
09/06/2025
TINGNAN | Gaano nga ba natin kakilala si General Guillermo Nakar? Ano ang kanyang naging buhay? At bakit siya itinuring na bayani?
Abangan ang mga kasagutan bukas, ika-10 ng Hunyo 2025, sa EC Broadcasting Studio para sa segment na Matang Lawin: Nakarin, Alamin Natin, na may paksang "Kasaysayan ng NAKAR-aan". Ito ay bahagi ng pagdiriwang at paggunita sa kaarawan ni Heneral Guillermo Nakar.
Ang segment na “Matang Lawin: Nakarin, Alamin Natin,” sa pangunguna ni Information Officer Elbert June Villanueva RL, ay nakatuon sa masusing pagtalakay hinggil sa kasaysayan at mahahalagang pangyayari sa bayan ng General Nakar, Quezon.
Naisakatuparan ito sa atas at paggabay ng ating Punong Bayan, Kgg. Esee Ruzol, na saliksikin at itampok ang mahahalagang bahagi ng kasaysayan upang lalo nating makilala at mahalin ang bayan ng General Nakar, Quezon.