07/12/2020
PANANAGUTAN SA KALIKASAN, NAKANINONG KAMAY?
Sa nakalipas na dalawang dantaon, habang patuloy na nagpapaligsahan ang mga bansa sa pag-unlad at lumolobo ang populasyon ng mundo, palaki nang palaki ang pangangailangan sa likas na yaman. Dulot nito, hindi na nababantayan at naiwawasto ang paggamit sa kalikasan. Sa madaling sabi, tuloy-tuloy ang pagkasira ng kalikasan bunsod ng walang patid na pag-abuso rito ng sangkatauhan.
Isa sa mga pinakamalalang anyo ng deteryorasyong ito ay ang climate change na nasisilayan natin ngayon sa pamamagitan ng mga katakot-takot na kalamidad tulad ng mga kamakailan lamang na bagyong Rolly at Ulysses. Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga kaawa-awang buhay na tinangay nito at kung paano naminsala ang mga ito sa ibaโt ibang sektor ng lipunan.
Mula pagkabata, tinuturuan at hinihikayat tayo bilang mga indibidwal na maging makakalikasan sa pamamagitan ng pagbabawas ng ating carbon footprint. Ilan sa mga iminumungkahing paraan ay ang pagsunod sa 3Rs (Reduce, Reuse, Recycle) at/o pagpili ng mga pagkaing vegan sa ating pang-araw-araw na buhay. Bagamaโt may mga taong aktibo na pagsasagawa ng mga ito at hindi maikakailang nakabubuti ang mga aktibidad na ito, totoo na mayorya ng mga tao lalo na ang mga mahihirap ay walang pampinansyal na kakayahang magsagawa ng mga eco-friendly lifestyle.
Mahalaga ring malaman natin na maliit lamang ang ambag ng mga ordinaryong mamamayan sa kabuuang dami ng carbon emission ng buong daigdig. Ibig nitong sabihin na bagamaโt may naitutulong ang maliliit na hakbang ng mga indibidwal sa pagsagip sa kapaligiran, hindi lamang eco-friendly lifestyles ang solusyon sa climate change. Ito ay dahil mula 1988, sa 100 korporasyon lamang nagmumula ang 70% ng greenhouse gases ng buong daigdig. Mahihinuha mula sa datos na ito na ang mga mayayamang minorya o elite class ng sangkatauhan ang pangunahing tagapagdala ng climate change.
Ngayong walang tigil ang pananalasa ng mga bagyong dulot ng climate change, isang kabalintunaan ang katotohanang mga mahihirap lamang ang sumasalo sa bagsik ng mga kalamidad gayong ang mga gahamang kapitalista ang patuloy na sumisira sa kalikasan.
Sa paglalahat, huwag natin hayaang magpatuloy ang hindi patas na estadong ito. Gayon din, tignan natin ang mga nagdaang sakuna bilang sigaw ng Inang Kalikasan ng paghingi ng tulong. Sama-sama nating ipanawagan ang pagpapanagot sa mga dapat managot.
References:
https://www.carbonbrief.org/scientists-clarify-starting-point-for-human-caused-climate-change #:~:text=Scientists%20generally%20regard%20the%20later,date%20forward%20to%20the%201830s.
https://indigenouspeoples-sdg.org/index.php/english/all-global-news/874-just-100-companies-responsible-for-71-of-global-emissions-study-says #:~:text=Just%20100%20companies%20responsible%20for%2071%25%20of%20global%20emissions%2C%20study%20says,-Print&text=Just%20100%20companies%20have%20been,according%20to%20a%20new%20report.
https://www.nytimes.com/guides/year-of-living-better/how-to-reduce-your-carbon-footprint
Written by: Juditte Mae B. Din, Fave Xcyl Gardose and Ma. Emmylou C. Solidum
Designed by: Carl Gan N. Diano