06/09/2025
PAGTATAPOS NG 27TH TUNA FESTIVAL, DINUMOG.
Libo-libong generals at bisita ang dumagsa sa pioneer avenue ng Gensan para makisaya sa huling araw ng 27th Tuna Festival kahapon, September 5, 2025.
Sa pangunguna ni Mayor Lorelie Pacquiao, matiwasay na naidaos ang ibaโt ibang aktibidad. Sa kanyang talumpati, binida niya ang mga mananagat, dahil aniya, kung walang mananagat, walang tuna festival.
Dumagungdong naman ang hiyawan nang makita ng lahat ang iilan sa mga kapamilya artists at MYX Philippines para sa Kapamilya Caravan. Kabilang sa mga dumalo ay ang mga PBB housemates na sina Jarren, Kollette, Bianca, at Esnyr. Kasama rin ang mga cast ng sins of the father na sina Gerald Anderson, JC De Vera, RK Bagatsing, Elyson De Dios, LA Santos, JV Kapunan.
Tampok din ang whole cast ng international film na Nuclear Winter kabilang sina Anatasiia Dymchenko, Ron Chan, at ang Filipino director nito na si Danni Ugali.
Dagdag pa sa mga naging panauhin ay sina Manny Pacquaio at ang Senator Jinggoy Estrada na siyang nangakong magbibigay ng 60 million pesos para sa Colegio de Heneral. Ipinahayag din nila ang kanilang suporta at tiniyak na patuloy silang magbibigay ng tulong sa mga programang pang-edukasyon at pangkabuhayan na makikinabang ang buong komunidad.
Mas umingay naman ang Pioneer Avenue nang magsimula na ang rakrakan kasama ang tanyag na OPM artist na si Bamboo.
Hindi rin nawala ang pa-raffle sa mga tricycle driver na mayroong prangkisa. Walong winners para sa 8 thousand, isa para sa 10 thousand, isa para sa 20 thousand, isa para sa 30 thousand at isa rin para sa 50 thousand pesos.
Sa mahigit isang linggong pagdiriwang ng Tuna Festival ngayong taon, mas napakilala ang kultura at kabuhayan ng mga taga Gensan na syang nagpapatibay sa turismo at pangkabuhayan ng mga mamamayan. Isa itong pagpupugay sa mga mananagat at mga mamamayan, at mga yamang dagat na nagpapatatag ng ekonomiya at identidad ng lungsod.