DXGS Radyo Pilipino General Santos

DXGS Radyo Pilipino General Santos This is the Official Page of DXGS Radyo Pilipino General Santos. We believe that we are an inspiratio

09/10/2025

POV: MAY TROPA KANG MICROPHONE đŸŽ€đŸ€Ł

Trending ngayon sa Tiktok ang isang grupo ng magkakaibigan kung saan isa sa kanila ay nagmistulang MICROPHONE!

Sa in-upload na video ni Hyna, makikitang hindi sila magkamayaw sa pagtawa nang ipakita ni Jakob ang kanyang hidden talent na magsalita na may echo effect!

Ayon sa uploader, likas na talented si Jakob, ngunit nagulat sila na kaya rin pala nitong maging literal na ‘microphone’!

Ang naturang video, tumabo na ng 6.8 million views at 932K hearts. |

Video Courtesy: Raymond Tabago/Tiktok

BAGYONG QUEDAN UPDATE Ayon sa huling ulat ng DOST-PAGASA noong Oktubre 9, 5:00 ng hapon, ang Tropical Storm   ay nasa la...
09/10/2025

BAGYONG QUEDAN UPDATE

Ayon sa huling ulat ng DOST-PAGASA noong Oktubre 9, 5:00 ng hapon, ang Tropical Storm ay nasa layong 1,370 km silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.

May lakas ng hangin na 75 km/h at bugso na umaabot sa 90 km/h, kumikilos ito pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.

Malabong direktang makaapekto ang bagyo sa lagay ng panahon sa bansa.

Ayon sa forecast, inaasahang lalabas ang bagyo ngayong gabi o sa madaling araw. |

CRYSTAL CAVE INTEGRATED SCHOOL, EARTHQUAKE READYTINGNAN | Nasubok ang kahandaan ng Crystal Cave Integrated School matapo...
09/10/2025

CRYSTAL CAVE INTEGRATED SCHOOL, EARTHQUAKE READY

TINGNAN | Nasubok ang kahandaan ng Crystal Cave Integrated School matapos maramdaman ang malakas na lindol alas-10:30 ng umaga ngayong Oktubre 9, 2025.

Ipinamalas ng mga g**o at mag-aaral ang kanilang kaalaman sa tamang earthquake response protocol sa pamamagitan ng mabilis na “duck, cover, and hold” at maayos na paglikas patungo sa itinalagang evacuation area.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, patunay ito na epektibo ang mga earthquake drills sa pagpapanatiling ligtas ng komunidad ng CCIS. |

Courtesy: Baguio City Public Information Office/Facebook

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

‘MAGTAYO NALANG NG BAGONG DPWH’ Senador Win Gatchalian, nais na buwagin ang Department of Public Works and Highways (DPW...
09/10/2025

‘MAGTAYO NALANG NG BAGONG DPWH’

Senador Win Gatchalian, nais na buwagin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at magtatag ng bagong ahensya para sa pampublikong imprastruktura.

Dahil sa malalang katiwalian na bumalot sa DPWH, personal na naniniwala si Gatchalian na mas mabuting palitan na ang ahensya ng panibago.

Ito ang kanyang sinabi nang tanungin tungkol sa usapin sa Kapihan sa Senado forum nitong Huwebes.

“If you were to ask me, let’s just establish a new DPWH. Let us hire other people because I believe, and my philosophy in management, is that you’ll come to a point where you can no longer fix something, so there’s a need to create a new one,” saad ni Gatchalian.

“If you’re going to ask me. Because I think it will take years and years for Secretary Vince to clean up. We need to do many things — digitalization, of course, file cases to everyone involved, and we also need to check the others if they are doing what is right,” dagdag pa nito. |

KINGS OF P-POP IN EUROPE  Nakatakdang mag-perform ang P-pop group na   sa Spazio Atlantico sa Rome, Italy sa darating na...
09/10/2025

KINGS OF P-POP IN EUROPE

Nakatakdang mag-perform ang P-pop group na sa Spazio Atlantico sa Rome, Italy sa darating na Oktubre 12, bilang tampok na act sa Sama sa Roma event ngayong taon.

Libre ang admission para sa unang 1,700 na magrerehistro sa event, na bahagi ng selebrasyon para sa Jubilee Year 2025 ng Simbahang Katolika.

Ang pagtatanghal sa Rome ay kasunod ng Dubai stop ng kanilang Simula at Wakas tour, na gaganapin isang araw bago ang event. |

TINGNAN: Bilang tugon sa mga nagdaang kalamidad sa Hilagang Luzon at Cebu, muling pinagtibay ng Department of Education ...
09/10/2025

TINGNAN: Bilang tugon sa mga nagdaang kalamidad sa Hilagang Luzon at Cebu, muling pinagtibay ng Department of Education (DepEd) ang kahandaan nito sa sakuna sa pamamagitan ng pagpupulong kasama ang mga education leader, regional DRRM coordinator, at mga katuwang na organisasyon sa isinagawang National DRRM x CCA Summit 2025.

Layon ng summit na isulong ang tuloy-tuloy na pagkatuto at pagbuo ng mga paaralang handa sa epekto ng pagbabago ng klima, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng isang edukasyong handa sa hinaharap at batay sa pagsusuri ng panganib.

Kabilang sa mga hakbang ng ahensya ang pagpapakilos ng rapid assessment teams, paggamit ng mga bagong digital tool, at pag-upgrade ng mga pasilidad sa pagkatuto, lahat ay bahagi ng pagsusumikap na palakasin ang katatagan ng edukasyon sa buong bansa. |

đŸ“·: Contributed

Nagpasalamat ang singer-comedian na si Ate Gay matapos magpakita ng positibong resulta ang kanyang radiation at chemothe...
09/10/2025

Nagpasalamat ang singer-comedian na si Ate Gay matapos magpakita ng positibong resulta ang kanyang radiation at chemotherapy treatment para sa stage 4 cancer na kanyang kinakaharap.

Ayon kay Ate Gay, malaking tulong sa kanyang paggaling ang mga tinatawag niyang mga “anghel” mga taong patuloy na sumusuporta at tumutulong sa kanyang pagpapagamot.

Hiling din niya na sana’y matulungan ang iba pang may sakit na cancer, lalo na ang mga walang sapat na kakayahang pinansyal para sa gamutan. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka like at follow sa Radyo Pilipino.

09/10/2025

HILING NG MAMAMAYAN: DIREKTANG ACCESS SA SALN NG MGA OPISYAL

PANOORIN | Sa programang Pulsong Pinoy, ibinahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst, constitutionalist, at senior research fellow sa Ateneo Policy Center, ang kaniyang panawagang palitan ang dating resolusyon ng Ombudsman na nagbabawal sa publiko na magkaroon ng akses sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Yusingco, ang naturang pagbabawal ay malinaw na paglabag sa Saligang Batas, sapagkat binibigyang karapatan nito ang mamamayan na magkaroon ng kaalaman sa mga pampublikong dokumento bilang bahagi ng transparency at pananagutan ng pamahalaan.

Aniya, ang pagbubukas ng SALN sa publiko ay magiging unang hakbang tungo sa mas malawak na pagtitiwala ng taumbayan sa kanilang mga pinuno at sa mas maayos na pamamalakad ng gobyerno.

Binigyang-diin din niya na ang panukalang ito ay dapat ipatupad nang pantay-pantay—mula sa pinakamababang posisyon sa pamahalaan hanggang sa pinakamataas na opisyal, kabilang ang Pangulo ng Pilipinas. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at naka-follow sa aming opisyal na accounts.

TRILLION PESO MARCH LABAN SA KORAPSIYONMagsasagawa ang Trillion Peso March movement ng lingguhang protesta tuwing Biyern...
09/10/2025

TRILLION PESO MARCH LABAN SA KORAPSIYON

Magsasagawa ang Trillion Peso March movement ng lingguhang protesta tuwing Biyernes simula Oktubre 10 bilang paghahanda sa nationwide rally sa Nobyembre 30.

Tampok ang sabayang aktibidad sa paaralan, opisina, simbahan, at community hubs kabilang ang noise barrage, candle lighting, at protesta, habang gaganapin ang misa sa Edsa Shrine at iba pang city centers.

Hinikayat ng mga organizer ang publiko na magdala ng kandila, plakard, at mga kagamitan sa paggawa ng ingay tulad ng busina habang isinusulong din ang paggamit ng puting ribbon, puting bandila, pagtunog ng kampana, at pagdarasal sa National Day of Prayer and Public Repentance bilang simbolo ng pakikiisa laban sa korupsyon.

Inaasahang dadaluhan ng higit 100 grupo ang Nobyembre 30 rally, na pangungunahan ng Church Leaders Council for National Transformation at sinuportahan ng mahigit 80 civil society groups, samantalang nagpapatuloy din ang diskusyon ng iba pang sektor sa karagdagang malakihang kilos-protesta ngayong Oktubre. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

TULFO, PINUNA ANG P879,000 KADA PIRASO NG BODY-WORN CAMERASPinasisibak sa pwesto ni Sen. Raffy Tulfo kay DOTr Acting Sec...
09/10/2025

TULFO, PINUNA ANG P879,000 KADA PIRASO NG BODY-WORN CAMERAS

Pinasisibak sa pwesto ni Sen. Raffy Tulfo kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez ang limang miyembro ng Philippine Ports Authority Bids and Awards Committee kaugnay ng pagbili ng 191 body-worn cameras sa halagang P879,000 bawat isa.

Nangyari ito sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa panukalang 2026 budget ng DOTr at iba pang attached agencies sa Senate Committee on Finance. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

 : Ngayon ang ika-85 na kaarawan ni John Lennon, isa sa mga pinaka-iconic at maimpluwensiyang pangalan sa kasaysayan ng ...
09/10/2025

: Ngayon ang ika-85 na kaarawan ni John Lennon, isa sa mga pinaka-iconic at maimpluwensiyang pangalan sa kasaysayan ng musika.

Ipinanganak siya noong Oktubre 9, 1940 sa Liverpool, England, at sumikat sa buong mundo bilang isa sa mga nagtatag ng The Beatles, ang bandang nagbago sa takbo ng pop music noong 1960s. Bukod sa tagumpay ng grupo, kilala rin si Lennon sa kanyang solo career, kung saan niya nilikha ang mga walang kamatayang awit gaya ng “Imagine,” “Jealous Guy,” at “Instant Karma!”

Hindi lang musikero si Lennon kung 'di aktibo rin siya sa pagsusulong ng kapayapaan, pagmamahal, at katarungang panlipunan. Ginamit niya ang kanyang boses para tutulan ang digmaan at mga isyung panlipunan, dahilan kung bakit naging makabuluhan ang kanyang impluwensiya, hindi lang sa musika kundi pati sa kultura at pulitika.

Trahedyang nawala si Lennon noong Disyembre 8, 1980, matapos siyang pagbabarilin sa harap ng kanyang tirahan sa New York sa edad na 40. |

09/10/2025

'TALAGANG 'PAG KORAPSYON, GAGAWING GHOST PROJECT... BASTA LANG MAKAKUBRA NG PERA'

PANOORIN | Kinumpirma ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin “Win” Gatchalian ang overpriced at ghost projects sa farm-to-market roads.

Ayon sa pagsusuri ng badyet ng Department of Agriculture, malaking bahagi ng pondo ay nakalaan sa mga farm-to-market road na umano’y sobra-sobra ang presyo, umaabot sa P300 milyon kada kilometro.

Giit ni Gatchalian, posibleng manipulahin ang lahat mula sa overpricing hanggang sa ghost projects para makapangulimbat ng pera. |

Courtesy: Senate of the Philippines

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

17/09/2025

arnold pastoral herbal program sept.17, 2025

17/09/2025

SPORTS MINDED MINDANAO SEPT.17, 2025

Sayron ang latest sa sport kauban si Edgar Candia.

16/09/2025

ABANTE 765 with Carlito Dela Peña | Sept. 17, 2025

Guest for tomorrow's pilot episode of Sports Minded Mindanao Kaizen Taekwondo Club Samal
16/09/2025

Guest for tomorrow's pilot episode of Sports Minded Mindanao Kaizen Taekwondo Club Samal


16/09/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Mga kasagutan ni VP Sara Duterte sa deliberasyon ng 2026 Budget ng OVP

With Special Guest:
Rep. Antonio Tinio
Representative, Act Teachers Party List

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


AI VS. ILLEGAL GAMBLING WEBSITESMaglulunsad ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng isang Artificial...
16/09/2025

AI VS. ILLEGAL GAMBLING WEBSITES

Maglulunsad ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng isang Artificial Intelligence (AI) tool na layong mag-detect at mag-monitor ng illegal gambling websites sa bansa.

Ayon kay PAGCOR Assistant Vice President Jessa Fernandez sa pagdinig ng Senado hinggil sa online gambling ngayong Martes, Setyembre 16, kaya ng nasabing teknolohiya na makakita ng mga iligal na site kada segundo.

Makikipag-ugnayan din ang PAGCOR sa CICC, NTC, at DICT upang mapabilis ang proseso ng pagbibigay ng access para agad na ma-block ang mga natukoy na website. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

16/09/2025

Batas at Karapatan ng Manggagawa:
Ano nga ba ang mga pangunahing karapatan ng manggagawa na dapat alam ng lahat?

With Special Guest:
Atty. Sonny Matula
Chairperson, Nagkaisa Labor Coalition

Legal na usapin, legal na solusyon!

Kung may tanong ka sa batas, sagot ka namin tuwing Martes!

Legal Tuesday, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon — serbisyo’t kaalaman, diretso sa punto!



16/09/2025

SERBISYO PUBLIKO SA RADYO PILIPINO with Carlito Dela "Lito" Peña | Sept. 16, 2025

16/09/2025

DXGS Tapat sa Serbisyo with Jerry "Jess" Licayan | Sept. 16, 2025

15/09/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: 100k katao, inaasahang sasali sa anti-corruption rally sa September 21

With Special Guest:
Mr. Mike Pante
Convener, Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


MEMBERS OF THE INDEPENDENT COMMISSION FOR INFRASTRUCTUREItinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Supreme C...
15/09/2025

MEMBERS OF THE INDEPENDENT COMMISSION FOR INFRASTRUCTURE

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr. bilang Chairperson at huling miyembro ng Independent Commission for Infrastructure na susuri sa mga umano’y anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan sa nakalipas na 10 taon kabilang na ang flood control projects.

Nauna nang inanunsyo ng Malacañang na kabilang sa mga kasapi sina dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson, Rossana Fajardo, country managing partner ng SGV & Co, at si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tatayong special adviser. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

15/09/2025

Real Estate 101: Ito nga ba ang Best Investment para sa mga Pinoy?

With Special Guest:
Ms. Elizabeth Cabrera-Encinas
Real Estate Professional

Simulan ang linggo sa talakayang walang mintis, mula presyo ng bilihin, sweldo, hanggang sa mga diskarte sa pagtitipid!

DisCASHion tuwing Lunes, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo Todo!


Address

N L S A Road
General Santos City
9500

Opening Hours

Monday 5:30am - 7pm
Tuesday 5:30am - 5pm
Wednesday 5am - 5pm
Thursday 5am - 5pm
Friday 5:30am - 7pm
Saturday 5:30am - 5pm
Sunday 5:30am - 5pm

Telephone

+639505070354

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXGS Radyo Pilipino General Santos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DXGS Radyo Pilipino General Santos:

Share

Category