05/09/2025
Payo ko lang po sa mga tulad kong crafter o nag nenegosyo.
Huwag po masanay na tinatanong sa iba ang "bentahan"
Yan po ang tanong na hindi ko po tlaga madalas sinasagot.
kahit po sa mga nag avail saakin ng template, nilalagay ko nalang ung possible selling price sa drive access kasi parang obligasyon na po maming template seller un.
Pero kung tutuusin, Files lang po ang binili tlga.
At nagagalit pa ang ibang template buyer kung d sinama ang selling price 🤣 o kaya naman parang ang sama sama mo ng seller ng template kapag araw araw ka kulitin at d mo masagot ung tanong magkano bentahan ng physical products since sayo sila bumili ng template 🤪
Dapat po as negosyante, aware po kayo sa pricing ng ginagawa nyo. Kaya ang baba na ng price ng mga products sa market kasi sumusunod sa kung ano ang napag tanongan, at end up tumitigil sa negosyo kasi hnd nag costing, hnd nya alam na lugi lang pala sya. ☺️
Craft po ito, meaning effort po ito kaya ang effort ay naka base sayo.
Naniniwala akong hindi negosyante ang tawag sa taong gumagawa ng business pero d alam ang presyo ng tinda nya.
Yes, papasok jan ung "Idea lang" naman po,
Hindi bat mas maganda kung bawat makikita mo ay may idea kana agad kasi marunong ka mag costing kesa ung palagi kang nangangapa. 🤗
Kung nakapag costing nga ang tinanongan mo, bakit hindi mo kayang gawin?
Sana e wag masamain ang post ko, bago nyo po pasukin ang negosyo, dapat alam nyo po mag costing.
Baka kasi Gaya ka ng gaya sa price ng iba kasi tamad ka mag costing o wala ka idea, hindi mo alam yung pinag gayahan mo mas mura nya nabili ang mga materials nya, end up, lugi ka.
Baka sknya okay na ang 10 pesos na tubo, pero napaka hirap nmn gawin, iba iba naman po kasi tayo ng effort.
Wag din isipin na dahil mura si ganito e wala ng bibili sayo kaya dapat ipareho ang presyo sknya, hindi po un tamang mindset, value ur work.
Dahil pag masaya ka sa price na nakukuha mo mag rereflect un sa work mo at mas makikilala ka, hindi dahil nakigaya ka at sasabhn mo
"Okay na to 20 Lang naman yan" kaya hindi rin maganda quality ng product dahil pilit itinutulad ang price sa iba.
Craft po ito. Wala namang rules na dapat e pare pareho ng bigayan ng presyo. 🌼
Tungkol sa idea lang naman, ito na po yun, sana itong post ko e magka idea po na simulan na ngaun mag aral paano mag costing, importante po yan. Huwag mo palipasin ang araw at wag na wag mo tatawagin sarili mo as negosyante kung hindi ka marunong mag costing. 😊😊