal ka nya,Di ka nya sa...
13/05/2023

I love you,

By:Ms.B

Masarap pakinggan pero masakit kapag nasaktan,
Teka,I love you nga ei,means mahal ka nya,
Di ka nya sasaktan,
Sabi nya.....pero naniniwala ka ba?
Ako kase maniniwala na sana,
Kaso ang mokong na yun
Naghanap pa nang iba,
Ok na sana, nga lang di sya nakuntento sa isa.
Kaya bumaling pa sya sa iba.

Mahal,oo mahal mo ko,
Kapag magkasama tayo
Salitang i love you na,
Nakakapanghina nang loob ko,
Salitang pinarurupok ang puso ko,
Salitang kapag binanggit mo,
Bumibigay agad ako sayo,
Bakit ganun,ang unfair mo.

I love you,
Salitang mahal ka nya at di ka nya iiwan
Pero nasan na ba ang taong nagsabi nyan?
At bakit nabuhay pa aNg salitang manloloko,
Kung ikadudurog lang nang puso ko,
Mahal mo ko, pero niloko mo,
Mahal mo ko, pero sinaktan mo
Mahal mo ko. Pero bakit,
Bakit iniwan mo ang tulad ko,

I love you!!!!

I love you na lang nang i love you,
Pwede bang sabihin ko na,
I can't take this anymore?
Nasaktan ako nang sobra,
Pero ano ba magagawa ko,
Napakamanhid nang gago.

Mahal Nya daw ako,
Really huh?
Saan ba banda?
Kase di ko makita
I love you na masarap pakinggan,
PerO kapag ika'y nasanay,
Baka ika'y maging talunan.

(Untitled poetry) By.Ms BHi! Kamusta? Di ka ba nabobored dyan? Di ka ba nabobored kapag walang kausap? Di ka na nabobore...
13/05/2023

(Untitled poetry)

By.Ms B

Hi! Kamusta?
Di ka ba nabobored dyan?
Di ka ba nabobored kapag walang kausap?
Di ka na nabobored if wala kang makasama?
Nakakalungkot, kase nag-iisa ka na naman,
Sinusulo ang bigat nang kalangitan.
Bigat nang nakaraan,
Hindi makalimutan,

Ako nga pala si buwan,
Minsan andyan, minsan kalahati lang,
Di pa maintindihan,
Dahil pabago bago ang petsa at ang araw.
Minsan nawawala ako,
Kase minsan may hindi pagkakaintindihan,
Pinagtatakpan ang tama,
Imbes na makinig sya.

At kapag sya ay umiyak,
Panigurado kapag bumuhos, damay pati ang baba.

Wala talaga syang puso.
Di man lang nya naisip,
Kung ano ang mararamdaman naNg tao.
Pero sanay na rin naman na ako
Na kahit sya'y ganyan ay naiintindihan ko.

Karamay nya ako sa lahat nang problema nya,
Ako lang ang kasama nya sa tuwing lumuluha sya.

Kaya pansin mo o ninyo
Na sa tuwing uulan nawawala ako,
Kase niyayakap nya ako para gumaan daw pakiramdam nya.
Kase feeling nya daw kapag nakayakap ako sa kanya,
Nawawala ang kanyang problema

Ok diba?

Kaya minsan wag kang magagalit kay ulan
Bagkus sya'y pasalamatan,
Sapagkat ang mga halaman ay kanyang nadidiligan,
Habang sya'y nasasaktan.
Ika'y magpasalamat sapagkat meron syang nasasandalan na isang buwan,
Dahil kung wala,panigurado kawawa

Sa katulad na paraan,
Kapag may problema ka,magsabi ka
Maghanap ka nang taong maiintindihan ka
Kung ano ang iyong pinagdadaanan,
Tulad ni ulan lagi syang nakasandal kay buwan,
Pero dapat ika'y rin ganyan,
Pagkat walang mangyayari kung ang iyong galit ay iyong papairalin

Address

General Mariano Alvarez

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Delete feelings posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share