29/01/2025
NABUNTIS KO BESTFRIEND NI MISIS NGAYON
PATONG PATONG PROBLEMA KO.
I'm 37m from GMA CAVITE. Dahil sa hindi
pagkakaintindihan sa mga bagay-bagay,
naghiwalay kami pansamantala ng asawa ko.
Hiwalay man kami pero mahal na mahal ko sya. Nung mga time na yun, nakagawa ako ng
napakalaking kagag*han, nagcheat ako sknya sa mismong bestfriend pa nya. Bale nung hiwalay kami ni misis, parang sya kasi ang naging bridge namin para mag-ayos,
hanggang sa hindi ko inaaasahan dahil lagi kami magkausap dumating sa point na meron na nangyari samin. Dumating sa point na nagka ayos kami ni misis, nagkaintindihan at nagka patawaran at muli kami nagsama, kasama ang tatlo naming mga anak. Akala ko tuloy tuloy na ang happy family, pero ngayon sobra sobrang laki ng problema ko kasi yung besfriend ni misis ginugulo ako, na inlove na
daw sakin at ang mas malala pa, nabuntis ko sya. Nalaman na ni misis at ngayon iniwan na ako bitbit ang mga anak namin umuwi na sa bahay ng mga magulang nya at ayaw na makipag ayos sakin. Doon na lang daw ako sa bestfriend nya at panagutan yung pinagbubuntis. Kung kayo po nasa sitwasyon ko, ano ang gagawin nyo? Pa payo naman kahit masakit na salita tatanggapin ko po.