
27/08/2025
EPS-TOPIK Advisory
27 August 2025
Hindi pa po nagbubukas ang payment para sa EPS-TOPIK UBT.
Naghihintay pa po ang Department of Migrant Workers (DMW) sa opisyal na halaga ng Registration Fee na itatakda ng HRD Korea.
BABALA:
Maging maingat po sa mga maling impormasyon o fake news, lalo na tungkol sa proseso ng registration at payment.
Iwasan po ang pakikipag-ugnayan sa mga hindi awtorisadong indibidwal o grupo.
Ang opisyal na anunsyo ukol sa bayad at iba pang detalye ay ilalabas lamang ng aming tanggapan.
Huli, pinapayuhan ang mga lahat na iwasan ang pagpo-post ng kanilang mga information kasama rito ang iyong email address.
Maraming salamat po sa pang-unawa.