21/10/2025
4 Senate bets sa 2025 polls tumanggap ng donation sa contractors - Comelec
Kinumpirma ng Comelec na apat na kandidato sa pagka-senador noong 2025 midterm elections ang tumanggap ng donasyon mula sa mga government contractors. Ayon kay Chairman George Garcia, 21 contractors ang nagbigay ng tulong sa pitong kandidato, kabilang ang apat na senatorial bets at dalawang party-list. Hindi pa inilalabas ang mga pangalan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE). Ipinagbabawal ng Omnibus Election Code ang pagtanggap ng donasyon mula sa mga government contractors.