PH Headline

PH Headline PH HEADLINE NEWS PUBLISHING (Balita ngayon, alam mo agad! Real news. Real stories.

Real Philippines)

SOCCSKSARGEN NEWS
National News
International News
Media News
News Paper Publishing
Showbiz News
News Publishing
Media Website
Impormasyon at Balita

10/09/2026

PAMINAWA🎧 Sec. Manny Pacquiao NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION (NAPC) as keynote speaker of 55th Founding Anniversary and 25th Kasadyaan Festival - Alabel, Sarangani Province.



🎉 ALABEL, SARANGANI IPINAGDIRIWANG ANG IKA- 55TH FOUNDING ANNIVERSARY AT 25TH KASADYAaan FESTIVAL 2026ALABEL, SARANGANI ...
10/09/2026

🎉 ALABEL, SARANGANI IPINAGDIRIWANG ANG IKA- 55TH FOUNDING ANNIVERSARY AT 25TH KASADYAaan FESTIVAL 2026

ALABEL, SARANGANI PROVINCE — Ipinagdiriwang ng Bayan ng Alabel ang ika-55 Anibersaryo ng Pagkakatatag nito kasabay ng ika-25 Kasadyaaan Festival 2026, tampok ang mayamang kultura, tradisyon, kasaysayan at pagkakaisa ng mga mamamayan sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. LILIBETH “YBING” SALARDA.

Sa selebrasyon, tampok ang iba’t ibang programa at aktibidad na naglalayong ipakita ang talento at kultura ng mga Alabeleño, gayundin ang mga tagumpay at pag-unlad na nakamit ng bayan sa nakalipas na mga taon.

Nakiisa sa makabuluhang pagdiriwang sina Sec. Manny Pacquiao - National Anti-Poverty Commission, Gov. Rogelio "Ruel" D. Pacquiao - Sarangani Province , Vice Gov. Boggie Martinez, Provincial Administrator Atty. Ryan Ramos, Chieft of Staff of Congressman Steve Chiongbian Solon representative Engr. Gerald Faciol at ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga barangay, sektor ng kabataan, mga organisasyon, pribadong sektor at iba’t ibang sektor ng komunidad.

Ang Kasadyaaan Festival, na naging mahalagang bahagi ng tradisyon at pagkakakilanlan ng Alabel, ay nagsisilbing entablado upang maipakita ang makulay na kultura at mga lokal na kaugalian sa pamamagitan ng mga presentasyong pangkultura, pagtatanghal at iba pang aktibidad.

Kasabay nito ang EXECUTIVE REPORT 2026 ni Mayor Ybing Salarda na binibigyang ni Mayor ang

1. Pag-unlad ng Lokal na Ekonomiya at Agrikultura
2. Serbisyong Panlipunan at Kalusugan
3.Kooperatiba, Negosyo at Kapayapaan
4. Imprastraktura at Serbisyong Publiko
5. Sektor/Program

Sa pagdiriwang ng dalawang makasaysayang okasyon, muling ipinapakita ng Alabel ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagmamalaki sa kultura at sama-samang pagkilos tungo sa patuloy na pag-unlad ng bayan.

Ang ika-55 Founding Anniversary at ika-25 Kasadyaaan Festival 2026 ay hindi lamang pagdiriwang ng nakaraan, kundi isang pagtingin din sa mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Alabeleño.

Maligayang ika-55 Founding Anniversary at ika-25 Kasadyaaan Festival 2026, Alabel, Sarangani! 🎊

Cres Doning
Pahayagan World Inquirer News Publishing
PH Headline

Alabel Information Office
Kasadyaan Festival - Alabel, Sarangani Province










*Emergency team ni Cayetano tumulong sa mga komunidad sa Pampanga sa gitna ng ilang linggong baha* Nagdala ng pagkain, i...
08/09/2026

*Emergency team ni Cayetano tumulong sa mga komunidad sa Pampanga sa gitna ng ilang linggong baha*

Nagdala ng pagkain, inuming tubig, at grocery packs ang emergency response team ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga lugar sa Pampanga na lubog pa rin sa baha nitong September 4 at 5, 2026.

Bumisita ang team sa mga bayan ng Candaba at Macabebe noong Biyernes at pagkatapos ay pumunta sa Apalit, Sasmuan, Bacolor, at San Fernando City nitong Sabado.

Umabot sa mahigit 1,100 katao ang natulungan, kasama ang mga evacuee, tindero, tsuper, senior citizen, boat operator, rescuer, at iba pang manggagawa.

Sa Barangay San Agustin sa Candaba, libu-libong pamilya ang naapektuhan ng pinakamalaking baha ngayong taon ayon sa mga lokal na opisyal. Isang bahay ang gumuho dahil sa erosion, pero ligtas naman ang pamilya.

Ayon kay Barangay Chairperson Billy Pamintuan, ang tubig-baha mula sa Bulacan at Nueva Ecija ay dumadaloy papunta sa Candaba at binabaha ang Candaba Swamp. Iisang creek lang ang nagdadala ng tubig mula San Agustin papunta sa Pampanga River.

Nakakaapekto rin sa kabuhayan ang matagal nang pag baha. Napipilitan tuloy ang mga magsasaka na maging mangingisda habang baha pa ang kanilang mga sakahan.

Sa Barangay Paligui, nakipagkita ang team sa mga tindero ng isda at boat operators, kasama ang mga tricycle driver na nagiging boat operator kapag hindi na madaanan ang kalsada.

Sa Macabebe, namahagi ang team ng 300 grocery packs at 300 six-liter na tubig sa mga apektadong pamilya, boat operators, rescuers, at volunteers. Dahil sa baha, hindi natuloy ang face-to-face classes sa loob ng tatlong linggo, kaya lumipat sa alternative learning ang mga paaralan.

Kinabukasan, naghatid ang team ng mainit na pagkain at bottled water sa mahigit 350 evacuee sa Barangays San Juan at San Vicente sa Apalit. May mga evacuee na dalawa hanggang tatlong linggo nang lumikas.

Sa Barangay San Juan, hanggang leeg ang baha kaya napilitang umalis ang mga residente malapit sa creek sa Northville Site. Ayon sa mga residente, maaaring umabot ng dalawang buwan bago tuluyang humupa ang tubig.

“Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa pagmamalasakit ninyo sa aming mga kabarangay. Malaking tulong po itong mga napadala ninyong food packs para sa aming evacuees dito” sabi ni San Vicente Barangay Chairperson Wilfredo Danting.

Sa Barangay Cabalantian, Bacolor, isang buwan nang suspendido ang face-to-face classes dahil sa baha. Namahagi ang team ng grocery packs at bigas sa mga residente doon noong September 5.

Sa Sasmuan, namahagi ng mainit na pagkain, bottled water, at grocery packs sa mga apektadong pamilya at boat operators, sa pamamagitan ni Vice Mayor Jhun Tamayo.

“Maraming maraming salamat po sa tulong na inyong ipinaabot sa aming mga kababayan doon po sa coastal. Malakas po ang ulan ngayon at malaki ang alon,” sabi ni Tamayo.

Sa San Fernando City, namahagi rin ng grocery packs sa mga delivery rider, barker, senior citizen, at pump attendant.

Sa kanilang pagbisita, naitala ng team ang mga pangangailangan tulad ng rescue boats, malinis na inuming tubig, evacuation facilities, protective clothing, drainage improvements, road at housing rehabilitation, at livelihood assistance para sa mga apektadong manggagawa.

Bukod sa pagpapatakbo ng emergency response initiative ng kanyang opisina, matagal nang isinusulong ni Cayetano mula noong 2013 ang isang permanenteng Emergency Response Department na mamamahala sa disaster preparedness, response, at long-term rehabilitation. Muli niyang inihain ito bilang Senate Bill No. 105 noong July 2025.

Kamakailan, binigyang diin din niya ang pangangailangan ng pambansang dialogue kung paano gagawing "as flood-free as possible" ang bansa.

Aniya, kailangang tugunan ang parehong praktikal na dahilan ng paulit-ulit na baha—tulad ng mahinang urban planning at mabilis na urbanization—at ang kawalan ng tamang pagpapahalaga, lalo na ang integridad, na pumipigil sa tunay na pagbabago at nagbibigay-daan sa korapsyon sa mga flood control projects.



08/09/2026

Congratulations to my brother, our forever People’s Champ and former Senator Emmanuel “Manny” D. Pacquiao, MMPA, on your appointment as Lead Convenor of the National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Your life has always been a testament to what faith, hard work, and perseverance can overcome. From humble beginnings, you rose above poverty and have since dedicated yourself to creating opportunities and uplifting the lives of others.

We are proud of you and fully support you in this new mission. May you continue to serve with compassion, give hope to Filipino families, and help build a nation where every Filipino has the opportunity to rise and no one is left behind.

Congratulations, Sec. Manny! 🇵🇭


LOOK 👀 IN PHOTOS 📸💙💛 MAS PINALAPIT NA SERBISYONG PANGKALUSUGAN SA SOCCSKSARGEN! 🏥✨GENERAL SANTOS CITY- Ginanap ngayong a...
07/09/2026

LOOK 👀 IN PHOTOS 📸💙💛 MAS PINALAPIT NA SERBISYONG PANGKALUSUGAN SA SOCCSKSARGEN! 🏥✨

GENERAL SANTOS CITY- Ginanap ngayong araw September 7, 2026 sa Greenleaf Hotel, General Santos City ang YAKAP Press Conference ng PhilHealth Region XII kasama ang ating mga partners, stakeholders, at local media! 🎙️📰

Inilatag ng ahensya ang midyear accomplishments para sa 2026, kasabay ng pinakabagong updates sa YAKAP at GAMOT programs—para masigurong ang bawat pamilyang Pilipino ay protektado at ! 🤗💊

Hindi lang 'yan—tuloy-tuloy ang serbisyo sa komunidad sa tulong ng YAKAP Caravan! 🚐💨
📲 ONLINE NA TAYO!

Para Mas mabilis na ang transactions! Mag-register at magbayad online sa ilang clicks lang:

👉 Online Services: https://www.philhealth.gov.ph/services/

👉 SoCCSKSarGen Directory: https://www.philhealth.gov.ph/about_us/directory/

👉 Official Website: www.philhealth.gov.ph

Sundan ang aming mga opisyal na pages para sa iba pang updates:

🔗 https://www.facebook.com/share/1ACB5k1mNV/

🔗 https://www.facebook.com/share/1BKmcHfNms/

✅ Stay informed.
✅ Stay connected.
✅ Stay healthy with PhilHealth!

Cres Doning
Pahayagan World Inquirer News Publishing
PH Headline








PhilHealth Soccsksargen

LOOK 👀 IN PHOTOS 📸 GITING AT PAGKAKAISA’: GRAND CULMINATION CEREMONY NG TUNA FESTIVAL 2026, MATAGUMPAY NA NAGTAPOS SA GE...
06/09/2026

LOOK 👀 IN PHOTOS 📸 GITING AT PAGKAKAISA’: GRAND CULMINATION CEREMONY NG TUNA FESTIVAL 2026, MATAGUMPAY NA NAGTAPOS SA GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS CITY — Muling pinatunayan ng lungsod ng General Santos ang matatag nitong layunin na bumangon kasabay ng pagtatapos ng Tuna Festival 2026 sa ginanap na Grand Culmination Ceremony nitong Setyembre 5, 2026

Sa kabila ng mga pagsubok matapos ang pagtama ng magnitude-7.8 na lindol noong Hunyo, naging simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at pasasalamat ang limang araw na selebrasyon na nagtapos nitong Sabado sa City Hall Drive.

Sa ilalim ng temang “Giting at Pagkakaisa, sa Pagbangon Sama-sama,” binigyang-diin sa huling gabi ng pagdiriwang ang lakas ng komunidad at ang pagkilala sa mga frontliners at responders na unang tumugon noong panahon ng kalamidad sa pangunguna ni City Mayor Hon. Lorelie Geronimo Pacquiao LGPcares hindi ito naging hadlang upang maipadama ang tunay na diwa ng pagdiriwang at suportahan ang mga lokal na negosyo at manggagawa sa industriya ng tuna.

Cres Doning
Pahayagan World Inquirer News Publishing
PH Headline




*Cayetano, hiningi ang strategic direction ng DOH sa ilalim ni Mercado*Gustong malaman ni Senate Minority Leader Alan Pe...
04/09/2026

*Cayetano, hiningi ang strategic direction ng DOH sa ilalim ni Mercado*

Gustong malaman ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang direksyon at mga reporma ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Dr. Edwin Mercado, partikular kung paano titiyakin ng ahensya na ang paggastos sa kalusugan ay tunay na magreresulta sa mas mabuting kalagayan ng kalusugan para sa mga Pilipino.

“What reforms will the DOH pursue to ensure that public health spending becomes genuinely transformative and advances the constitutional guarantees on the right to health and the general well-being of the Filipino people?” wika ni Cayetano sa isang liham na isinumite kay Senator JV Ejercito, chairperson ng Senate Committee on Finance nitong September 4, 2026.

Nagsimula nitong Biyernes ang pagtalakay ng Senado sa panukalang P264 bilyong budget ng DOH para sa taong 2027. Ibinigay ni Cayetano ang kanyang mga tanong sa komite upang matiyak na ang mga inihaing sagot ng DOH ay magbibigay ng mas kumpletong basehan sa pagsusuri ng panukalang budget. Layunin din niyang matiyak na maayos na maitatala sa official record ang mga pangako at paliwanag ng ahensya.

“There is perhaps no government function more directly connected to the dignity, well-being, and everyday lives of our people than the delivery of accessible and quality healthcare,” sabi ng senator.

“The national health budget is more than an accounting of appropriations. It is a measure of whether the State is fulfilling its constitutional duty to protect and promote the right to health of every Filipino,” dagdag niya.

*Pokus sa mga programa laban sa stunting*
Matagal nang isinusulong ni Cayetano ang mga hakbang para matugunan ang stunting o pagkaantala sa paglaki at pag-unlad ng mga bata. Dahil dito, partikular niyang binigyang pansin ang mga programa ng gobyerno laban sa stunting, kabilang ang pagpapatupad ng Philippine Plan of Action for Nutrition (2023-2028) at iba pang kaugnay na programa.

Hiniling niya sa DOH na ipaliwanag kung bakit tumataas pa rin ang bilang ng mga batang may stunting sa kabila ng mga pangakong ginawa ng ahensya noong mga nakaraang pagdinig tungkol sa budget. Hiningi din niya ang mga detalye kung ano ang balak nitong gawin, pati ang mga target at resulta na nais nitong makamit sa pamamagitan ng mga programa nito.

Si Cayetano ang may-akda ng Anti-Stunting Action Plan Act (Senate Bill No. 416) na naglalayong bumuo ng isang high-level council para pag-ugnayin ang whole-of-government response. Bibigyang prayoridad nito ang paggamit ng datos sa pagsubaybay at paglalaan ng sapat na resources sa mga lugar na mataas ang kaso ng stunting. Isinusulong din niya ang malinaw na sistema ng pananagutan at ang pagtatalaga ng isang Anti-Stunting Czar na mangangasiwa sa pagpapatupad ng programa.

“Irreversible ito… Ang problema mo sa stunting, walang rewind ito.. Kaya the best return on investment, peso for peso, is to prevent stunting,” wika ng senador.

*Pagbili at paghahatid ng mga bakuna*
Bilang follow-up sa mga tanong niya sa mga nakaraang budget hearing, hiniling ni Cayetano sa DOH na magbigay ng kumpletong listahan at status report tungkol sa pagbili at paghahatid ng mga bakuna mula 2022 hanggang sa kasalukuyan.

Sa plenary deliberation para sa 2026 national budget noong nakaraang taon, pinuna ni Cayetano ang DOH dahil sa pagkaantala ng paghahatid ng mga bakuna. “Can you guarantee us in 2026 that there will be no delays?” aniya. Iginiit niya na hindi katanggap-tanggap ang pagkaantala ng mga bakuna lalo na’t maraming umaasa sa mabilis na paghatid nito.

Sa liham niya kay Ejercito, sinabi ni Cayetano na makatutulong ang impormasyong hinihingi niya sa DOH para masuri ng mga senador ang status ng pagbili at paghahatid ng mga bakuna. Makikita rin dito kung nagagamit nang maayos ang pondo ng bayan upang maibigay ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan.

*Primary care at health facilities*
Nakatuon ang iba pang tanong ni Cayetano sa kakulangan ng mga pasilidad para sa primary healthcare, lalo na sa mga lugar na malayo, mahirap puntahan, at kulang sa serbisyo.

Hiniling niya sa DOH na isumite sa Senado ang plano at timetable nito para matugunan ang mga kakulangang ito at mapabuti ang access sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad na kulang sa serbisyo.

Humingi rin siya ng report tungkol sa paggamit at pamamahagi ng health infrastructure funds mula 2022 hanggang 2026, lalo na ang mga pondong inilaan sa pamamagitan ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP).

Bukod dito, humingi siya ng kumpletong ulat sa lahat ng foreign-assisted projects, loans, grants, at iba pang financing facilities na kasalukuyang ginagamit o ipinapatupad ng DOH.

Binigyang diin ng Minority Leader na ang kanyang mga tanong ay naglalayong palakasin ang proseso ng pagsusuri sa budget at makatulong sa pagbuo ng isang health budget na tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga Pilipino sa ilalim ng bagong pamunuan ng DOH.

“This representation therefore assures the majority of our full and good faith cooperation so that we may arrive, together, at the best possible budget for 2027 — a budget that is not only adequately funded but responsive to actual health needs, grounded on evidence, and capable of transforming health outcomes for all Filipinos,” wika ng senador.




*Cayetano, Minority Bloc nagbigay-pugay sa 20 bagong bayani*Binigyang-pugay ng Senate Minority Bloc na pinamumunuan ni M...
04/09/2026

*Cayetano, Minority Bloc nagbigay-pugay sa 20 bagong bayani*

Binigyang-pugay ng Senate Minority Bloc na pinamumunuan ni Minority Leader Alan Peter Cayetano ang 20 service workers, volunteers, at community frontliners na nagsisilbing mga bagong bayani ng bansa.

Inorganisa ng grupo ang “Ordinaryong Pilipino sa Ekstraordinaryong Pagkakataon: Mga Kwento ng mga Bagong Bayani sa Makabagong Henerasyon” sa Senado nitong September 2, 2026 bilang pagdiriwang ng National Heroes Day.

Kabilang sa mga pinarangalan ang security guards na sina Elmer P. Ausente at Jeffrey Resurreccion; Army reservists Abegail J. Falguera, Eva B. Sarcilla, at John Lloyd G. Tica; child advocate volunteer Sarah Tullos; missionary Ferdinand D. Medina; at SPED teacher at missionary dentist Dr. Irene S. Manalon.

Kinilala rin sina barangay health worker Maria Noemi G. Elaba at Daisy C. Petina; nurse Belinda Cresencio De Padua at Ma. Delia O. Papa; at transport at delivery worker Gerry Suba, Mary Grace Salvador, Benjie Saquing, at Bryan M. Serrano.

Kasama rin sina bicycle delivery rider at fire volunteer Mark Alfredo Fortunato; student at fire volunteer Japh O. Belchez; working student Franze Nathaniel R. Santiago; at service crew member Stephen Howard Rayperan.

Bawat isa ay tumanggap ng munting handog bilang pagkilala sa kanilang “service, sacrifice, resilience, and malasakit.”

Hinimok ni Cayetano ang mga pinarangalan na huwag maliitin ang “the power of your story.” Aniya, nagsisilbi silang inspirasyon sa iba na gamitin ang kanilang bigay ng Diyos na kakayahan para tumulong sa komunidad.

“We’re aware that there are modern-day heroes na hindi po nabibigyan ng recognition, but that doesn’t mean you don’t have a grateful nation and a grateful set of senators,” ani Cayetano sa kaniyang talumpati.

“Marami sa inyo hindi napapansin y’ung work niyo. It’s not really about credit, but really about giving inspiration na sa hirap ng buhay, sa sobrang toxic ng pulitika, mayroon pa rin talagang mga tao who go beyond,” dagdag niya.

Ordinaryong Pilipino, ekstraordinaryong serbisyo
Tatlo sa mga pinarangalan ang nagbahagi ng kanilang natatanging kuwento ng kabayanihan sa kabila ng simpleng pamumuhay at sariling mga pagsubok sa buhay.

Isa sa kanila si Elmer Ausente, isang security guard na nag-viral nang makuhanang sumisigaw sa megaphone para palakasin ang loob ng kukuha ng nursing board examination sa Manila Central University.

Aniya, nais lang niyang palakasin ang loob ng mga examinee na walang kasamang kaanak o kaibigan. Ilan sa kanila ang bumalik para pasalamatan siya at ibalitang pumasa sila sa pagsusulit.

Binubuhay ni Ausente ang kaniyang apat na senior high school na mga anak sa pamamagitan ng pagse-security guard, na 16 taon na niyang trabaho.

“Nagpapasalamat po ako. Hindi ko po talaga inaasahan ito dahil isa lang po akong security guard sa Manila Central University. Sumigaw lang po ako para maalis po y’ung kaba ng mga examinees namin,” pahayag ni Ausente.

Taong 2022 naman sa kolehiyo nang magsimulang maging boluntaryo ang 22-taon-gulang na Army reservist na si John Lloyd Tica. Kumuha siya ng training sa first aid, basic life support, disaster risk reduction, land navigation, survival, at search-and-rescue operation.

Ngayon, naglilingkod siya sa mga rescue operation at nagtuturo rin ng first aid at basic life support sa mga paaralan, barangay, at tanggapan ng gobyerno.

“Isa lang po akong ordinaryong tao, pero si God ang extraordinary. Siya ang gumamit sa akin para maging volunteer… Y’ung simpleng act natin, time, and effort, malaking bagay po para sa mga taong nangangailangan,” pahayag ni Tica.

Ikinuwento naman ng delivery rider na si Bryan Serrano kung paano niya sinalo ang isang batang nahulog mula sa ikalawang palapag ng bahay. Tinawag siyang “guardian angel” ng mga magulang ng bata at hiniling pang maging ninong ng kanilang anak.

“Sa akin po, ang pagtulong ay hinihingi ng pagkakataon. Ginagamit po tayong kasangkapan ng Diyos para makatulong. Nagpapasalamat po ako sa Diyos na binigyan ako ng lakas para masagip ang buhay ng bata,” pahayag ni Serrano.

Dumalo rin sa aktibidad sina Senators Pia Cayetano, B**g Go, Mark Villar, Camille Villar, Robinhood Padilla, at Imee Marcos para personal na magpasalamat sa mga bagong bayani.

Nangako naman si Cayetano na kasabay ng pagbabantay sa kaban ng bayan at paghahanap ng solusyon sa mga problema ng gobyerno, patuloy ding maghahatid ng direktang tulong sa mga mamamayan ang Minority bloc.

“Help people more, hindi lang sa paraan ng pagfi-fiscalize, holding people accountable, at pagbibigay ng ideas, pero sa direktang tulong sa mga tao,” aniya.

Bago pa ang aktibidad, matagal nang binibigyang-diin ni Cayetano na dapat tumbasan ng konkreto at pangmatagalang suporta ng gobyerno ang pasasalamat sa mga makabagong bayani ng bansa.

Kabilang sa kanyang mga inakda at sinuportahang panukala ang living wage, mas matibay na primary health care sa bawat barangay, accessible health care, mas malawak na suport,.




LOOK 👀 IN PHOTOS 📸Tuna Festival 2026 'Grand Serbisyong Heneral': Isang Matagumpay na Caravan ng Libreng Serbisyo sa Gene...
03/09/2026

LOOK 👀 IN PHOTOS 📸Tuna Festival 2026 'Grand Serbisyong Heneral': Isang Matagumpay na Caravan ng Libreng Serbisyo sa General Santos City

GENERAL SANTOS CITY – Sa gitna ng masiglang pagdiriwang ng Tuna Festival 2026, matagumpay na isinagawa ang "Grand Serbisyong Heneral," isang malawak na Free Government Services Caravan na naghatid ng tulong at serbisyo sa libu-libong residente ng lungsod. Ang kaganapan ay pinangunahan ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao LGPcares at mga partner na ahensya ng gobyerno.

Ginanap ngayong araw September 3,2026 sa City Hall Drive-in, ang aktibidad ay dinagsa ng mga residente mula sa iba't ibang barangay, partikular ang mga taga-Dadiangas North, Dadiangas East, Dadiangas West, at Dadiangas South. Layunin ng caravan na ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan at bigyan sila ng access sa mga kinakailangang tulong.

Kabilang sa mga ibinigay na serbisyo ay ang mga sumusunod:
✅Health: Medical consultations at libreng gamot.
✅Vision: Eye checkups at libreng salamin sa mata.
✅Pet Care: Anti-rabies vaccination para sa mga alagang hayop.
✅Legal: Libreng legal assistance.
✅Personal: Libreng gupit.
✅Agriculture: Libreng food assistance at vegetable seeds para sa mga magsasaka.
✅Government ID: PhilHealth at PhilSys Registration.
✅Frontline Services: Direct City Department support.

Cres Doning
Pahayagan World Inquirer News Publishing
PH Headline




Address

General Santos City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PH Headline posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share